9th Piece: The Proposal

18 3 0
                                    

<Dalley's Point of View>

Phone's ringing...

Phone's ringing...

Uggh... Ang aga aga... Sino ba yan? -___-

Answer call.

"Oh? -___-"

"Morning call."

"Hmm? -___-"

"Morning call, Dalley Joyce."

"Ah... *yaaawn* Morning call..."

Teka! Wala naman akong secretary ah! Ba't may magmo-morning call sakin?!

Napamulat ako bigla at tiningnan kung sino yung tumatawag.

Uggh! It's Arc! =__=#

Ano bang pakulo 'to?! Anong morning call morning call?!

"It's 4 o'clock in the morning, Arc." I said, trying to control my temper.

"I know. Wag kang male-late sa school ah. See you after school, Dalley Joyce."

"Okaaay." My teeth gritted.

End call.

Babalik na sana ako sa pagtulog ng mag-vibrate ang phone ko.

Uggh! Arc! Patulugin mo naman ako!

I read the message. Hindi pala galing kay Arc. Kay Migo pala. And it's his 150th message, saying..

"Sorry na. :("

After kase na ipakilala niya 'ko kay Avinne, hindi ko na siya pinansin. Kainis kase eh! Last na daw yung kay Jeanette! Tapos ginamit na naman ako para hindi lang siya magmukhang kawawa sa harap ni Avinne! Abusado siya!

I deleted the message sabay balik sa pagtulog. Pero hindi na naman ako makatulog. Iniisip ko kase si Migo.

The heck! Why would I think of him?!?!

Dalley! Matulog ka na! May proposal pa mamaya si Arc sayo!

Pinilit ko matulog. And I succeed. Nagising ako 5:46 na. Paglabas ko ng kwarto, hinahanda na ni Daniel ang breakfast. I sat down in front of the table.

"Hoy, bunsoy! Anong ulam? =__="

"Wow ha. Good morning." He replied sarcastically sabay lapag ng mga plato sa hapag. "Hindi pala ako makakauwi ng maaga mamaya. Bumili ka na lang ng pagkain sa fast food."

"Anong pinapalabas mo? Hindi ako marunong magluto?" Offended here. Haha.

"Hindi ko yun pinapalabas. Yun talaga ang lumalabas." He said seriously.

Kumain na kami. Then, as usual, si Dan na yung nag-asikaso ng hugasin. Ako naman, naligo na at nagbihis. Tapos pumasok na.

"Sungit!"

Papasok na sana ako ng hallway pero umiwas ako. Nandun kase yung nakakainis eh. Inaabangan yata ako.

"Huy, sungit." Hinabol niya 'ko, pero hindi ko siya pinansin. Basta tuloy tuloy lang ako sa paghakbang ng malaki.

"Huy... Dalley..."

"Yuhuuu! Dalley sungit!"

"Dalley ano ba?!"

Bigla niya 'kong hinawakan sa balikat para pigilan ang paglakad ko. I turned to him and glare.

"Ano?! Gagamitin mo na naman ako?!"

"Look. I'm sorry, okay? I really am sorry. Hindi ko na uulitin. At isa pa, hindi naman gamit ang tingin ko sayo."

"Kaibigan kita."

BreakevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon