Chapter 2

421 16 1
                                    

Master Cid’s POV

Akala niyo tapos na ang kwento ko? Tangina meron pa. Makinig kayo.

First monthsary namin nun ni Greyps at talagang nag-handa ako. Sabi kasi ng gagong alagad ko dapat daw special yung araw na yon.

Nagpahanda ako ng maraming pagkain sa katulong namin. Syempre dapat maraming handa. Celebration yun e.

Inimbitahan ko rin yung pinakamagaling na clown sa barangay namin si Totoy. Tropa ko din yun. Pambili lang ng yosi masaya na yun.

Nagpalobo din ako ng maraming plastic balloon para sosyal. May mga naisip din akong palaro para masaya.

Tang-ina sobrang kabado ako nung araw na yun. Parang gusto ko na tuloy mag-propose. Nung nasiguro ko na handa na ang lahat, sinundo ko na si Greyps.

Nagtaka pa siya nung una at ayaw sumama sakin. Pero wala siyang nagawa nung tinutukan ko siya ng balisong. Sabi kasi ng kanang kamay ko yun daw gawin ko pag ayaw sumama. Walangya tumalab naman. Laking tuwa ko nun.

Nung nasa bahay na kami. Nagulat siya at biglang yumakap sakin nung nakita niya yung hinanda ko pati yung clown. Mangiyak ngiyak pa siya. Punyeta tong babaeng to, simpleng chansing.

Nagulat nalang ako nung bigla niya ko sinampal. Medyo malakas, naalog nga ata utak ko dun. Puta may utak ako, maniwala kayo.

Dahil sa malakas na sampal niya nakipag break ako. Gwapo kong to saspalin lang niya. Huh. Kapal niya.

*

Pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Dahil putangina masakit talaga. Its really hurt mamen! Tagos dito oh *turo sa pisngi*.

Pagkatapos nun di na ko nagseryoso sa babae. Nasaktan ako e. Ikaw kaya masampal ng ganun kalakas, ewan ko lang kung di ka masaktan.

Lahat ng babaeng nakilala ko nagiging syota ko. At ang malupet dun ako lang ang nakaka-alam. Nakikipag-break din kasi ako agad bago pa nila malaman.

Nung minsan nakita ko si Greyps sa kanto kasama yung gagong Benben na yon. Kapangit pangit naman! Makapaglandian ang mga pusang gala kala mo kagaganda ng lahi.

                                                        

Kilala niyo ba yon si Benben? Yung tga dun sa kanto. Kapitbahay nila Umpak. Yung mahaba baba abot lupa. Matangkad lang yon pero lamang pa rin ako ng isang paligo dun. Lakas ng loob sulutin yung mahal ko. Tangina nila magsama sila mga hinayupak sila.

Nananadya lang talaga yung Benben na yon. Tropa ko dati yon e. Kasama ko yun makipagkarera ng kalapati. Kaso pinagbintangan ako dinagit ko daw yung black hawk niya na sargo. E putangina. Aanhin ko yon. Si Umpak dumagit nun e ako pinagbintangan. Pagbuhulin ko baba nun eh.

Nga pala nakwento ko na ba sainyo yung bagong lipat na kapitbahay namin? Aba weak pala kayo. Huli kayo sa balita. Lumipat na kasi sila Jamat sa Africa kaya binenta yung bahay nila. May chix nga dun sa bagong lipat di ko pa alam pangalan pero malalaman ko din yun. May kapatid pa yon lalaki ewan ko kung sino mas matanda sa kanila. Maliit kasi yung lalaki, Sago ata pangalan nun narinig ko kasi nung minsan tinawag nung chix. Basta ang alam ko yung nanay at tatay non mag-asawa.

The Perfect Mismatch [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon