Chapter 6
Devon's POV
HAHAHAHA ang sarap talaga pagtripan nun ni Denise! Napaka laking coincidence dahil classmate ko pala siya!
Pero seriously dun din talaga yung daan ko papuntang shop at pauwi. Inutusan lang ako ni Mommy bumili ng Blueberry Cheesecake for the dinner mamaya with Mr. Perez which is classmate niya wayback highschool.
Mamaya na din ang dating ni Dad can't wait!!
Denise's POV
Medyo binilisan ko na umuwi medyo naeexcite na rin kasi ako sa Dinner mamaya! Excited akong makita si Cloud, Greg at mameet nadin yung kuya nila waaaaaaa! Pogi siguro yung kuya nilaaa ang gagwapo ba naman kasi ng kapatid niya e at ang ganda pa ni Tita Alice at for sure pogi din yung asawa niya nako nako can't wait!!
Pero sana di yun kasing yabang ni Devon! Ok na e pogi na! Bagsak lang sa ugali mayabang e!! Teka bat ko ba iniisip yung mongoloid na yun?!
Erase!!
Erase!!
Deleted! Ayan!!
"Meow meow" ay pusa!
"Waaaaaaa pusa! Ang cute" nakita ako ng isang cat and 3 kittens ang cute cute naglalambingan sila!! Umupo ako sa lupa upang malapitan pa sila ng maayos.
Hinaplos haplos ko sila waaa ang cute naman nila sama sama naglalambingan! Buti pa tong mga pusang to sama sama kahit saan buti pa sila buo, buti pa tong mga kittens na to may nanay. Ano kayang feeling ng may nanay yung tipong lalambingin ka, susuklay suklayin yung buhok mo, tatanungin kung kamusta ang araw mo, aayusan ka, at ipagluluto.
Ano kaya ang feeling ng yakap ng isang nanay o di kaya halik bago umalis ng school at paguwi. Hayyy makikita ko pa ba yung nanay ko? o kung may tatay man ako lolo at lola?
Pinunasan ko ang mga luhang unti unti ng dumadaloy sa pisngi ko.
Think positive Denise habang may buhay may pagasa. Ganyan na lang ba? Di pupwede kaya nga nag aaral ka diba? Hayy jusmeee andami daming paraan! Kaya mo yan habang may buhay may pagasa ok?!!
Napatango tango na lang ako dito at muling nabuhayan. Tama yan!----
*kalabit kalabit*
"Waaaaaaaaaa" nagulat ako ng bigla bigla may kumalabit sakin. Natapik ko yung iniinom niyang kape dahilan ng pagkakatapon nito sa damit niya. Unti kon inobserbahan yung lalaki parang mga nasa mid 30's na ganun. Parang may kamukha siya...
