3 years later.....
Isa-isa kong mabuting nililinis ang mga iskulptura na aking mga nagawa. At ang huling nililinisan ko ngayon ay ang paborito kong iskulptura, si Amir.
Tatlong taon na ang nakakalipas pero ang bawat pangyayari ay sariwa pa rin sa aking alala. Tila parang kahapon lang ang nangyari sa sobrang sariwa nito sa aking alaala.
Aaminin kong minsan ay nawawalan na ako ng pag asang babalik siya sa dati niyang anyo. Nakakapagod maghintay sa totoo lang, lalo na at walang kasigoraduhan ang lahat. Pinipilit kong maging positibo sa lahat ng pagkakataon. Ayaw kong sa pagbabalik niya ay wala siyang balikan. Kaya't hanggat maari pinipilit kong maging masaya kahit wala siya sa tabi ko.
Nawala ako sa ulirat ng bigla akong tinawag ni Marie.
"Mam Sofia dumating na po ang si Mr. Becker." agad kong nilisan na ang lugar kung na saan si Amir, kailangan ko ring harapin ang realidad.
Habang papalapit na kay Mr. Becker ay bigla na lamang akong napahinto at nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ang malakas na pagbagsak ng kung ano.
Bigla na lamang akong nagmadali at patakbong tinungo ang ingay na pinanggalingan nito.
Dali-dali kong pinulot ang mga pira-pirasong nagkalat at sa gulat na mapagtanto ko kung ano ang nabasag ay ang pagkagulat din sa nakita ko.
Wasak na ang pinakaminamahal kong si Amir. Sira na at tila mas durog ang puso ko sa nakita.
"Miss are you the owner? I really feel sorry for what happened, It's my fault. It was an accident but I'm ready to pay for the damag-" sinserong saad ng lalaking kaharap ko ngayon pero bago iyon pinutol ko na ang ano pa mang sasabihin niya.
"Amir?" hindi ko alam kung nagiilusyon lang ba ako pero ang hugis ng mukha ang korte ng mga labi at kinang ng ningning nito. Hindi ako magkakamali. Kahawig na kahawig niya si Amir.
Sa hindi malamang dahilan ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Amir, you came back." saad ko habang yakap pa rin ang lalaking ito.
"Amir? Sorry, my name is not Amir." saad niya sa akin habang yakap ko pa rin siya.
Napabalikwas ako at napahiwalay sa sinabi niya.
"Kung hindi ikaw si Amir, who are you?" takang tanong ko habang nakatingin sa mga maamong mata nito nakakatunaw.
"I'm Ritz." sinserong saad nito.
"Ok. So again, I am the owner of this shop. At dahil binasag mo ang pinaka paborito ko at mamahaling iskulptura na ginawa ko. You'll gonna pay for what you did." matalim na titig ang iginawad ko sa kaniya.
"Name your price and I'll give it to you pronto." saad nito na tila siya pa ang mas maangas na akala mo hindi siya ang nakabasag.
"You." titig na sabi ko sa kaniya.
"As you wish." sabay silay ng mga ngiti nitong makalaglag panty!
**
I know that you came back for me. I waited for so long and I know that this will be the right time. Right time to take you again in my life. Hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataong ito. This journey may rough as we could imagine but i won't let you to be gone again in my life. I promise.
Maghanda ka na dahil siaiguraduhin kong malulunod ka sa pagmamahal ko. Hold on tight baby. *wink*
The End.

BINABASA MO ANG
Amir
Short StoryKapag nagmahal ka kailangang sumagal. Pero sa bawat pag sugal na ginagawa mo tama kayang hayaan na ang isip at puso ay isarado? Can Sofia fight for her love kahit na alam na walang kasiguraduhan ang lahat? Hahayaan niya na lang ba na ang tadhana an...