Justice 1

29 1 0
                                    

Home

"Welcome home, hija! It's been years! I've missed you so much, my apo" pagbati sa akin ng lola pagkababang pagkababa sa van na pinadala ni lola-mommy matapos malaman na ngayon ang aking uwi.
"Why so clingy, lola-mommy?" I asked. Bahagya akong natawa dahil sa reaksyon nyang nagtatampo "kidding aside. I've missed you too, lola-mommy!"

"Hija, nagtatampo ako sayo dahil ayaw mong umuwi ng Pilipinas. Pero mas nagtatampo ako ngayon dahil hindi mo manlang sinabi na ngayon ang balik mo." I've always taught lola na ayaw ko pang umuwi ng pilipinas dahil sa nangyari 15 years ago. I wanted to be alone back then.

Ayaw kong isipin ang pangyayaring sumira sa buhay ko kaya't napilitan akong mangibang bansa at doon manirahan para umiwas na rin sa masasamang loob na nagtatangka sa buhay ko.

"I'm sorry, lola-mommy. I just wanted to surprise you! Pero din rin ako nakatiis at nasabi ko rin sayo. My plan was a mess. Hindi talaga kita matiis kahit kailan lola-mommy." Pabiro kong sabi sa aking lola. How I love her so much. Sya na lang ang pamilya ko maliban sa iba pang nasa Palawan.

"Whatever, apo. Have you eaten? I cooked your favorite ulam. O baka hindi mo na paborito dahil 15 years mo itong hindi natikman."

"Of course it's still my favorite, lola-mommy! Nung nasa france ako gustong gusto ko nang umuwi dahil namimiss ko na yung luto mong pinaka-paborito ko sa lahat! Waaa! And now makakakain na ulit ako ng Paksiw na Bangus!" Tuwang tuwa kong saad dahil ngayon na lang ulit ako makakatikim ng luto ng aking lola. I miss everything here.

"Well, that's good apo. Let's go to the dinning room na para matikman mo na ang pinaka masarap kong luto para sa pinaka paborito kong apo" nakangiting saad ni lola.

Sabay na kaming naglakad patungo sa loob ng mansyon. It's been years since I last saw this up close. Maraming nagbago pero hindi ang sala set na pinaka paborito kong parte ng mansyon. Alam talaga ng lola ang gusto ko.

"Sala is still the same. You know me too well lola-mommy." Naluluhang saad ko matapos maalala ang masasayang alaala na naiwan ng yumao kong ina.
Hindi na nagsalita si lola at niyakap na lang ako.

"Let's stop this drama lola-mommy. I can't wait to eat your paksiw. Let's go to the dining room!" Pagtigil ko sa dramang namumuo sa pagitan namin ni lola.
"You started to cry, hija. You should stop. I might tease you later." Pabirong saad ni lola.

"Manang! Pakilagay na lang ang mga gamit ni Iva sa kwarto nya, ha" utos ni lola sa pinagkakatiwalaan nyang kasambahay.

Sumunod ang kasambahay sa utos ni lola-mommy. We went to the dinning room para narin makakain na ko ng niluto ni lola.

Nasa pintuan palang kami ng dining room ay naaamoy ko na ang bango ng nilutong Paksiw ni lola-mommy. Nagmadali akong makaupo sa upuan pagkakita ko ng ulam sa lamesa para narin makakain na kami at matikman ang paksiw na 15 years ko nang hindi natitikman.

"Dahan-dahan, Iva. Napaghahalataan ka namang sabik na sabik sa luto ko." Pang aasar sa akin ni lola.

"Lola-mommy, i'm not gonna lie. Sabik na sabik talaga ako dito." Pagsasaad ko ng totoo. Napatawa na lang si lola dahil sa aking sinabi. Nagsimula narin kaming kumain.

Habang kumakain ay nagsimulang magsalita si lola. "So, hija. How's your stay there back in France? Have you decided kung anong mga hakbang ang gagawin mo para mahanap ang killer ng mommy mo?" Lola asked.

Sandali akong natigilan sa tanong ni lola. Hanggang ngayon kasi sa tuwing naaalala ko ang nangyaring iyon kay mommy ay hindi na nag fufunction ng maayos ang utak ko. Tanging pagkamatay lang nya sa aking harapan ang bumabalot sa buong isipan ko. Hindi maproseso ang bawat tanong ng mga tao kapag naririnig ang salitang mommy.

"I still don't know lola-mommy. But i'm planning to hire an investigator para malaman kung sino talaga ang pumatay kay mommy at nagpadukot sa akin 15 years ago." Matapang kong saad kahit batid sa akin ang pag aalinlangang banggitin ang mommy ko.

"I'll help you on finding the best and trusted investigator. And once i've found one, ipapakilala kita para masimulan na ang paghahanap sa suspect. Kung hindi nga lang sa kagustuhan mong hintayin ka bago magsimula ang investigation ay dati ko pa ito ginawa. Alam mo namang masakit parin para sa akin ang pagkawala ng mommy mo na nag iisang anak ko, apo" batid sa boses ni lola ang galit at lungkot dulot ng pagkawala ng unica hija nya. Hindi ko sya masisisi. Maski ako ay galit sa gumawa sa kanya noon. Tinanggalan nya ko karapatan na mamuhay ng payapa kasama ang nanay ko. At tatakas sya na parang walang sinirang buhay ng tao.

"Sorry, lola-mommy. Gusto ko lang na kapag nagsimula ang investigation ay handa na akong maharap ang gumawa nun kay mommy. Sisiguraduhin kong mahahanap natin yun lola-mommy. I'll find justice for mommy. I'll find justice... I promise." Sabi ko kay lola-mommy para mawala ang pangamba nya kaya't hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti.

"I knew you can do it, apo. You love your mother so much." Ngiting saad ng lola.

Nagkwentuhan pa kami kung ano ang mga naging karanasan ko sa France habang kumakain. Hindi nagtagal ay natapos din kaming kumain at napagdesisyunan na magpahinga na muna ako sa aking kwarto dahil mukang magkaka jetlag ako mamaya maya. That's how my body works.

I did my routine before sleeping. Took a bath, wear pyjamas, and brushed my teeth. Bukas na ako magigising nito panigurado kaya naghanda na ko ng ganito. Baka bukas din ay may maipakilala nang investigator sa akin si lola-mommy. Knowing her, she's more desperate than I am on finding justice for mom.

After checking on my social media accounts, I laid in bed for a long sleep after a tiring day.

"Tomorrow, I'll start finding justice for you... mom."

Justice of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon