A/N: Nangyari po ito nung mga bata pa po sina Nice at Cj. Dito masasagot lahat ng mga katanungan kung bakit walang maalala si Nice sa mga pangyayaring pilit na kinukwento ni Cj nun. Third Person po ang magkukuwento sa flashback na ito. So, no more further or due. Eto na. Enjoy reading! :)
♚KDB_01
----------------
Ang Paasa Kong Crush :
The Flashback
...
"Kristine." Tawag ng batang lalaki na si Cj, sa kaibigang mahimbing na natutulog sa kama nito.
Kakagaling lang ni Cj sa bahay at nagpaalam ito sa mommy niya na dumalo sa bahay ng kaibigang babae na si Kristine upang makipaglaro. At pinayagan nalamang siya ng mommy nito kahit ang aga-aga pa sa umaga para umalis ng bahay kasi nangungulit talaga ito hanggang naririndi na ang mommy niya sa pangungulit niya.
Masayang umalis ng bahay si Cj dala-dala ang bola na pilit niyang pinapabili sa Daddy nito noong nakaraang araw para daw makapag-laro uli sila ni Kristine ng basketball. Wala namang magawa ang ama dahil hindi naman nito matitiis ang kaisa-isang lalaking anak.
Pero nang makadating sa bahay ng kaibigan, nadatnan niya itong tulog sa kwarto nitong puro pink ang nasa loob. Lubos na paborito kasi ni Kristine ang kulay pink.
"Kristine." tawag pa muli niya rito, at sinusundot nito ang pisngi ni Kristine.
Napaayos si Cj ng tayo ng may nakabugnot na mukha.
'Ayaw mong gumising, ah.'
Napangisi ang batang si Cj.
Binitiwan nito ang bola na hawak at kiniliti ang kaibigan na tulog."Ah-Ah! Ano ba! HAHAHA" nahihimasmasan ang batang babae at inis na kumakawala sa kiliti ng kaibigang si Cj.
"Cj! Tama na! Hindi na nakakatawa. Hmph!"
Dahil sa sinabi ni Kristine, natigil sa ginagawa si Cj at napasimangot sa kaibigan.
"Nagalit ba kita? Sorry. Gusto lang naman kita makalaro." naging malungkot ang mukha ni Cj. Yumuko ito.
Si Kristine, biglang naging maamo ang mukha. Hindi nito gusto maging malungkot ang kaibigan. Kaya agad niya itong nilambing.
"Huy." sinundot niya ang gilid ni Cj.
"Hindi naman ako galit, eh. Tara! laro tayo." Agad na napaangat ng tingin si Cj at ngumiti ng napakalaki-laki.
"Talaga?" paninigurado ng lalaki. Nakangiting tumango din ang babae.
Umunat si Kristine. "Ahh! Good Morniiingg! ~ " Ani pa nito habang bumababa sa kama.
"Waaaaahhhhh!!"
Hindi nakita ni Kristine ang bola sa paanan nito kaya natapakan niya ito. The ball slid, and Kristine fell. Nabundol nito ang sarili sa sahig, at nabangga ang ulo sa wooden part ng Kama'ng gawa sa matibay na kahoy.
"Kristine!!" Agad na singhal ni Cj at dali-daling bumaba sa pagkaka-upo sa kama at tinulungan ang kaibigang makatayo sa malakas na pagkaka-hulog nito.
Umiiyak na si Kristine. Pilit pinapatahan ni Cj ang kaibigan.
"Kristine may masakit ba sa'yo?"
"Kristine tumahan ka na."
"Kristine.." he whined. Sunod-sunod ang mga tanong na sinabi niya. Agad nitong niyakap ang kaibigan at hinagod ang likod upang tumigil na ito sa kakaiyak.
"Kristine? Cj? Ano nang nangyayari dito?" Agad namang lumitaw sa labas ng pinto sa kwarto ni Kristine ang mama nitong si Janice.
"Tita!"