Chapter 10
Nandito kami ngayon sa mall ni Mika, sabay kami ng bibilhing pang regalo kay Devon. Waaaaaa excited na ko! Binilang ko kasi yung mga naipon ko at ayun sakto naman siya whooooooo!! Balak ko sanang bilhin yung gusto niya na nakita niya sa isang punk na boutique sa tingin ko magugustuhan niya talaga yun!!
"Nabili ko na!" masayang sabi ni Mika buhat ang napaka raming paper bags.
"Mukhang napabili ka pa ng mga damit mo a? HAHAHA"
"Huh hindi! Regalo ko to lahat kay Devon!" nanlaki na lang ang mga mata ko sa sinabi niya andami kasi sobra mga sampung paper bag and by just looking on those paper bags mukhang mamahalin pa!
"Grabe! Yaman mo talaga hahaha"
"Baliw. Maganda kasi pag marami para unique at mangarag siya kakabukas! HAHAHAHAHA" tawa pa niya at bahagya kong naimagine. HAHAHAHAHA tae laftrep nga!!!
Napagkasunduan namin ni Mika na balutin agad ang regalo namin para effort diba! Para personalized!
"Bongga ng regalo mo kay Devon bagay talaga yan sa kanya!"
"HAHA ikaw nga e sampung damit! HAHAHA" di pa rin kasi ako makarecover sa regalo niya napaka unique!! HAHAHAHAHA!!
Ayang ang cute natapos na rin namin!! Pareho kasi kami ng pambalot binox ni Mika yung sa kanya.
Lastly...
"Isulat na natin yung name natin sa greeting card!!" excited kong sabi
"A hindi wag! May naisip ako" sabay labas niya ng isang parang pentelpen "Ito ang gagamitin natin!!" tuwang tuwa niyang sabi
"Ano naman yan?"
"Magic pen. Makikita mo lang yung nakasulat kapag nasa dilim!! Magic no?"
"Waaa oo nga good idea. Sige sige" namangha ako may ganun palang pen ang lawak talaga ng imagination ni Mika.
"Ayan tapos na!" sabi namin pareho
"And we will end this with this!" sabay labas niya ng phone niya at pinicturan ang mga gawa namin.
*click*
"Bakit mo pa pinicturan?"
"Para sa instagram!"
"Ha ano yun?"
"Di mo ba yun alam. Social media lang yun kung saan shineshare mo yung updates ng buhay mo by picture."