"Melia's POV"
Tulala lang akong nakatingin sa papel na iniwan nya...
Divorce Paper na may pirma nya na
Ganon nalang yun?
Pano nako?...
Pano na kami?...
Bakit ang bilis nyang bumitaw...
Wala akong mahingan ng tulong... Kahit sina mama at papa hindi ko ma contact ang sabi naman ni manang ay na stranded daw sila sa china dahil may incident dun at di pinapayagang bumyahe sa eroplano ang mga tao pansamantala
Si lesly..... Hindi ko na sila ma contact... Cannot be reach parin.. Baka busy lang talaga sya...
Ilang araw nako nag mumukmok dito sa bahay....hindi nako pumasok dahil alam kong di din ako gugustohing makita ni alex
Siguro ay Iintayin ko nalang na umuwi si alex at makapag paliwanag ulit..
Pinahid ko ang mga luha nanaman sa mata ko..
Bakit kailangan pa umabot sa ganito?. Ang hiling ko lang naman ay magkaroon ng masayang pamilya kasama sya...
Bakit umabot sa hiwalayan...
Karma ko na ba to? Sa pag sira sa relasyon nila ni hannah noon? Karma nga siguro....
Napapikit nalang ako ng mariin... Kahit pa anong paliwanag ang gawin ko ay di nya ako pinakikinggan malabo na na paniwalaan nya pa ako..
Malinaw na ebidensya ang mga letratong hawak nya... Kahit sinong makakita ay siguradong paniniwalaan
Pikit mata kong dinampot ang ballpen at sapilitang pinirmahan ang papel...
Sana kahit dito manlang maging masaya na sya. Sa pamamagitan ng pag papalaya ko magiging masaya na sya.
Oo nag tatampo ako sa kanya dahil ang sasakit ng mga binitawan nyang salita sakin..
Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Bakit kahit ako na yung nasasaktan sya parin ang iniisip kong mas nasasaktan... Siguro ay di lang sapat na dahilan yun para kagalitan ko sya...
Nalinlang lang sya nung picture..
Napatingin ako sa telepono ng bigla itong tumunog
Agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag
"H-Hello? "
[Good!!!! Were's youre phone? Kanina pa kita tinatawagan!!! Di mo sinasagot!!]
"L-Lesly...."
[Nag usap na ba kayo ni Alex?]
"O-Oo"
[Anong sabi?]
"N-Nakipag hiwalay na sya....."ramdam ko ang malakas na pagdaloy ng luha sa mata ko..pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi at mapag lalabasan ng sama ng loob kaya naman di ko nadin napigilan at napahagulgol na ako.... Sinabi ko lahat ng napag usapan namin ni alex lahat lahat... Dahil kung hindi baka wala kong pagasa mababaliw nako...
[Hah!!!! Siraulo yang asawa mo!!!! Nakipag hiwala?? Ang kapal nya!!!asan ang lalakeng yan!! Ilabas mo yan Melisa!!! Malilintikan sakin yang lalakeng yan!!!]
"Wala syang kasalanan melay.... Ako ang may kasalanan. Noon pa man alam na nating ako lang ang may gusto ng kasal na to.. "
[Yan!!!! Yan!! Ang problema sayo melay! Kada may mali yang asawa mo na yan pag tatakpan mo! Palibhasa ang bait bait mo kaya ka nauuto ng kung sino sino ei! Melay! Lesson learn dont trust too much!! See what happend?] napayuko nalang ako at di na sya kinuntra
[At anong walang kasalanan? Malaki ang kasalanan nya! Noon pa man Asawa ka nya pero nasan sya? Imbis na paniwalaan ka iiwan ka pag nag ka problema! ang kapal naman nyang pag dudahan ka! Samantalang sya naman ang may ibat ibang babae sa inyong dalawa. Ni hindi manlang nakinig sayo at Nag pa bilog sa bwiset! Na hannah na yun? Magsama sila!!!] tama sya... Lahat ng sinabi nya unti unting winawasak ng katotohanan ang puso ko.. Walang tiwala sakin ang sawa ko Yun ang punto nya...
"Lay... Di ko ata kaya... H-Hindi ko na kaya... "
Nanghihinang sabi ko[A-Ano? B-Bang sinasabi mo jan Melay! Mag tigil ka nga jan!!]
"Papahinga lang ako lay.... Hindi ko na kaya sige na Bye..."
[Hoy!! Tekka-----]
Hindi ko na sya narinig pa dahil pinutol ko na ang tawag
Pumasok nako sa banyo at nag handa ng paliligo
Napahinga ako ng maluwag ng dumampi ang tubig sa katawan ko.. Kahit papaano ay gumagaan ang Pakiramdam
Napahawak ako sa tyan ko at mariing pumikit
Tuluyan na ako sumampa sa tub at inilubog ang
Sarili....Sana maging maayos na ang lahat..
"Lesly's POV"
Pagkababa ng tawag ay nakaramdam ako ng takot... Hah!!! Ano bang sinasabi ng babaeng yun! Papahinga.. Kinikilabutan ako... Bakit doble ang ibigsabihin nun sakin...
Napa iling ako at napaisip
Masyadong masakit ang pinag dadaanan nya...
Na kahit ako hindi ko kaya maka tulong kaylangan din ng tulong ng pamilya ko ng papa ko...Nanlaki ang mata ko...
Masyadong masakit ang pinag dadaanan nya... Kaya hindi imposibleng...
Napatayo ako hindi....
Mabilis pa sa alas kwatro na kinontak ko si papa!
Melay need meGod!!! Wag lang may magngyareng di maganda.... Wag lang sana...
*********************
Annyeong ito na ulit yung UD sensya na natagalan may iniisip kasi akong tungkol sa story
😊hope you all understand. Sa totoo lang po nung Pasko pa po itong nasa drafft lang ei kasi parang nag dadalawang isip pako kaya isasabay ko nalang ang ud sa new year!! 😍Merry Christmas and Happy New Year every One.3 chapters more to go thank you for reading
😍❤❤❤