Mga binibitawan nilang salita,
Tumatatak sa iyong isipan,
Labis na sakit ang iyong nadarama,
Sapagka't ikaw ay hindi, pinapahalagahan.Katahimikan na iyong dinudulot,
Kinikimkim mo ang labis na lungkot,
Lungkot na hindi mawala wala,
Bubuka palang ang bibig lalabas agad, ang isang butil na luha.Malalim na pag-iisip,
Ang siyang naging libangan mo,
Pansamantalang pantakip,
Sa totoong mundo.Ngunit habang tumatagal,
Ito ay nagiging sagabal,
Imbes na magandang ala-ala ang naiisip mo,
Lumiliko ito at nagiging negatibo.Kailanman ay hindi ito naging maganda,
Ngunit pinili mo parin mag-isip ng kung anu-ano,
Kaya ngayon ikaw ay nagdurusa,
Sapagka't ang sakit at poot ay pilit mong tinatago.