chapter 11:The Truth...

16 8 1
                                    

"Alex POV"

Mag iisang linggo na akong di umuuwi sa bahay namin... At sa opisina lang ako ng Kompanya nag papalipas ng araw nakiusap ang papa ni melanie na ako muna ang humawak ng kompanya nya dito sa pinas dahil may konting problema lang daw na inaayos sa china..

Napabuntong hininga ako

Sobrang sama ng loob ko sa ginawa ng asawa ko.

I almost there....

Unti-unti nakong nahuhulog sa kanya, tapos ganun pa ang makikita ko. The fvck!! Sa pangalawang pagkakataon nasaktan nanaman ako, akala ko sya na ang huling taong pakikisamahan ko, Akala ko lang pala...

Napahilamos ako sa muka ko, ilang araw nakong nag mumukmok, ayoko muna syang makita, hindi ko pa ata kaya.

Agad kong pinunasan ang luha kong di ko namalayang tumutulo pala

Kringgg!!!!..... Kringgg!!!

Lyca's Calling...

Tooot.. Tooot....

Ano nanaman kaylangan ng babaeng to Sesermonan nanaman ako tungkol sa kaibigan nya, di ba sya nananawa? Nakakarindi

Sa pangalawang pagkakataon Inis na pinatay ko ulit ang tawag,nang biglang may kumatok.

"Mr Ferrer... May nag hahanap po sa inyo.. "-wika ng naka dungaw kong secretary sa pinto

"Papasukin mo"-tumango lang ito at sinarang muli ang pinto, inayus ko na ang aking sarili at umupo na muli ng maayos

"Magandang umaga Mr ferrer..."- agad naman akong tumayo at nakipag kamay sa kanya

"Same to you Mr Sanchez... Anong balita sa pinagagawa ko.'-hindi ito umimik sa halip ay may pinatong itong mga envelope at mga papel sa aking lamesa

"Anjan na po lahat ng impormasyong nakalap ko sa envelop"-sabi nya habang kinakalikot ang tablet nya..

Binuklat ko ang envelope at puro picture lang ang laman nito picture na galing sa C.C tv sa labas ng bahay namin

Si hannah?

Anong ginagawa ni hannah sa harap ng bahay namin?

Sunod na picture ay kalalabas lang ng gate ni melanie...

sunod na picture ay sumakay na sila sa kotche ni hannah..

Napatigil ako at napahilamos sa muka..

Nag sasabi nga ng totoo si melanie... Kasama nga nya si hannah..

Pero hindi parin malinaw? Panong kasama nya si melanie? Ei ako ang kasama nya dahil may meeting kami ni hannah nung araw na yun

"Panoorin nyo po ito Mr Ferrer"- inabot ko naman ang ibinibigay nyang tablet saka ito pinanood

nakalagay ang oras at petcha kung kelan

Maya maya ay may lumabas na dalawang lalakeng buhat buhat si melanie...

Kasunod ang palinga lingang si hannah...

Sumunod sya sa pinasukan nung dalawang lalake, dun na natapos ang video.

"Nangyare yan bago pa makipag kita sa inyo si Ms hannah..."-

Hindi ko alam ang gagawin. Nanghihina ako.. All this time... Totoo ang sinasabi ng asawa ko

Hindi ko alam kung anong muka pa ang ihaharap ko sa asawa ko, sa kabila ng masasakit na salitang sinabi ko sa kanya, sakabila ng pag dududa at di pag titiwala sa kanya

Naging saradong ang utak ko at nag pa bulag sa mga letrato at di inalam ang totoo

Unti unting naglandas ang mga luha ko ng mapatingin sa masayang muka ng asawa ko sa letratong nasa tabi ko

"Mr Ferrer may isa pa po kayong dapat malaman... "-napatingin ako sa kanya ng may ilahad syang mga papel..

Inabot ko ito at binasa

Isang medical certificate.

Napatingin akong muli sa kanya tumango lang ito 

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang laman ng papeles

Medical sertificate na nakapangalan kay melanie..

Lalo akong naiyak...

S-She's...




She's Pregnant....

Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko ang susi ng kotche ko

Kaylangan ko syang makita...

Fvck!! My wife...

Wait for me pls...

halos lumipad na ang sasakyan sa sobrang bilis kaylangan ko syang makit..

Mas binilisan ko pa ang pag papatakbo hanggang sa makarating ako sa bahay

Kapansin pansin ang sasakyan ng kaibigan nya..

So she's here... Anong ginagawa nya nanaman dito

kung saan saan nako nag hanap pero wala sila...
Saang lupalop ba dinala ng babaeng yun ang asawa ko.

Umakyat ako sa taas nag babakasakaling nandun nga sila

Dumiretcho ako sa kwarto namin..

"BlAAGGGG!!!!!! "-napatigila ako ng makitang kalat kalat ang gamit namin, Kinakal kal ni lesly ang mga gamit namin..

"Where is she? "-inis na sabi ko tumayo ito hawak hawak ang papel at envelope na pink saka ako dinuro.

"Gago ka! Andun sa loob ng CR! Nag kulong kanina pa! Tinawagan sana kita para itanong kung nasaan ang susi kaso-----"di ko na sya pinatapos at sinimulan ng sirain ang pinto ng CR

Ano bang ginagawa nya sa loob

"God!! Wife open the door!! "Paulit ulit na sabi ko habang winawasak na ang pinto pero walang kahit ano pag tugon

Lalo akong kinabahan

No.. Hindi pwede.. She need's me... Our baby need's me... my baby needs me...

Nang tuluyan ko ng mawasak ang pinto ay napatulala ako sa nakita..

No....

Fvck NO!!!

These can't be happening!!!

Nakalubog sya sa tab na umaawas at naliligo na sya sa sarili nyang dugo..

Takot...ang unang naramdaman ko, takot na baka...

Ayoko... Hindi ko kayang wala sya...

Mabilis na inangat ko sya sa tab at hindi na humihinto ang pag landas ang luha ko
Mabilis kong tinapalan ang dumudugo parin nyang laslas sa kamay...

This is all my fault!! Fvck!!

My wife...

Am I losing her?...

No.... I can't lose her... I can't lose them..

Not now.....

Not ever!!...

"Please hold on... "Halos mag makaawa nako sa walang buhay nyang katawan..

**********************

{A/N: 😅 sorry malukot ang update ko 😪
Last chapter na po see you all guys 😥😥}

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Falling without you"Where stories live. Discover now