Ika- 22 ng Enero taong 2025
Eunice Sanchez ang aking ngalan galing probinsya umuwi ako ng maynila dahil mahirap ang buhay at wala ng pang paaral sa akin ang aking mga magulang. Kinuha ako ng aking tiyahin upang pag aralin pero dapat mag trabaho padin ako upang gastusan ang aking sarili.
Nandito ako sa bahay upang mag asikaso na dahil unang araw ko dito sa maynila kailangan kong kumilos. Lumabas ako ng bahay para tignan kung may dapat ba ako itulong sa aking tiyahin ngunit hindi ko sya natatanaw.
Papasok na sana ako sa aming tahanan ng may napansin akong isang lalaki sa tingin ko kapit bahay namin siya. Maputi sya, Matangkad, at mabait tinulungan nya lang naman ang isang ale na makatawid. Nakita ako ng pinsan ko ma tulala at bigla nya akong tinulak.
"Hoy tinitignan mo yung lalaki don no" ani nya.
"H-ha, h-hindi ah" sambit ko.
"Nako papalusot ka pa e" ani nya ulit.
"Hinahanap ko lang si tita para tulungan sa gawain." pagkasabi ko.
Pumasok na kaming dalawa sa aming tahanan. Nag-ayos nako upang pumasok sa eskuwelahan. Naglakad lamang ako ng natanaw ko ang lalaki kanina na aking tinititigan papalapit sya sa akin.
"Hi, ako nga pala si Jomari Nieva" sabi nya.
"Ako si Eunice Sanchez" ani ko.
"Bago kalang dito ah gusto mo ba sabay nalang tayo?" tanong nya.
"Ikaw bahala" sambit ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang paaralan. Nagkahiwalay na kami ni jomari sapagkat iba naman ang kaniyang room. Ako ay dali dali ng umakyat sa aking silid habang dala dala ang mga libro ng may isang lalaki na binunggo ako at nalaglag ang mga libro na hawak ko at hindi man lang nanghingi ng pasensya.
Nasa canteen ako ngayon ng makita ko ang nakalaglag ng mga libro ko kanina. Sikat sya dito maputi din sya tulad ng jomari, matangkad din, singkit at higit sa lahat mayabang. Lumapit ako sa mga kaklase kong babae at nagtanong.
"Sino yung lalaking yan?" tanong ko.
"Hindi mo ba kilala yan?" isa sa kaklase ko.
"Oo nga si William Vendiz yan" isa pa sa mga kaklase ko.
"Sikat yan dito, Ninang nya kasi may ari ng school." sambit ng isa ko pang kaklase.
"ah ganon ba" sagot ko sa kanila.
Nakita ko sya lumabas ng canteen at dali dali ko itong sinundan. Nakita ko syang magisa at balak ko syang kausapin.
"Hoy ikaw! Bakit dika nag sorry sakin kanina binunggo mo ko tas parang wala lang sayo" pagkakasabi ko na may galit.
"E ano naman sayo dapat lang sayo yon" pagkakasabi nya.
"Ah ganon" sambit ko.
"madapa ka sana" pagkakasabi ko ng pabulong.
Makalipas ang ilang minuto ay nag bell na uwian na namin at dali dali akong umuwi nakita ko yung william na nakaabang sakin. Parang may balak to. Pero natanaw ko naman sa aking gilid ang isang lalaki si jomari.
Paglabas ko ng eskuwelahan nilapitan nila akong dalawa.
"Pasensya nga pala kanina" ani ni william.
"Eunice tara na sabay na tayo umuwi" sambit ni jomari.
"Hindi hatid na kita para makabawi ako sayo" pagkakasabi ni william.
" Hindi ako nalang uuwi magisa umuwi na kayong dalawa" sagot ko sa kanila.
Nagumpisa na akong maglakad pauwi. Nakakaramdam ako ng saya bakit ganon kinikilig ako kay william iba kasi yung postura ng mukha nya tapos yung dimple. Pero nakakakilig din si jomari dahil ambait nya. Sino nga ba sa kanila? Diko na kaya ito. Tama na nga pagiimahinasyon ko tutungo na ako sa kwarto upang matulog.
Kinabukasan sabik akong pumasok sa paaralan. Nag ayos nako at naglakad diko kasabay ngayon si jomari. Baka may lakad sya hayaan ko na nga yon.
Nandito nako at nakita ko si william mukhang badtrip sya ngayon at mainit ang ulo. Diko sya nilapitan pero mukhang papalapit sya sa akin.
"Hoy ikaw!" sabi nya.
"H-ha a-ako?" pautal kong sagot.
"Oo ikaw! Lumapit ka dito sakin" sabi nya.
Lumapit naman ako at nagulat ako ng bigla nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. At tumawa bigla nya akong tinulak.
Grrrrrr ano ba tong lalaki na to napaka bad boy! Diko maintindihan minsan mabait minsan masungit minsan bad boy! Waaaaa nakakainis.
Tumayo nako at naglakad papasok ng paaralan. At hinayaan syang lumisan paalis sa aking kinaroroonan.

BINABASA MO ANG
BAD BOY
RomanceKaya bang magbago ng isang tao para sa kanyang minamahal? Magiging mabuti ba ito o hindi?