Ang Paasa Kong Crush

824 23 11
                                    

status•
APKC of year 2014
revised : tenth month of year 2017
©bubibomi
。。。。。。。。

📚 「PROLOGUE 」

"Wow, cute niya! Crush ko na siya omg!"

Hindi naman bago ito sa atin diba?

Lahat tayo alam na normal lang na matalinghaga sa isang tao. Landi landi lang ang peg, ganern.  Hindi masasaktan kung hindi aasa. Crush lang naman, wala siyang karapatan para magkaroon ng responsibilidad para sa iyo at lalo ka na sa kanya! Erey ke nemen bes mesheket ah, zozad.

Either talaga magsisimula ang lahat ng iyan sa physical apperance, kahusayan sa talento, o sa ugali ng isang tao kung bakit nagiging qualified na ang isang stranger out of all the fishes in the sea sa "list-of-people-to-stalk" mo.

Pero bes, advice ko lang. 'Wag ka tanga bes at umasa, nakakamatay 'yan. 'Wag na 'wag ka bibitaw at mahulog. Tandaan mo, walang sasalo sa'yo! Open arms ka lang na hihintayin ng lupa sa mga bisig niya.

Masakit diba? Advice lang naman, eh. Concerned kasi ako bes baka mabali katawan mo dahil na fall ka na pala. Crush lang kasi kung crush! One-sided na nga feelings mo, mag-aassume ka pa na papanagutan ka ng crush mo. Check the label, bes!

Para kasi sa isang tao na nakaranas ng sakit at pighati, sila lang ang nakakaalam at makakasabi kung paano ito dapat iwasan ng iba. Just like me, bes.

Biktima sa isang pag-ibig na puno ng katangahan at pag-aassume, ako si Eunice Alvarez na handang e share ang #PaasaLoveStory ko ng hindi manghihingi ng likes at magpapa-comment sa inyo. Share niyo lang, para ma aware naman yung iba!

。。。。。。。。

「START OF STORY」

Eunice's Point of View

Nag-aabang ako ngayon ng masasakyan na pedicab sa kanto ng subdivision namin. Malapit lang din naman kasi ang bagong school ko kaya mag-pepedicab lang ako, at unang araw ko ngayon as a Grade 10 student. Hay, sana naman maganda yung magiging araw ko ngayon.

Nang may pedicab na dumaan, agad akong pumara nang makitang wala itong sakay.

"Manong, Wendellow National Highschool po." Tumango naman si manong kaya sumakay na kaagad ako. Iba kasi nakasanayan dito sa amin, kailangan pa ng confirmation ng mga manong bago ka makasakay ng pedicab. Grabe lang diba?

Hindi naman nagka-traffic kaya nakadating agad sa Wendellow. Inabot ko ang bayad ko ky manong at bumaba na sa pedicab niya. Nakampante naman ako kasi madami pang mga estudyanteng nag-lalakad sa labas at loob ng campus kaya 'di na ako nagmamadali.

Hindi naman ako nababahala na baka maligaw ako sa Wendellow kasi palagi naman akong pumupunta dito. Ako kasi mismo ang pinapabigay ni mama sa mga papeles ko sa registrar office dito para makalipat mula sa dati kong school.

Huminto muna ako sa harap ng hagdan papunta ng 2nd floor. Kinuha ko sa bulsa ko yung papel na nilukot ko at binuksan yun.

"Section A-1, 3F, R#28." Bulong ko sa sarili at binalik sa bulsa ko yung papel.

Nang makarating na ako sa room 28, Section A-1, marami-rami na rin ang nakikita kong mga estudyanteng nagsisipasukan sa room. Kaya pumasok na rin ako, pero nung papasok na sana ako ng pinto may bigla namang bumangga sakin kaya nahulog yung mga dala kong libro at napaluhod ako sa lakas ng impact. Dali-dali ko namang pinulot yung mga libro ko.

Ang Paasa Kong CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon