Babae sa Aparador

1.5K 22 15
                                    

BABAE SA APARADOR

"Naku naman mga anak bilisan ninyo at baka hapon na tayo makarating sa lola ninyo" sabi ni Nelia

"Eto na ma. Hindi ka excited ma noh? sabi ni Rex

"Alam niyo namang ngayon lang natin madadalaw ang lola niyo eh. Wala na ko balita sa kanya kaya gustong gusto ko ng mapuntahan ang lola niyo"

"Baka hindi na sila nakatira doon sa dati niyong bahay mama"

Biglang napaisip si Nelia. Pinalayas kasi siya ng mamang niya ng mabuntis siya. Matagal na panahon ding hindi niya ito nakita at wala siyang balita.

Bigla lamang niyang naisipan na puntahan na ito dahil nagbabakasakali siya na napatawad na siya nito sa haba na rin ng panahon na hindi sila nagkita.

Hindi rin niya alam kung ano o sino na ang dadatnan nila doon. Pero magbabakasakali pa din siya.

"Hindi ko alam bahala na. Kung hindi tayo pupunta doon paano natin malalaman?"

"Ready na kami!" sabi ni Celso habang pababa ng hagdan at  hawak hawak ang anak nitong bunso

"Okay sige sumakay na kayo sa sasakyan. Oi Rex dalin mo itong mga gamit niyo ni Lily"

"Opo"

Pagkatapos nilang mailagay ang mga gamit na dadalin nila ay agad na silang umalis. Habang nasa sasakyan ay nakikinig lang si Rex sa usapan ng kanilang mga magulang.

"Papa kinakabahan ako baka hindi pa din ako tanggapin ng Inay" sabi ni mama

Nasa harap ito at si ang papa niya ang nagda-drive.

"Huwag kang magalala mama, nalimot na tiyak ng Inay mo ang nangyari. Malay mo matagal ka na pala niyang hinihintay"

"Sana nga!"

***

Nakarating din sila sa lugar. Bumaba si Rex sa sasakyan. Probinsiyang probinsiya ang dating. Magubat. Maraming halaman. At malayo ang mga bahay sa isa't isa.

Ang huling bahay na nakita niya ay medyo malayo na dito. Tiningnan niya ang bahay na nasa harapan nila lumang luma na ito. Kung susuriing mabuti nakakatakot ang lugar na ito.

"Mama ito na ba yun?"

"Hindi ko nga alam anak kasi ang laki ng pinagbago ng lugar"

"Bakit mama? Ano ba itong lugar niyo dati? Baka naman naligaw tayo mama?

"Hindi anak kabisado ko ang lugar na ito kaya hindi ako pwedeng magkamali"

"Mabuti pa kumatok tayo sa bahay" sabi ni Celso na bumaba na din ng sasakyan

Babae sa AparadorWhere stories live. Discover now