Prologue
Meron isang babae na nag ngangalang eunice galing probinsya na nag aral sa unibersidad sa manila at ng unang pasukan nabangga ni eunice si william at nang nalaglag ang libro ni eunice hindi man lang pinulot ang libro at agad itong umalis at patuloy ng lumayo hindi manlang nanghingi ng paumanhin.
*Eunice POV*
Naglalakad ako ngayon sa unibersidad ng manila ng bigla akong napa upo at nalaglag ang mga dala kong libro. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ang isang lalaki tila ba deretso lang ang kanyang paglalakad. Madami na ang nakatingin sa aking mga estudyante tumayo na ako at pinulot ang mga librong nalaglag.Tutungo ako ngayon sa aming silid dahil oras na ng klase namin. Tumungo ako sa likuran dahil doon lang ang may bakanteng upuan. May natanaw akong isang lalaki sa tabi non tahimik sya at hindi nakikigulo sa iba pa naming kaklase.
"Hi, ako nga pala si eunice" ani ko sa kanya.
Ilang minuto din akong nag antay ngunit hindi sya umimik. Umupo na lamang ako sa kanyang tabi at sinimulang libangin ang sarili. Dumating na ang aming guro at nagsimula ng magklase.
Recess na at kailangan ko ng kumain. Nagtungo ako sa canteen upang kumain nakita ko doon ang lalaking nakalaglag ng mga librong hawak ko. Pilit ko syang nilapitan ngunit sikat pala sya dito sa unibersidad kaya madami ang mga babaeng nagpa kuha sa kanya ng litrato.

BINABASA MO ANG
BAD BOY
RomanceKaya bang magbago ng isang tao para sa kanyang minamahal? Magiging mabuti ba ito o hindi?