Aceford is in the mood

11 5 0
                                    

     
Chapter 6:
 

              *Shanaia's POV*

Malapit na kami kina Zeri nang maalala ko ang papel na nakalukot sa may gulong ng kotse ni Kim.

Kinuha ko iyon ng kaliwa Kong kamay  at ibinigay Kay kim

Baka kasi related yun sa pagkawala ng preno ng kotse nya.

                    "Ano to?"tanong nya saka kinuha Ang papel.

                    "Malamang papel..mukha bang tae yan?" Pamimilosopo ko.

                      "Tadyakan Kaya kita" taas kilay na sabi ni Kim.

                        "Eh kung pababain kaya kita at ipapasan ko sayo ang kotse mo" natatawang Sabi ko.
                           "Buksan mo na nga lang  yan at baka may hint Jan tungkol sa nangyari sa kotse mo" dagdag ko pa.

Binuksan naman nya iyon. Biglang kumunot ang noo nya pagkabasa sa sulat.

                    "Anong nakasulat ?" tanong ko dahil seryoso sya.

Binigay nya sakin Ang sulat na nakabukas na .

~ang kasalanan nya'y kasalanan nyo rin..pagsisisihan nyo Ang lahat!~

Ano namang ibig sabihin nito? At sinong 'sya' yung tinutukoy nito.

Huminga ng malalim si Kim. Mukhang may malalim na iniisip.mukhang narealize nyang hindi yung ate nya Yung may gawa.

Pareho kasing maldita Kaya walang papatalo..tsk!

                       "Mukhang matindi ang galit sa atin ng taong ito para magawa nyang magpahamak ng tao.kailangan nating mag ingat dahil sa tingin ko nagmamatyag lang sya."Sabi ko pero di ko sya tinignan dahil nakafocus ako sa pagdadrive.

                     "Sa ngayon wag na muna nating sabihin kina Nami. Baka mag alala pa Ang mga yun. Susubukan Kong alamin Kung Sino Ang may pakana nito.. Mag doble  ingat nalang  tayo." sabi ni Kim saka tumingin sa akin.

                      "Wag na nga muna nating isipin to.." Sabi ko. "andito na tayo."inihinto ko na ang kotse saka lumabas.

Sa kabilang daan kami dumaan dahil Hindi naman makakadaan Yung kotse sa kabila.

                      "Bawal pumasok dito ang mga panget" sabi ni Nami na nakaabang sa may gate.

                     "Eh pano ka nakapasok jan kung bawal? Ano yan exception?"natatawang Sabi ko.

                     "Pwede ba buksan mo na tong gate para makapasok na kami"si Kim na namewang pa.

                      "As if hindi niyo kayang talunin yan" sabi ni Nami na itinaas Ang gilid ng labi.

                       "So patatalunin mo pa kami?pauso mo!buksan mo na nga lang to dahil ang init!" Sabi ko dahil ramdam ko na ang init sa balat ko kahit maaga pa.

                         "At bakit ko bubuksan?Sino ba kayo?Zeri! Bisita mo ba to?ampapanget!di ko Alam Kung saang lupalop to nanggaling"sigaw ni Nami

Bwiset na to..bakit ba nasa mood to mang asar..tsk!

Lumabas naman  si Zeri na nagtataka kung ano ang sinasabi ni Nami.

                     "Ano kamo Nami-----oh Kim!Naya!anjan pala kayo!" Sabi nya at lumapit sa gate.

                     "Bat di mo pa binuksan Nami, ang init oh!"dagdag ni Zeri at nagmamadaling binuksan ang gate.
                      "Pasok kayo" at niluwangan ang pagkakabukas ng gate.

That Smirk Gives GoosebumpsWhere stories live. Discover now