MC #26: Zeeus

8.7K 390 31
                                    

Typo and gramatical error ahead!!

Zeeus at the multimedia

# 26_Zeeus





Hindi ako nag pahalata na gising pa ako ng maramdaman ko ang pagsampa niya sa kama.

Pasado alas tres na ng madaling araw at ngayon lang siya pumasok sa silid naming dalawa.

Narinig ko pa ang pagpapakawala niya ng isang malalim na paghinga bago tuluyang tumabi sa akin.

Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa nuo ko bago tuluyang umayos ng higa. May pag iingat na inangat ang ulo ko at ipinaunan iyon sa braso niya.

Hindi parin ako nagmulat ng mata pero kumilos ako para yumakap sa kanya at nagsumiksik sa katawan niya na agad namang yumakap sa akin.

"Shhhh! Sleep tight baby." Paos na boses niya at muling dinampian ng halik ang nuo ko. "I love you." Gusto kong maluha dahil sa narinig kung salita mula sa kanya pero hindi ko ginawa at hindi na ako muling kumilos pa. "And I'm sorry. Hindi kita dinala dito para lang ma bored at alam ko na iyon na ang nararamdaman mo." Pagpapatuloy niya sa pagsasalita?

Alam ba niya na gising ako? Hindi naman siguro diba?

Bahala na. Basta hindi na lang ako gagalaw para hindi niya iisipin na nagkukunwari lamang ako.

"Ito ang gusto kong ipaliwanag sa iyo noon. Na ayaw ko munang ilagay ka sa ganitong sitwasyon dahil hindi ko masisiguradong mapagtutuunan kita ng maraming oras." Mahinang boses na nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi ko gugustuhin na itali ka sa ganitong buhay baby. At maramdaman mo na nagkukulang ako ng oras sayo." Habang nagsasalita ay nararamdaman ko ang panakang higpit ng yakap niya at paulit ulit na hahalikan ako sa ulo ko. Sasamyuhin ang buhok.

Nagpakawala siya ulit ng buntong hininga.

"Pero pipilitin ko na hindi ako magaya sa lolo na natuon na lang ang pansin sa panahon sa laboratory niya. Gagawin ko ang lahat para mabigyan kita ng magandang buhay kasama ako."

Makasarili!

Iyon ang unang katagang nagsumigaw sa utak ko dahil sa sinabi niya.

Makasarili ako! Dahil kaligayan ko lang ang naisip ko at hindi ko na inisip noon na may ibang takbo ang buhay niya bago kami nagkakilala at muling nagkita noong huli 13 years ago.

Kahit na gustong gusto ko sanang magsalita at sumagot sa kanya para humingi din sana ng tawad pero naunahan na ako pagkaduwag.

Nanatili na lang akong nakayakap sa kanya at hinayaan ko na lang na makulong din sa init ng yakap niya na kahit bihira na lang ang magkatabi kami ng ganito dahil halos hindi na siya natutulog.

Nakiramdam ako. Hanggang sa tuluyan ko ng marinig ang kanyang mahinang paghilik kaya alam ko na tulog na siya.

Nagpalipas ng ilang mga minuto pa bago ako tuluyang kumilos at bahagyang kumalas sa pagakakyakap niya sa akin.

Gumalaw siya. Hindi man nagising pero muling yumakap ang kamay niya sa may baywang ko pero hindi na gaya kanina na may kahigpitan iyon.

"I love you too. And I'm sorry." Tanging naibulong ko na lang sa kanya. Dinampian ng halik sa labi saka na ako tuluyang natulog na kanina ko pa pinipigilan dahil sa paghihintay ko sa kanya.





=

"Are you serious?" Sa boses ni daddy na hindi makapaniwala. "Nag iisip ka na ba sa lagay na iyan?"

"Oo dad. At buo na ang pasya ko."

✅MC2 ZEEUS: I'm Inlove with... the Little Beauty (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon