03

1 0 0
                                    

Manghang-mangha ang isang babae habang nakatingin sa mataas na gusali sa kanyang harapan. At pinagmamalaki nyang sabihin na doon sya magtatrabaho.

"Wow, big time naman pala talaga  ang amo ko. Ang laki nito." Sabi nya sa kanyang sarili.

Sya si Kara Panganiban at ang kumpanyang kanyang pagtatrabahuhan ay Chua Group of Company. Ito ang unang araw nya sa trabaho at kinakabahan sya pero naeexcite din naman. First time nyang magtatrabaho sa ganitong kumpanya, dati kasi ay sa mga fast food sya; isa sya doong waitress o di kaya ay sa coffee shop sya. Naghanap sya ng panibagong trabaho dahil hindi sapat ang kinikita nya para maipagamot ang kanyang ama na may sakit.

Huminga sya ng malalim bago pumasok, sakto na agad nyang nakita si Mrs. Suarez ang kanyang bisor.

"Good morning, po ma'am." Magalang na bati nya dito.

"Oh kara, buti dumating ka na. Hala bilisan natin at baka dumating na si Sir Paolo De Alegre ang ating magiging acting CEO." May pagmamadaling sabi nito.

Agad kumunot ang noo ni Kara.

"Bakit po may acting CEO? Nasan po si Sir Chua?" Tanong nya ng makasakay na sila sa elevator.

"Yun nga ang pinagtataka namin eh. Mahigit dalawang linggo na syang hindi bumabalik mula sa business trip nya sa tagaytay, at dahil walang magpapatakbo nitong kumpanya pinakiusapan ng mga magulang nya si Sir Paolo para maging acting CEO dito kahit pa nga meron rin syang sariling kumapanya na hinahawakan." Paliwanag nito sa kanya.

Napaisip naman sya. 'Ano kayang nangyari kay Sir?'

When they reach their department, wala na silang oras para makipag kilala pa sa iba dahil parating na ang acting CEO para mag observe. At makalipas nga ang ilang minuto ay bumukas ang elevator at naunang lumabas mula doon ang isang matandang lalaki at sinundan pa ng isang lalaking matangkad, well built body, at gwapong lalaki.

Para syang di matae ng makita ang lalaki na alam nyang ang kanilang acting CEO.

'Ang gwapo. Makalaglag panty!'

^/////^

Palapit na ito ng palapit sa pwesto nila kaya lalo syang di mapakali, para syang sinisiliham sa pwet at sobrang bilis ng tibok ng puso nya. At pakiramdam nya ay nag-iinit ang pisngi nya ng makita ito sa malapitan. Napahawi sya sa bangs nya at pagbaba ng kamay nya ay natamaan nya ang mga folders sa lamesa nya dahilan para mahulog ito sa sahig.

>.<

'Patay unang araw palpak!'

Ng lingunin nya ang pwesto ni Paolo ay palingon na ito sa kanya kaya dali-dali syang umupo para pulutin ang mga folder na nahulog sa sahig.

"Kara anong ginagawa mo? Umayos ka dyan nakatingin sayo si Sir Paolo." Bulong ni Mrs. Suarez.

Dali-dali na nyang pinulot ang mga folder.

"Good morning, Sir."rinig nyang bati ng mga kasamahan nya.

Huminga muna sya ng malalim bago tumayo at ngumiti nga malaki.

"Good morning, Sir---"

Nabitin ang sasabihin nya at nabura ang ngiti sa mukha nya ng makita ang likod nito na naglalakad na palayo sa pwesto nila para makasakay sa elevator.

Unang araw ay palpak agad sya. At hiyang-hiya sya sa mga kasamahan nya.

"Ang gwapo talaga ni Sir Paolo." Kinikilig na sabi ng isang babae na kasama nya sa departamento. Hindi pa nya kilala ang mga ito dahil kinulang sila ng oras kanina.

"Oo nga, sayang lang at maaga syang nawalan ng asawa. In second thought ok narin mag pag-asa pa tayo." Sabi naman ng isa pa at nag apir sila.

"At sinong nagsabi sa inyo na pag-usapan ang CEO? Hala! Balik sa trabaho." Mataray naman na sabi ni Mrs. Suarez.

"Wag mo nalang pansinin yang mga yan, ganyan talaga sila kalag nakakakita ng gwapo. Kaya laging napapagalitan ni Ma'am."

Napalingon sya sa tsbi nya ng magsalita ang katabi nyang babae sa cubicle. Ngumiti ito ng lumingon sya.

"I'm Apple Nañar. Nice to meet you." Nakangiti parin ito habang inaabot ang kamay sa kanya na agad nya namang tinanggap.

"I'm Kara Panganiban, nice to meet you too." Nakangiti rin sya habang nakikipag kamay dito.

Magaan ang pakiramdam nya dito kaya alam nyang makakasundo nya ito. Mabuti nalang at meron na syang kaibigan sa trabaho.

"Oo nga pala yung unang babae na nagsalita kanina sya si Jessa at yung isa naman ay si Nicole. Layuan mo nalang sila dahil may pagka war freak yang mga yan. Lalo na si Nicole, kaya umiwas ka nalang sa kanila." Sabi pa nito.

Napatango nalang sya dahil wala naman syang masabi. Sa unang tingin pa nga lang ay alam na nyang hindi masyadong kagandahan ang ugali ng mga ito dahil laging mga nakataas ang mga kilay at laging nakairap. Well, wala naman syang balak ikaclose ang mga ito kaya hindi nalang nya ito pinagtuunan ng pansin.

"Salamat sa pag inform." Nakangiting sabi nya, ngumiti din naman ito.

'Ang ganda nya. ^-^'

"Haha, no prob. You know what I think I saw you already." Kumunot pa ang noo nito at parang inaalala pa kung nakita na nga ba talaga sya nito.

"Naku imposible naman ata yun di naman alo sikat." She joke pero di naman ito natawa.

No. I think I really saw you." Pagpupumilit parin nito.

"Baka naman kamukha ko lang. Hindi kasi kami tagadito eh. Kalilipat lang namin last year at medyo malayo dito ang place ko." She said habang inaayos ang table nya. Nilagay nya sa gilid yung picture nilang tatlo ng nanay at tatay nya. Tsaka ang kanyang color blue stuffs. She really loves blue.

"Baka nga kamukha mo lang. Sige magtrabaho na tayo." Nakangiti itong bumalik sa harap ng table nito. At sya naman ay binuksan na ang computer para makapagsimula narin.

My One Less Lonely LoveWhere stories live. Discover now