TWO: KRION

19 3 0
                                    

Muling sinulyapan ni Krion ang passport niya. "Seriously, Lilianna?"

Nagpatuloy lang sa pagkain ang kasama niyang tila kontentong-kontento sa buhay nito. "Uh-huh." Lellise wagged her brows at him. "Davao."

"Why Davao? What the hell am I going to do there?" Nasa airport na silang dalawa nang mga oras na iyon at hinihintay ang pagtawag ng flight nila. Lellise booked two airplane tickets for Davao after he said he needed to go somewhere. Sasamahan muna daw siya nito ng ilang araw.

At alam niya ang tunay na dahilan ng pag-sama nito. Hindi man nito iyon sabihim, alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Gusto nitong siguraduhing nasa maayos siyang kalagayan bago ito bumalik ng Maynila. Lellise had always been like that towards him. At isa ito sa bilang lang na mga taong hinahayaan niyang tratuhin siya ng ganoon. Kahit pa siguro umayaw siya ay di parin nito papansinin ang mga reklamo niya. Lellise was as stubborn as the Great Wall of China, that much she had proven over the years.

Nagkibit-balikat lang ito. "Nanay Dolores," simpleng sagot nito sa mga tanong niya. "Safe ka doon."

Agad siyang napanatag nang marinig ang pangalang binanggit ni Lellise. Si Nanay Dolores ay ang yaya ni Lellise noong bata pa sila. Ito halos ang nagbantay at nag-alaga sa kanyang kaibigan habang lumalaki ito at dahil sila palagi ang magkalaro ni Lellise, napalapit narin sa kanya ang matandang kasambahay. Bumalik lang ito sa probinsiya ilang taon na ang nakakalipas nang mag-college na si Lellise sa ibang bansa at nagkasakit ang kapatid ni Nanay Dolores na naninirahan sa Davao. Tiyak niya namang hahayaan siya ni Nanay Dolores na manatili muna sandali sa poder nito. She had always been kind to him. Ito ang iilan lang sa mga taong nakakaintindi din sa kanya.

At kung hindi man siya pwede sa bahay nito, may sapat na pera pa naman siya para makapag-renta ng maayos ayos na bahay. And he could work too. Gago lang siya but he knew how to earn his keep.

"Don ka sa kapehan," wika pa ni Lellise. "Mabuti doon kasi tahimik. Maybe the caffeine will help you finally come to your senses."

Hindi niya na pinansin ang hirit nitong iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Also," patuloy nito. "Do you know Victor Alessio Ocuengco?"

Napalingon siya kay Lellise. Amusement sparked in his eyes. Madalang lang kasi ito magbanggit ng pangalan ng isang lalake. "Vito? The one currently studying law in Davao?"

Tumango ito.

"Yeah. He's Seb's cousin. Bakit? Crush mo?"

"Hindi, ah," mariing tanggi nito. "Katabi lang kasi ng lupain nila 'yong hacienda na pupuntahan natin."

Napakunot-noo siya. "Hacienda ang pupuntahan natin?"

Tumango ulit ito. "Kapatid kasi ni Nanay Dolores ang pinagkakatiwalaang tagapamahala sa lupaing iyon kaya doon na din sila nakatira. Do you know Jude Buencamino?"

The fact that Lellise knew all these guys' names would've made him laugh and tease had her expression not been that serious. "I haven't talked to him but I've seen him around. Why?"

"Hacienda nila ang pupuntahan natin."

"Ah."

"Yes. Iniinform lang kita kasi baka gusto mo ng mas lowkey na getaway location,"paliwanag ni Lellise. "I'm sure if you're there, mabilis na makakarating sa Papa mo ang balitang naroon ka."

Nagkibit-balikat siya. "It's fine." Malalaman at malalaman din naman ng ama niya kung nasaan siya kahit pa subukan niyang magtago. Fernando Oliver Del Mundo Luifranco was a very powerful man, and he was also very close friends with the Esquivels. And no one could hide from the Esquivels – no matter how good at hiding a person was.

Krion wasn't about to waste his time trying. Tiyak niya namang hindi siya gagalawin ng ama niya. Sa tingin nga niya ay naghihintay lang ito na bumalik siya sa pamilya niya sa oras na maubusan na siya ng pera.

Hell to the fucking no.

Mas kumpyansa pa siyang pupuntahan siya ng iba niyang kamag-anak. His grandfather, uncles and aunt would probably try to talk him out of disowning himself fom being a Luifranco, they likely wouldn't let him. They were the ones Krion should prepare for. A roomful of Luifrancos would make even the President of the Philippines cower and yield before the weight of their authority.

"And another thing," maya-maya ay wika na naman ng kasama niyang tila walang balak patahimikin si Krion. "No girls muna kasi utang na loob naman, Krion."

He scoffed. That was not gonna be a problem. "Don't worry, I won't. The last time I did, the bitch painted me as a killer. So no thanks."

Halatang hindi kumbinsido si Lellise pero sa wakas ay hinayaan na siya nito.

Thank fuck.

Nang makaupo na sila sa kanya-kanyang nakatokang upuan sa loob ng eroplano, ipinikit niya ang kanyang mga mata para makatulog. Mamaya na niya iisipin ang mga resulta ng lahat ng naging desisyon niya nang araw na iyon. Hindi parin siya tuluyang nakaka-recover mula sa hangover nang nakaraang gabi kaya magpapahinga muna siya.

Headphones up, Nirvana playlist on. Let's fly.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon