DNA Lab
"Okay lang yan hyung, alam naman namin na di mo sinasadya na malaglag yung cake." pag'comfort ni Jk sakin.
Andito kami ngayon sa DNA Lab at pinaguusapan ang mga gagawin namin mamaya para sa shooting ng BTS Festa 2018.
Taon-taon namin itong ginagawa every anniversary namin kaya parang naging tradition na din siya.
Tipid akong ngumiti kay Jk and went back to wiping the icings on my shoes. Nakapagpalit na din ako ng slacks since may extra naman ako dala palagi.
"ah suga-hyung? Who's the girl who hugged you and why did she do that? Isn't that forbidden?" tanong ni V habang nakatingin kay Yoongi.
"i don't think i should even bother explaining that Taehyung. You know how some fans is like." sagot naman ni Yoongi habang kumakain ng chips. "At isa pa, minsan talaga masarap gawin ang mga bawal." Dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya.
Agad ko naman iniwas ang tingin ko ng nagtama ang mata namin. Tama nga ang kutob ko, sa akin siya tumingin.
Pero bakit?
"But just because masarap ay pwede mo nang gawin ng paulit-ulit. Pang'ilang beses na ba yan Yoongi-hyung?" - Namjoon hyung
"As far as i know, this is the first time. Right Yoongi-ssi?" Jin-hyung asked with a meaningful tone.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit minsan kapag nagsasalita si Jin hyung, palaging may double meaning. Or baka naman masyado lang talaga akong nago'overthink?
"You always know the right words to say huh hyung?" Yoongi answered back with a hint of annoyance in his tone.
Jin hyung just smiled widely.
"I don't understand them V-hyung." sabi ni Jungkook habang naka'pout at nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Taehyung.
"Me neither Kookie. Pero okay lang yan, ang mahalaga ay important." pagjoke ni V kaya naman naka'earn siya ng hampas mula kay Jk.
Siguro kung normal na tao ang makakakita sa kanila, they will think that they're in a relationship.
Kahit ako minsan nagseselos na ako kung gaano sila ka'close and ka'sweet. Bestfriend and soulmate ko kaya yan si V! Hmp.
"Asan nga pala si Hobi hyung?" tanong ko after wiping all of the icings in my shoes. Ayan, mukha na namang brand new.
"Bumili ng pagkain, gutom daw siya eh" - Jin
"Huh? Eh nasaan ung pagkain na binili ni V?" Tanong ko ulit.
"Ubos na" Sagot ni V at ngumiti ng malapad.
"Dami nun ah? Ni wala nga akong nakain kahit isa dun tapos ubos na??" i can't believe my ears.
"Ah eh kasi para talaga kay Kookie yung binili ko, di daw kasi sapat yung kinain niyang breakfast kanina"
"Eh bat mo pa ko niyayang kumain??" sagot ko at handa na akong batuhin siya ng box ng tissue.
Nakakaselos talaga hmp!
"Sorry na Jimminie. Bilhan na lang kita chicken mamaya hehe"
Sasagot pa sana ako ng biglang may inabot sa akin si Jin hyung na paper bag. Agad akong tumingin sa kanya ng may halong pagtataka.
"Sweet and sour chicken with rice and kimchi on the side. May soda din dian."
"Waaa ang daya! Binili mo ba yan Jin-hyung para kay Jimin-hyung??" pagmamaktol ni Jk na ngayon ay nakatayo na pagkarinig pa lang ng sweet and sour.
"Huh? Hindi ah. Binili yan ni Yoongi bago pumunta dito." Sagot ni Jin na ikinabigla at ikinalaki ng mata ko.
Hindi lang ako pero pati sila Tae and Jk nabigla din.
Narinig ko naman na napa'ubo si Yoongi.
"Woah really?? Yoongi hyung bought this for Jimin??" di makapaniwalang tanong ni V.
Teka seryoso ba talaga si Jin hyung?? Binili ni Yoongi ito para sakin??
"Hyung bat ako wala? Asan na yung pangako mo sakin na Lamb Skewers??" pagmamaktol ulit ni Jk sabay lapit kay Yoongi.
Niyugyog ni Jk ang braso ni Yoongi na parang bata habang naka'pout at binabanggit ang Lamb Skewers na ipinangako daw ni Yoongi sa kanya.
"Actually jin-hyung, i bought that for myself to eat in the car but since you drive so freaking fast nawalan na ako ng gana. Mamaya masuka ko pa yan sa newly cleaned carpet ng car mo eh. Gusto ko pa pong lumabas sa kotse mo ng buhay in case you asked." pageexplain ni Yoongi habang hindi natitinag sa kakayugyog ni Jungkook.
Ay oo nga pala, may pagka'neat freak din pala si Jin hyung. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng kalat lalo na sa mga bagay na pagmamay-ari niya.
I remember one time he gave Namjoon a box of wet wipes as a gift on x-mas because when we were on tour in Japan, Namjoon spilled some squid sauce in his newly bought cardigan.
"Yeah? Then why did you tell me to give it to Jimin?" tanong ni Jin pabalik habang nakataas ang isang kilay.
Napansin ko na napatingin sa akin si Namjoon and Tae.
Ano na naman ba meron sa mukha ko?
"Because napansin ko na hindi siya nakakain ng breakfast kanina, and hindi man lang nga nangalahati ung coffee niya so i think i should give it to him" pagpapaliwanag ulit niya. "Is that an already enough reason for you, hyung?"
"A fair one. But not satisfying enough" sagot ni Jin ng may halong tawa at umupo na ulit sa tabi ni Namjoon.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Yoongi at napansin ko din na nakabalik na pala si Jungkook sa tabi ni V.
Sakto naman na bumukas ang pinto ng Genius Lab at iniluwa nun si Hobi-hyung, na may hawak-hawak na plastic bag habang kumakain ng cupcake.
"Yow guys J-dope is back!" Sigaw niya habang punong puno ng icings ang magkabilang corner ng bibig niya.
"Ano binili mong pagkain Hobi-hyung?" tanong ni Jk habang nagniningning ang mga mata.
Seriously, daig pa ata nito ang mga homeless people dahil sa pagiging palaging gutom. Kakakain lang niya kanina pero parang gutom pa din.
"One box of cupcakes. Na'sales talk kasi ako nung babae sa store kaya ayan. And mukha naman siya masarap so keri na."
Agad na naman tumayo si Tae and Jk at lumapit kay Hobi and alam na alam ko na kung bakit. Hihingi sila ng cupcake kay Hobi-hyung.
Hawak-hawak ko pa din ang paper bag na binigay ni Jin at nagiisip kung kakainin ko ba ang binili ni Yoongi.
Aaminin ko, sumaya ako nung sinabe ni hyung na binili ito ni Yoongi para sa akin pero ganun din ang pagkalungkot ko nung hindi pala. Para pala talaga ito sa kanya at binigay lang niya sakin kasi nawalan nga siya ng gana.
Gusto ko sanang tanggihan at sabihin na diet ako -which is totoo naman - kaya lang baka magtampo naman si Yoongi, kaya no choice ako kundi kainin yung pagkain.
Okay lang din naman kasi gutom naman talaga ako.
As i eat, i looked at Yoongi with my peripheral vision and saw him looking at me with his lips curved into a soft smile.
Hindi ko alam if para saan ang ngiti niya na yun pero ang alam ko lang, masarap ang pagkain na binili ni Yoongi. Saan kaya niya nabili 'to?
--- X
BINABASA MO ANG
A Twist In My Story //
Fanfiction"I hope i can travel in many multiverses just to see if we'll end up in each other's arms even if in this universe, you won't end up in mine. If we did, i wish i could live in that universe, with you. It has always been you." -- A Twist In My Story...