MC#6: Zee

9K 412 93
                                    

Kunot ang nuo ko ng may natanawan akong pamilyar sa akin. Agad kong inutusan ang driver ko na itigil ang sasakyan kaya naman ipinagilid niya iyon ng maayos.

Muli kong tinanaw sa likuran ang nakita ko. At tama nga ako. Si Zander iyon na may kasamang babae.

Sabado ngayon at walang klase. Wala din akong tutor ngayon sa kanya at sa isang linggo na pagtuturo niya sa akin ay wala pa ako ni isang natutuhan dahil palagi ko siyang iniiwasan, iniinis. Kung ano ano na lang ang ginawa ko para lang sumuko siya sa pagtuturo sa akin pero mahaba yata ang pasensya niya na kahit lagi niyang sinasabi na maikli lang ang pasensya niya. At ang isa pa sa lagi niyang banta sa akin ay kaya niya akong mapasunod sa isang turok lang niya.

Ano naman ang itutyrok niya sa akin kung sakali? Napangisi ako sa pilyong naisip ko.

Tangna!

Bakit iyon ang naisip ko na ituturok sa akin? Ako? Ganun mag isip? Ah! Zeeus Salvador Alcaide, umayos ka. Paninita pa ng ibang bahagi ng utak ko.

Kalaswaan ko!

Naiiling na muli kong itinuon ang pansin ko sa dalawang imahe! Bigla akong nakaramdam ng pagkainis ng makita ko kung paano siya ngumiti sa kausap na babae. At ang babae naman na pasempling pahampas pa sa braso niya.

Ito marahil ang Maliah na lagi niyang kausap sa tuwing malapit na siyang umuwi kapag nasa bahay siya.

"Sempleng maharot." Nakasimangot na bulong ko pero kusang kumilos ang mga kamay ko para buksan ang pintuan ng kotse ng magsalita ang driver.

"Sir Zee, saan ponkayo pupunta?"tanong nito.

"Is none of your business, follow me if you like." Pabalang na sagot ko dito at bumaba na nga ako. Tinahak ko ang maliit na pagitan kung nasaan ang dalawang naghaharutan.

Dere-deretso ako sa paglalakad at nagkunwaring hindi ko sila nakita. Tamang move lang, dumaan ako mismo sa pagitan nila at tama ako ng pasya dahil hindi ako hinayaan ni Zander na makalayo at humawak pa sa kamay ko.

"Hey you! Hindi mo ba tinitignan ang daraanan mo?" Tanong nito na nasa tuno ang galit.

"Let the kid go Zan." Sabi naman ng babae na nakapagpasimangot sa akin. Hindi pa ako lumingon pero nainis ako sa sinabi nitong Kid kaya naman marahas at matalim ang naging tingin ko sa babae. Wala akong pakialam kong mas matanda ito sa akin. Siguro magsing edad lang sila ni Zander. But the fucking hell I care kung magkaedad sila.

"I'm not a kid." Galit na pagtatama ko sa sinabi nito.

"Zeeus." Halatang hindi naman makapaniwala na ako nga ang bumangga sa kanila at bigla niya akong binitawan.

"Yeah! Why? Anong problema kung ako nga ito. Mau magbabago ba?" Tanong ko pa sa kanya na puno ng pag kairita.

"Kilala mo siya, Zan?" May lambing naman na tanong ng babae sa kanya.

"Kilala mo siya Zan. Na na na na." Bubulong bulong pa ako na hindi ko alam kung bakit kailangan kong maasar talaga.

"Yeah! Siya iyong batang tinuturuan ko Maliah!" Sagot naman nito.

"Sabi kong hindi ako bata." Galit na sita ko sa kanya at nakipagsukatan pa talaga ako ng tingin sa kanya. At siya ang unang nagbawi.

"Your still a kid compare to us Zeeus. Saka hindi mo ba naalis ang ugali mong iyan. Baka nakakalimutan mo profesor mo parin ako at ako ang nagtuturo sayo." Paninita niya.

"Hindi kita kinikilalang profesor. Kaya pwede ba, huwag mo akong tatawaging bata. Anim na taon lang ang tanda mo sa akin, tandaan mo iyan." Galit na sagot ko sa kanya saka ko na sinabayan ng talikod pero muli niya akong pinigilan.

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon