Min Yoongi
It's sembreak and we're here in Malta for a two week vacation. Obviously, i'm not excited about this. Mas gugustuhin ko pa sa comfort ng sarili kong kwarto. At least dun malaya akong gumalaw at magisip.
Malayong malayo din ang bahay sa ambiance na gusto ko. Too colorful.
Ang sakit sa mata.
Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ng napakagaling namin na leader para magsuggest ng game to decide our roommates. Hindi ba pwedeng kami na lang magdecide? Wala naman ako pake kung sino magiging kasama ko sa kwarto, as long as hindi maingay. Ang ayaw ko sa lahat yung naiistorbo ako sa pagtulog.
But since wala naman ako magagawa, i decided to play along.
"okay naka'akyat na si Hobi and Taehyung, who's next?"
Narinig kong tanong ni Namjoon kaya naman napatingin ako sa palagid. Dumako ang mata ko sa isang tao na nakatayo lang sa gitna ng living room.
Si Park Jimin.
Para siyang statue nakatayo lang at nakatingin samin.
Tatawagin ko na sana siya para umupo ng nakita kong bigla na lang siyang hinila ni Jin at pinaupo. Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla siyang tumingin sakin at nagtama ang mga mata namin.
Sa sandaling titigan na yun pakiramdam ko may dumaloy na 100 volts of electricity sa katawan ko kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
I shouldn't be feeling this but i can't help it.
Park Jimin is the only guy that can make my heart do a soumersault without even knowing it.
Kay Park Jimin lang ako nakaramdam ng ganito, pero alam kong mali.
Maling-mali ito.
At mali din na sumama ako dito sa Malta.
I want to go home and i don't want to see Park Jimin. Baka hindi ko mapigilan sarili ko and sabihin sa kanya ang nararamdaman ko na pinilit kong itago sa loob ng 5 years na kasama ko siya.
"Umakyat na si Jimin. So sino sunod?" narinig kong tanong ni hyung, pero alam ko naman na para sa akin yun since kami lang dalawa ang andito.
"H-Hyung/Yoongi." we both said kaya naman napatingin kami sa isa't isa.
"You should head upstairs Yoongi, kailangan mo na magpahinga." sabi ni hyung kaya naman tumayo na ako.
Pagdating sa lahat, si Jin hyung ang lagi kong sinasabihan ng mga problema and kwento ko sa buhay. Oo mas una kong nakilala si Namjoon, pero mas comfortable ako kay Jin. Siguro kasi 3 months lang ang tanda niya sakin.
And si Jin hyung lang kasi ang kayang kumontrol sa ugali ko.
"Good night Yoongi."
Bago ako umakyat tumingin muna ako kay Hyung and hindi ko mapigilan na magtanong.
"Hyung, did i really made a right decision to come here in Malta?"
Mga ilang minuto lang sigurong nakatingin sakin si hyung bago magsalita.
"I think you did. And i guess you'll know you did if you just try to enjoy this two week vacation." Sagot ni hyung.
Tumango na lang ako at nagsimula nang umakyat pataas ng staircase nang bigla ulit nagsalita si Jin hyung.
"Here's a tip Yoongi-ah, i heard na masarap daw humiga sa kama ng pinakadulong kwarto. I'm sure it will help you feel relaxed."
Hindi ko alam kung paano niya naman nalaman ang info na yun, pero siguro nasabe sa kanya ni Namjoon ng hindi sinasadya. May pagka'engot kasi yung isang yun eh.
Hindi ko na lang yun inintindi at naglakad na ako papunta sa pinaka-dulong kwarto. Gusto ko na din humiga and i trust Jin hyung, if he said na makakatulong ito then i'm sure as hell makakatulong nga.
Pero hindi ko pa rin maisip if tama ba talaga na sumama ako dito. It's not as if may magbabago. Ganito pa rin naman ang magiging sistema, lalo na kapag natapos ang vacation and bumalik na kami sa realidad.
Realidad na hindi ko kayang tanggapin, dahil sa kanya.
Dahil kay Park Jimin.
Is it really the right decision to come here in Malta?
And as i open the door to the room, a familiar Orange hair greeted my eyes.
A smile fell upon my lips as all the questions in my head suddenly disappear.
And yes, i did made the right decision to come here in Malta.
--- X
BINABASA MO ANG
A Twist In My Story //
Fanfiction"I hope i can travel in many multiverses just to see if we'll end up in each other's arms even if in this universe, you won't end up in mine. If we did, i wish i could live in that universe, with you. It has always been you." -- A Twist In My Story...