Chapter 4

426 13 5
                                    

TRANSFEREE..

 

MASTER CID

Nakakabanas yung babaeng yun ah. Kung makatawa akala mo naman pagkagaling galing mag English mali naman ang grammaring. What she think is me is bad English? Mas magaling pa ko mag English kesa sa kanya.

“Master, uuwi ka na?” tanong ni Pulpol na nakasunod sa’kin.

“Nababanas lang ako sa maarteng babaeng yun. Akala mo naman pagka ganda ganda! Uuwi na ko, ayoko makita ang pagmumukha nun.”

Binilisan ko maglakad. Madadaanan ko na naman yung imburnal kung saan ko unang pinakilig si Apol of my eyes. Sumasakit ang heartache ko pag nakikita ko kung gaano kalalim yung imburnal na yun. Kung hindi lang dahil sa paghadlang ng mga magulang niya edi sana ganyan na rin kalalim ang pagmamahalan naming dalawa.

“Bilis bilisan niyo nga maglakad. Magpapakain pa ko ng kalapati.” Kababagal maglakad ng dalawang to.

Buti pa yung mga kalapati ko hindi ako iniiwan. Kahit ilang beses ko pa pakawalan, bumabalik at bumabalik din sa’kin. Iba talaga kapag batcher na ang kalapati.

“Oy tagay muna Cid.”

Nadaanan namin yung mga lasinggero sa kanto. Mga wasalak.

“Masama sa kalusugan yan.” Sagot ko sakanila.

Tinagayan naman ng walangyang si Longneck yung dalawa kong alagad.

“Ayusin niyo buhay niyong dalawa kung ayaw niyong pagbuhulin ko ang bituka niyo.” Sermon ko sa kanila. Sabi nang wag iinom ng alak e inom pa rin ng inom. Katitigas ng mga ulo. Parang hindi pinagsasabihan.

“Pakikisama lang yun Master.” Sagot ni Ropor.

“Ang pakikisama wala sa pagtagay yan. Oh eto ang pakisamahan niyo.” Inabot ko sakanila yung pagkain ng mga kalapati ko at pumasok na ko sa bahay.

Hindi ko talaga makalimutan yung nangyari kanina. Pinagtawanan ako ng babaeng bobo sa English. Di ko kayang tanggapin.

Pumasok ako sa mini library ng nanay ko na katabi ng kwarto niya. Kinikilabutan talaga ko pag pumapasok ako dito. Pakiramdam ko mumultuhin ako ng mga libro.

Kinuha ko yung pinaka makapal na encyclopedia kaso inantok ako bago ko pa yun mabuklat. Nakakakita palang ako ng libro inaantok na ko. Kusang nalolowbat ang henyo kong utak. Parang sinasabi sa’kin na hindi ko na kailangan dagdagan pa ang talino ko.

“Wala naman akong mapapala dito. Mas magaling pa ko kesa sa sumulat nito.”

*

MAAGA akong nagising at naligo na ko. Isinuot ko yung uniform ng paaralan namin. Paglabas ko ng kwarto ay muntik na atakihin sa puso yung nanay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Perfect Mismatch [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon