Chapter One

18 6 0
                                    

Sofia's P.O.V.

"Marie pwede bang ikuha mo muna ako ng malamig na tubig sa baba at pakisabi sa mga tauhan natin na pwede na silang umuwi." sabi ko kay Marie habang unti unti kong pinupukpok ang kahoy na nasa harapan ko.

"Sige po mam Sofia." saad ni Marie habang dali-daling bumaba.

Pinagpatuloy ko na ang paghuhugis ng katawan ng bultong ginagawa ko. nasa kalahati na ako ng katawan niya. Siyempre kailangan makisig at macho ang katawan nito. Unti-unti kong kinokortehan ang kanyang tiyan,nilalagyan ko ng abs siyempre para pak! Ulam na agad ganon!

Nawala ako sa malanding pag iilusiyon ko ng pumasok na si Marie habang dala ang tubig na pinapakuha ko.

"Sige na Marie,pwede ka na ring umuwi. Paki lock na lang 'yong pinto at gate sa labas ha. Mag iingat ka." sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi. Napakabait niyang si Marie kaya napaka laki ng pasasalamat ko at mapagkakatiwaalan ko siya.

"Sige Mam Sofia,pagpupuyatan niyo na naman po ba iyan?mag iingat po kayo,tawagan niyo na lang po ako kung may kailangan kayo. Mauna na po ako." nagpaalam na siya at umalis ng may ngiti sa labi.

Pinagpatuloy ko na rin ang pag uukit ko sa bultong ito. Itong estatwa na ukit ko mula sa kahoy ang siyang paboritong ginagawa ko. Habang sinisimsim ang malamig na tubig ay bigla kong tinitigan ang inuukit kong kahoy. Tatapusin ko na ang buong kabuuan ng katawan at tapos na ako.

"Ayan tapos na ang katawan mo,pak na pak na. Malaking braso,check. Hugis ng abs,hmmm pak!check ka ng bongga riyan. Mahabang biyas,check din! Pak na pak ang bahag na isinuot ko sa lalaking ito ha! Ayan! malapit na,mukha na lang at bongga!matatapos na. Excited na akong makita kung anong magiging resulta nito." usal ko habang manghang-mangha sa sarili kong gawa.

Inisa-isa ko ng kunin ang mga kailangan ko para sa mukha. Napaka masinsinang paghuhugis at pag kurba ang ginagawa ko. Once na magkamali kasi ako ay hindi na kayang tapalan pa iyon. Napaka mabusisi man ng trabahong ito pero dahil mahal na mahal ko ang pag iiskulptura hindi ko maiwasan na alisin ito sa pagkatao ko. Ito na lang din ang nagsisilbing alaala ko sa mga magulang ko. Sa katunayan mayroon akong iskulptura nila. Idinidisplay ko ang mga iskulptura na ginagawa ko para magsilbing alaala.

Mag uumaga na pala,hindi ko na rin namalayan ang oras. Ang dilim pa sa labas at ang lamig ng simoy ng hangin. Linggo naman kaya walang pasok ang mga trabahador ko.

Habang hawak ang pisngi ng inuukit ko ay ang mahinang pag ihip ko sa bilugang mata nito. Napakalapit ko sa iskulpturang ito dahil kailangang mabusisi at detalyado ang bawak kurba nito. Gusto kong maging perperkto ang bawat hugis nito. Mag mula sa matatangos na ilong hanggang sa kanyang labi at mga matang maningning.

"Finally,matatapos na ako!!" sabi ko sa sarili. "Kaunting kulay na lang sa labi and tadahhh!!"
"YES! TAPOS NA RIN!" masayang tugon ko sa aking sarili.

Bumaba ako sa pagkakaupo ko sa mataas na upuan. Para mas matitigan ko ang sariling gawa. Namamangha akong titigan ang sarili kong gawa, napaka kisig naman talaga nitong gawa ko o! Halatang nanggaling sa malandi kong imahinasiyon. Tinitigan ko at sinuri mula ulo paunti sa kaniyang tiyan.

"Pak ang abs!hmmm... pati 'yong dibdib! Grabeee! hindi pa rin ako makapaniwalang ganito ang kakalabasan. Napaka gwapo!Ang hugis ng mga mata tila na ngungusap kung tititigan ng mabuti. Ang mga ilong na perpektong nakaukit. At ang mga lab-i-. Teka... " unti-unti kong nilapitan ang mukha nito at

AmirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon