MC #17: Zeeus

8.1K 403 45
                                    

Typo and grammatical error ahead!!!!

# 17_Zeeus









Isang buong araw lang ang inilagi ko sa hospital at nagpilit na akong umuwi. At sa bahay mismo ako inuwi nina daddy at isang linggo akong suspended sa klase dahil iton ang parusang ibinigay sa akin ni papa. Pero okay lang iyon sa akin dahil gusto kong magkulong ng bahay. Gusto ko pa nga isang buwan pa o isang taon na lang.

Tinamad na ako muling mag aral, at hindi na ako papasok gaya ng dati. Wala na akong pakialam kung hindi ako maka graduate sa tamang taon dapat na ilalagi ko sa kolehiyo. Is none of my business anymore. Nawalan na ako ng gana dahil kay Zander. At dahil sa bwesit na Maliah na iyon.

Huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin dahil  talagang hindi ko siya papalampasin. Dila lang niya ang walang latay kung nagkataon.

And about Zander, I hate him. I really hate him. But still, I still love him.

And I hate myself dahil hindi ko talaga mapilit ang sarili ko na mamuhi sa kanya ng tuluyan. Umaasa na may paliwanag siya sa mga iyon.

Padapa akong nahiga sa kama ko ng makapasok ako sa sariling silid ko. Pero narinig ko ang pagsalita ng daddy na sumunod pala sa akin.

"Magtatanda ka na sana ngayon, ang martial art boxing ay hindi basta basta. Pinag iisipan yan at pinaghahandaan hindi iyong sasabak ka agad sa laban. Kailangang pag aralan mo ang kakayahan ng kalaban mo bago ka aakyat sa ring." Pangaral nito sa akin.

"I know dad. Pero nanalo naman ako kaya hindi niyo na kailangan sabihin iyan." Sagot ko naman dito. "Hindi ko na ulit iyo uulitin ng wala akong magandang insayo."

"Dapat lang. Dahil ako mismo ang mangkukulong sayo sa kwarto mong ito kapag inulit mo pa iyon. Saka, ano ba ang nakain mo at bigla ka na lang nakisabak sa karate boxing?"

"I don't like to answer that dad."

"Even if you don't like, I have an idea what the reason is. Dahil ba kay Zander?" Muli ay tanong nito.

"Anong alam niyo naman kay Zander dad. He ii just my tutor."

"Pero hindi maitatago ang galit mo sa kanya ng bumisita siya sayo. Bakit? Saan na ba kayo umabot ng batang iyon?"

"Dad naman eh, why do you need to ask me that?"

"Just answer me?" Tinaasan ako ng isang kilay at pinanlakihan pa ng mata.

Napasimangot akong umupo sa pinakagitna ng kama ko at nakipagsukatan ng tingin dito. Nakita ko na lang na nagpakawala ito ng isang malalim na hininga saka umiling.

"Nasabi at naikwento sa akin ng tito Alex mo na may namamagitan na nga sa inyo. Tama ba siya ng naikwento sa akin?"

"Alam niyo naman na pala eh. Dad naman. Kailangan bang sagutin ko pa iyan? Sabihin ang buong detalye?"

"You still a brat Zeeus, ewan ko kung kanino ka nagmana, hindi naman ako ganyan noong kabataan ko."

"Eh, ganito niyo ako pinalaki eh."

"Aba't-." Akma itong lalapit sa akin at parang gusto akong batukan pero hindi naman itinuloy. "Hala, magpahinga ka na. Bukas na ulit tayo mag usap." Sabi pa nito. Pero napangiti na lang ako dahil yumakap naman ito sa akin at hinalikan ako sa nuo.

"Thank you dad."

"Goodnight." At lumabas na nga ito ng silid ko.

Muli akong nahiga, ngayon naman nakatihaya na ako at nakadipa ang dalawang kamay ko habang nakatingin sa puting kesame.

Doon ko naalala ang iniwan niya sa akin noon binisita niya ako.

Tumayo ako at hinanap ko iyon. Saan ko ba iyon inilagay? Hindi ko pa nakikita iyon.

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon