chapter 1

44 16 0
                                    


Melisa's POV"

Nakasilip ako mula dito sa kinantatayuan ko sa grupo ng kalalakihan na kasama ang mga kaklase kong  magaganda..

Masaya silang nag uusap at nag tatawanan ng hindi ko alam kung anong dahilan

"Hay....sana makalapit din ako sayo ng ganyan...gaya ng mga babaeng katabi mo ngayun"-nagulat ako ng bigla itong mapalingun sa gawi ko kaya sa sobrang gulat ay agad akong tumalikod at di sinasadyang nabangga  sa pader na kanina ay nasa gilid ko lang

"Outch...."-namimilipit na hinawakan ko ang noo ko ang shunga shunga mo talaga melisa!bakit mo ba kasi binabanga ang pader? ramdam ko ang mga matang nakatigtig mula sa likod ko

malamang na pinag tatawanan na nila ako ngayun nakakahiya ka talaga melisa

Sa sobrang kahihiyan ay agad akong tumalikod at nilisan ko nalang ang lugar at nag tungo sa susunod naming klase.....

"oh?saan ka nanaman nanggaling?Melisa?muntik ka nanaman ma late isang minuto nalang oh?"-bungad sa akin ng mataray kong kaibigan na si lesly

Pero dahil sa pagod ko sa kakatakbo pa puntang room ay di ko nalang sya inimikan at saglit na umubob sa aking table....

"Saan pa nga ba manggagaling yang bruha na yan ei di sa kanyang sinisinta ....para ka namang bago ng bago !"- pang aasar pa ni Janice nakabusangot na nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa

"Ewan ko nga ba jan. Araw araw naman silang magkasama sa bahay nila pero kung Tumitig yang kaibigan mong yan daig pa ang may balak haha"

"True hahaha..Mamanyakin nya yata kaya iniistalk araw araw hahahaha"-inis na pinandilatan ko sila ng mata

"Sige ipag sigawan nyo pa dun sa baba!ilakas mo dapat dinig ng lahat!"-agad naman nag peace sign ang dalawang abnoy

"Ei bakit nga ba?ayaw ka pa rin ba pansinin?"-napa iwas nalang ako ng tingin hindi alam ang sasabihin

"Kelan nya ba ko pinansin?"wala sa sariling naitugon ko

"Hindi parin talaga?OMO!ei halos mag dadalawang taon na kayong kasal ah?wala talagang spark?nyek!!ano ba naman klaseng kasal yan walang kwenta!lalo na yang asawa mo...ang harut harut pa..."-sarkastikong komento niya habang nakatingin sa pinto ng classroom napalingun kami sa tinitignan nya

Kapapasok lang nga ni Alex kasama ang mga kaibigan nya at kasama parin nila ang mahaharut kong classmate na babae

"SANA ALL hinahatid!"-biglang pagpaparinig ni Janice kayat nagulat ako napatingin ako kay Alex na kasalukuyang seryosong nakatingin sa gawi namin napa yuko nalang ako

"OO nga jowang jowa na tong kaibigan ko ei hatid nyo naman!"-hay.. ano bang trip ng dalawa na to ngayun ipapahamak nyo lang ako ei

Pag kahatid nila sa mga classmate ko ay sya naman dating din ng teacher namin
Kayat nag simula na ang klase

********Lunch break*********

"Anong bibilhin nyo?dinungaw ko na lahat ng paninda dito sa canteen pero wala parin akong mapili!"Janice

"Mag shomai ka nalang Isa Masarap ang shomai ngayun!"-napatitig naman ako sa tindahan ng shomai na sinasabi nya

"Yung shomai ba talaga ang masarap?o yung nag titinda?"nanliliit ang matang binalingan ko sya pag dating sa lalaki ang bilis talaga ng mata ng babaeng to

"hehe...pwede both?"napairap nalang ako at sumunod sa kanila patinungo sa sinasabi nyang shomai na masarap daw...

"Kuya isang Order nga!!"

"Falling without you"Where stories live. Discover now