Prologue

23 6 0
                                    

' I wish that you could hear the beats of my heart shouting your name'

Tila kandila ang mga matang nakatingin sa akin. Nakakapaso, napaka-init at tila nag-aalab ang bawat titig nito sa akin. Hindi maalis ang mga mata ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Puno ng takot at pangamba ang siyang namutawi sa aking pagkatao.

Nanginginig ang aking mga kamay na abutin ang maamo nitong mukha. Walang kahit na sino ang makakapantay ng kagwapuhang taglay ng lalaking kaharap ko ngayon. Habang haplos ko ang kanyang mga mukha na tila kinakabisado ang bawat parte nito, ay ang sakit na nararamdaman ko. Napa pikit siya sa paraan ng paghaplos ko sa kanyang mukha. Kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang pagmamahal na kita sa repleksiyon nito.

"Hindi ko nanaising makitang muli ang lungkot sa iyong mga mata, ngumiti ka aking sinta. Mas nanaising sa pagpikit ng aking mga mata ay ang imahe mong nakangiti ang siyang maiwan sa aking alaala. Bawat sandaling ating pinagsamahan ay ang siyang mamumutawi sa aking kaisipan. Mahal kita Sofia, aking sinta. Hanggang sa muli." sabi niya habang kita ko sa mga mata ang lungkot at pag durusa.

Hindi ko alam. Pero gulong-gulo na ang pag-iisip ko ngayon. Ayaw kong tignan siya dahil alam ko na ako na naman ang ma-iiwan. Binalik ko 'yung tingin ko sa kanya.

"'Wag mo akong iwan, hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong gawin 'wag ka lang mawala sa akin. Hindi ko na kaya 'yong sakit. Dito o (sabay turo sa dibdib ko malapit sa puso) Ang sakit na. Sobrang sakit." pagsusumamo ko.

At unti-unti na nga niyang pinikit ang kaniyang mga mata.

"No! 'wag mo akong iwan!" sobrang sakit na nang nararamdaman ko pero parang bingi siyang hindi ako pinapakinggan. Hindi na niya sinubukang pakinggan ang gusto kong sabihin.

He left me. Without even hearing that I love him too.

"Why? bakit mo ako iniwan?bakit!?" tears fell down on my cheeks sobbing like there's no one to hear. Habang yakap-yakap ko ang malamig niyang bulto wala na akong ibang pake kahit maligo siya sa luha ko. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon na nararamdaman ko.

At kasabay ng pagsikat ng araw ay kasabay ng panibagong araw para lumaban.

"Nag sisimula pa lang tayo. Hindi pa ito ang katapusan ng istorya natin mahal...."

"Wait for me my love...."

AmirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon