Makalipas ang ilang buwan........
Mabait na sa akin si william magkasundo na din kami at alam nyo ba na nanliligaw na sya sa akin. Lagi nya akong hinahatid at sinusundo kasama ko din sya kumain sa canteen. Hindi ko sya pinaasa sadyang nagpupumilit syang gawin iyon.
Nakakapagtaka no kung bakit sya naging mabait sakin.
*flashback*
Nakita ko sya sa isang park at nakita ko ding naguusap sila ng isang babae tila ba parang pinapagalitan nito si william. Tumungo ako don at nakinig ng di sinasadya sapagkat hindi ako mapakali.Narinig ko ang sinabi ng babae.
"bakit ba wala kapang girlfriend anak" ani nito."Mom ayoko pa nga please wala naman akong nagugustuhan" sagot nito.
"Pag wala kang napakilala sa aking girlfriend mo iaarrange marriage kita" pananakot ng babae.
Mama nya ang kausap nya at gusto na nito magka girlfriend ang anak nya. Lumakad ako sa park na parang walang narinig nilapitan ako ni william at nakiusap. Pumayag ako at pinakilala nya ako bilang girlfriend.
*End of flashback*
Doon nabuo ang pagkakamabutihan namin ni william. Ngunit kinausap ko sya na wala pa akong balak mag boyfriend. Tinanong ko din sya kung payag syang maghintay. Pumayag naman ito.
Si william ang nagpatunay sa akin na kahit anong sama mong tao meron pading kabutihan sa puso mo. Siya ang nagpatunay na kayang magbago ng tao para sa taong kanyang minamahal.

BINABASA MO ANG
BAD BOY
RomanceKaya bang magbago ng isang tao para sa kanyang minamahal? Magiging mabuti ba ito o hindi?