10th Piece: Success?

20 2 0
                                    

<Dalley's Point of View>

Ewan ko kung parte pa rin ba 'to ng acting ko... O... Nakokonsensya ako. I cried. Tears just won't stop from falling!

This is the biggest evilness I have made in my entire life. Ang sirain silang tatlo. Sirain ang friendship nila Arc at Percy. Ang sirain si Arc at Glaiza sa iba.

But I just have to do these things, para mapasakin na si Percy.. Like I've told you, I'm selfish.

But why am I not completely happy? What's wrong? Diba nakuha ko na ang gusto ko? Nandito na sa tabi ko si Percy para damayan ako. Pwede ko na gamitin yung pagkakataon na 'to para mahulog siya sakin!

Pero lahat yun ginawa ko ng may daya...

"Dalley..." Percy hugged me. I hugged back. "Just so you know, I'm just here. Hindi kita iiwan."

"Salamat..."

The original plan was to take me somewhere else na kami lang. Hindi ko alam kung bakit pero sinabi ko sa kanyang ihatid na lang ako sa bahay. Parang wala akong ganang ipagpatuloy ang plano ngayon.

Pagkahatid niya sakin, he insisted na siya na daw ang magluluto ng pagkain ko. Pero sabi ko kaya ko na yun.

"Thank you so much, Percy." I hugged him. "Uwi ka na. Okay na 'ko."

"No, you're not. Hindi kita iiwan."

"Please..." I kindly said. "I just wanted to be alone."

"Okay.."

Kaya umuwi na siya pero sinabi niyang susunduin niya 'ko bukas. Gusto ko sanang tumalon talon sa tuwa dahil finally he's paying me an attention. Pero bakit parang wala akong gana?

Kakahiga ko lang sa kama nang nag-ring yung phone ko.

Migo's calling...

Huh? Bakit naman siya tumatawag?

Sinagot ko na rin. I better apologize to him. Tsaka kaklaruhin ko na rin lahat. Baka isipin niya talagang may gusto ako sa kanya.

"Mig---"

"Where are you?"

Huh? He sounds so worried? Hindi kaya isa siya sa mga students na nandun?

"Nasa bahay. Bakit?"

"I'll be there by 15 minutes. Hintayin mo 'ko."

"B-but Migo----"

End call.

Aish! Bastos!

Ano ba yan? Bakit pa siya pupunta dito? As if naman talagang nag-aalala talaga siya. Tss!

After 14 minutes, nakarating na siya sa bahay. Eh pano niya nalaman kung saan ako nakatira?

Nung makita niya 'ko, bigla niya 'kong niyakap.

Tae! Biglang bumilis tibok ng puso ko! Parang nagkakarerahan! Baka sa gulat dahil sa pagyakap niya.

Itinulak ko siya ng mahina.

"Bakit ka pa pumunta dito?" I asked.

"Malamang! Nag-aalala ako sayo! Ano? Buo pa ba yang puso mo? Parinig nga!" Tapos niyakap niya ulit ako.

O____O

Bumibilis na naman yung heart beat ko!

"Ano ba!" Tinulak ko siya ng malakas. Mamaya nyan marinig niya pa yun eh. "Okay na 'ko!"

Hinawakan niya 'ko sa dalawang pisngi ko. O////O

Ano ba yang ginagawa niya?!

"Okay ka na ba talaga? Nag-aalala ako sayo, sungit."

BreakevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon