The Ball.

28 0 0
                                    

Toooooot. Toooooot. Toooooot

"Waaaaaaah!" Napasigaw ako pagising ko.

"Hayyy panaginip lang pala." It's a nice dream but my worst nightmare.

6:47 ng umaga nung ako ay nagising. Naghanda ako para umalis at mag papagupit ako para mas lalo akong pumogi sa ball mamaya. Naligo, kumain at umalis na sa bahay. At nagtungo na sa David's Haircutters na lagi kong pinagpapagupitan. Pero nung paalis na ako naalala ko yung panaginip ko kagabe

--Nasa barber shop na ak0--

Nakita ko si Raymond at si Paul na naghihintay din sa kanilang turn.

"Wesley!" Sabay brofist sa akin ni Paul

"Papagupit ka din?" Sabe naman ni Raymond

"Hindi magpapahaba ako ng buhok kaya nga nandito ako sa BARBER SHOP" pampipilosopo ko kay Raymond. After all these years ngayon lng ako nakabawi sa kanya ng pampipilosopo.

Nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano ano. Hanggang kami naman yung gugupitan. Naalala ko yung napanaginipan ko. Semi kalbo with bangs ang papagupit ni Raymond

"Anong gupit nyo?" Tanong nung barbero.

"Semi-Mohawk po yung akin" sabe ni Paul.

"Ako po trim lang" sabe ko

"Akin po mohawk." Sabe ni Raymond.

"Hindi Semi kalbo with bangs ipapagupit mo?" Tanong ko.

"Bat ko naman ipapagupit yun?"

"Ala nevermind."

Oh dream is just a dream. Hindi ko na aalalahanin yung panaginip ko.

BzZzZzzzzzzZZzZzzzZ. Tunog nung Razor

Natapos na kami with our new hairstyles. Nagkayayaan kami na maglaro muna ng DOTA bago umuwi. Pumunt muna kami sa mall bago umuwi. Kumain, gumala nag laro ng computer games, gala, gala, gala, gala, punta sa Timezone, gala. Hanggang napagpasyahan na namin umuwe. 1:00 na din eh.

--brrrroopoppoom--

Nung nasa bahay na ako, plano kong matulog para sa beuty rest ko. JK

Naalala ko nanaman yung panaginip ko kaya hindi na ako tumulog.

Turururut.

"May nagtext"

"Anong ginagawa mo punta ka dito tulungan mo ako da level 689 hindi ko matapos eh."

"Sure" kami yung tipo ng tao na mahilig sa computer games. Medyo mas magaling nga lang ako kay Raymond. Lagi siyang nagpapatulonv kasi masmalakas yung Character ko sa kanya.

--Raymond's House--

Naglaro kami ni Raymond ng "Plants Vs Zombies"( wala akong maisip na title ng game) naglaro din yung ate niya at tinulungan kami. Ang cool nung ate ni Raymond, maganda, mabait, at COOL. Matapos ang 3 hours na paglalaro umuwi na ako para makapaghanda sa ball mamaya.

Mga 5:10 na ako nakauwe ng food trip pa ako eh. Sarap ng Streetfood eh. Naghanda na ako para sa ball. Naligo, nagtoothbrush, plinantsa ang damet ko, isinuot ko ang aking simple black americana na nakaopen yung buttons. (Ala basta hindi ako magaling sa fashion eh.)

Nag wax, nagpabango, nagayos ng hair, konting powder,tapos konti pang ayos, then BOOOM. Meet the boy in your dreams, or sabihin na nating nagmukha akong artista. Shet!

"Ampogi ng anak ko" sabe ni Mom

"Syempre, maypinagmanahan eh." Kiniss ko si Mom at umalis na.

Pumunta na ako sa bahay nila Sam para sunduin siya. Hayyy naalala ko nanaman ung panaginip ko este bangungot ay panaginip nga. I saw her BODY. Ebebeyen lumalabas nanaman ang pagka Pervert ko.

Girl near the windowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon