Chapter 3

389 15 0
                                    

(A/N: As promised, maga-update ako pagkatapos ng A Deal with Mr. Stranger kaso ito lang ang kinaya ng utak ko. Waah! Pagpasensyahan niyo na. Ang hirap kasi talaga hugutin ng feels ni Master Cid. Mukha lang bara bara tong story na ‘to pero hindi talaga siya ganun kadali gawin. Ito na yata ang pinaka challenging isulat sa mga stories ko. Ayoko naman na puro kagaguhan lang ang mapulot natin dito, gusto ko may matutunan tayong may kabuluhan kahit 1% lang. Haha. Sana talaga mapanindigan ko tong story na ‘to.)

STETHOSCOPE VS. TELESCOPE

Master Cid’s POV

SUMASAKIT ang puso ko pusang gala. Narinig ko na makikipag date daw si Coco Crunch sa kapitbahay naming 9’2, nine-two sa paglaki. Mga walang kwenta 'tong mga 'to, magddate nalang dun pa sa mall at dun pa sila magkikita sa park ng Noznev. Buti pa ang mga gwapong tulad ko sa magagandang lugar lang nakikipagdate.

Naalala ko na naman tuloy nung nagdate kami dati ni Greyps sa bakanteng lote sa tabi ng bahay nila Pulpol. Naheherts talaga ko kapag naaalala ko yung pagmamahalan namin ni Greyps. Ang tamis tamis pa ng pagmamahalan namin noon. Akala ko they live happily ever after na kami. Pero nawala lahat nang naakit siya sa mahabang baba ni Benben.

“Master, what to do is you?” tanong ng bobong si Pulpol. Umaasenso sa pag-unlad ang English ng walangya.

Kanina ko pa iniisip yan kung anong pangarap kong gawin mamaya. Baka magkagulo na naman yung mga papansin na babae kapag nakita nila kong pakalat kalat sa mall. Sasabihin na naman nila, “Eew. Look at that guy. He looks like a creepy stalker.” Di ko naman maintindihan pinagsasabi nila. Ang alam ko lang nagugwapuhan sila sa'kin.

Ang hirap talaga maging kasing gwapo ko. Lahat ng nadadaanan ko naiinlab at perslab sa’kin.

“Is who am I is me is you Master?” sabat ni Ropor. Kailan pa natuto mag English 'tong mga gagong ‘to? Hindi ako papayag na mas magaling sila mag English kesa sa’kin. Ako ang master kaya dapat ako ang mas magaling.

“Do you know my mother? Do you know my father? Where is me doing later on?” sagot ko sa kanila at napatanga sila sa galing ko mag English. Mga bobo kasi talaga 'tong mga ‘to. Pinipilit gayahin yung English ko e walang wala naman sila sa’kin.

“Gago kasi tong Pulpol na to. Englishin mo na lahat wag lang si Master Cid. Ano ngang plano mo Master?” Ropor

“Me is follow your heart.” Seryosong sagot ko. Susundan ko si Coco Crunch mamaya at sisirain ko ang date nila. Hindi ako papayag na maagaw siya sa’kin ni 9’2.

“I’ll go wherever you will go Master.” Pulpol

Pagsapit ng alas dose twelve twelve ay pinakain ko muna yung mga alaga kong kalapati bago kami pumunta nila Ropor sa mall. Isasali ko pa naman to sa karera bukas.

Nagpagwapo na rin ako pagkatapos. Konting pulbos lang gwapo na ulit ako. Naglagay din ako ng rexona sa kilikili para mabango ako. Isinuot ko din ang pinaka astig kong jersey na may pangalan ni Iverson. Pagkakaguluhan na naman ako nito sa mall. Mas kailangan ko ata magpa panget.

The Perfect Mismatch [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon