FRIDAY
" ma'am ito po yung design nung dress" sabay abot sakin ni Josephine nung folder na hawak nya.
" Ah sige salamat" tumango naman sya tapos lumabas sa office ko.
7 years na ang nakaraan.. still nag aantay pa din ako, siguro na kakatawang isipin. After all those past years I still loved that guy. Simula kasi nung makilala ko sya naniwala na ako sa FOREVER ng lovelife ko sa isang tao. dati kasi hindi.Graduate ako ng college, Bachelor of Business Ad. and 2 years course of Fashion designer.
ngayon im holding our small family business which is Occasion Planner, Kasama ko si yasmin sa pag papatakbo nito sa katunayan business partner kami.
Yung MINISTRY namin? ayun graduate na kami as senior dancers, na stop na din kami sa pag sasayaw pero yung pag sisimba on going padin. syempre parte na siguro ng buhay namin yun.
*knock*knock*
"Pasok!" ow speaking of bruha. agad syang umupo sa katapat kong upuan,nasa mini salas kasi ako.
"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. ngumiti lang sya tapos may inilabas na envelope sa likod nya. tinaasan ko lang sya ng kilay.
Bahagya syang tumawa. "Buksan mo kaya" gaya nang sinabi nya binuksan ko na lang. nagulat ako sa nakita ko.
"TRIP TO ITALY! Waaaaah! anong meron?!" Niyakap ko sya ng napaka higpit, sheeems, ang tagal kong hinintay to noh! May pera naman ako pero syempre may needs din ako kaya hindi ako makagala ng ganito kalayo. tapos idag dag pa na baguhan lang ako dito sa company ni dad.
"Gosh! best higpit ng yakap mo!" suway nya kaya tinanggal ko yung pag kakayakap nya.
"sorry hihihihi, para saan nga pala to?" tanong ko sa kanya ulit.
"duh best, Malapit na kaya birthday mo isang linggo na. don't tell me nakalimutan mo?" oo nga, busy kasi kami sa preparations nung bago naming client. kasal pa naman kaya kailangan maganda ang kalabasan.
"I already forgot, alam mo namang may bago tayong client diba?" tumango sya, tapos nag salita ulit.
"sa next sunday na yang flight mo" sunday? makakapag simba pa ba ako nun?
"why so sudden? tsaka yung preparations pano yun? tapos ako lang magisa?!" sunod sunod kong tanong sa kanya. napatakip sya ng tenga.
"AAHHH! boses mo naman.tss" ang taray neto >.<
"4 p.m. pa naman yang flight mo makakapag simba ka pa ng umaga. yung preparations basta mabigay na yung kulang. ow by the way yung design nalang naman ng bride gown yung kulang tapos na. tapos..." nag poker face naman sya.
"kung bakit mag isa ka, .. nabigay na ba yung design?" tumango ako. tumayo naman sya tapos lumapit sa table ko. kinuha nya yung folder na ibinigay nung secretary ko.

BINABASA MO ANG
Once Upon A Ministry
RomansaREVISING and EDITING. ✎ God made You and He made me, then He whispered " meant to be." [FINISHED/COMPLETE] ❤ "If NOTHING last FOREVER will you be my NOTHING?" - Nico