TSGG

9 5 0
                                    


                      *Angelie's POV*

Hmmm...alin kayang bibilhin ko rito.

Sinipat ko ang dalawang dress na super cute na color pink at purple.
Di ako makapili.

Pareho kasi silang cute *3*

Kaso ang mamahal naman ng price sa boutique na to..tsk

Nandito kasi ako sa mall dahil mamili ako ng groceries dahil out of stock na ref ko.

At shempre di ko makakalimutan ang chuckie.haha..

Pero bago yun magwi window shopping muna ako since maaga pa naman..mag hahanap na rin ako ng magandang lens ng camera dahil nabasag Yung lens nun ng tapikin ako ni Naya dati dahil ayaw nyang magpapicture.

Nakalimutan ko bang sabihin na mahilig akong magpicture bukod sa computer wizard ako.

Hayy..gusto ko sanang pumunta rin kina Zeri kaya lang heto nga't mamimili pa ako.next time nalang ako bibisita sa kanila.
Namimiss ko na rin ang mga bread na gawa ni Tito Nick..

Naglakad na ako at tumingin tingin sa mga paninda.
May nahagip ang mata ko sa loob ng scent shop.

Teka..

Si Brea ba yun?

Pumasok ako para kumpermahin.

Si bakla nga! Nasa counter na sya at magbabayad na.


                     "Hi Brea!"   Bati ko sabay hampas sa likod nya.

Ganon talaga ako kapag natutuwa.

May kasama na akong mag shopping!

                     "Ay nyeta! bruha ka talaga! Babati ka nalang  kailangan may kasama pang hampas? bat ba bigla bigla ka nalang sumusulpot jan?" Pagtataray nya habang inaayos ang damit nya.



                    "Haha, mahina lang naman hampas ko ah!" natatawang Sabi ko sa kanya sabay peace sign.



                     "Anong mahina? Eh halos masubsob na ako dito sa counter, buti di ko nalunok tong credit card ko" irap nya sakin..

Haha sungit talaga..


                   Ibinigay na nya Ang card nya sa cashier . Pagkatapos magbayad lumabas na kami.



                     "Mahilig ka bang bumili ng perfume?" tanong ko dahil ang mahal ng binili nyang perfume..


                     "Hindi naman, pero Hindi sakin to.sa ate ko to.inutusan lang ako bumili ng sister ko." sagot nya.



                      "May ate ka pala..ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko.



                     "Dalawa lang kami."sagot nya saka ngumiti.


                     "Ahh so bunso ka?"tanong ko


               Biglang kumunot ang noo nya saka tumingin sakin.



                     "Ay hindi teh, ako Ang panganay si ate Ang bunso. Kasasabi lang diba na ate ko sya? Bet mo pagiging reyna ng mga slow?" Natatawang Sabi nya na huminto at namewang pa.

Napanguso ako...naniniguro lang eh..

Ang hihilig ng mga tong mambabara.



                   "Hmmp! Tara na nga samahan mo muna akong mamili pero mag stroll muna tayo."

That Smirk Gives GoosebumpsWhere stories live. Discover now