Recipe 1 : Half Baked

31 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga para makapag ayos sa event ko para mamaya. Hay! Charlotte Blu relax ka lang wag kang paranoid. Magiging okay ang lahat. Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko na minsan may katabi akong malas eh. Feel ko lang may mangyayari sakin eh. Sana lang maganda ang vibes ko na to.

"Yes, Mommy dala ko naman ung kotse. Papunta na po ako sa event, after po nun, wag nio na ako intayin ng dinner, may pupuntahan din po ako ksama ko si Kurt."

"Sige Mommy, thank you."

Sabay baba ko sa phone ko. Sinabi ko na kay mommy ko na wag mgalala dahil kaya ko naman pumunta magisa sa event at Desserts table lang naman so kaya ko na i-setup yun. 

Client Calling...

"Hi, Good Afternoon! Yes, This is Ms. Ortega. I'm actually on the way to the event place for set-up. Don't worry, everything is under control. Yes Yes See you there! :)"

Whew! Grabe kinabahan ako kay Miss Karen ng ITCorps Inc. Ito kasi ang first serious event ko, ung ang kaharap eh mga business people, usually kasi sa bazaar at mga birthday lang ako nakukuha. Ngayon ung kakilala ni Ate nirefer ako sa business industry kaya mejo kinabahan ako dun sa tawag na un.

Habang papunta na sa event. Nag-stop ako dahil hindi pa Go ang stoplight, pero Bigla Bigla na lang tumunog ang likod ng pick-up truck ko. Mabilis ang pangyayari, parang isang malaking kotse ang bumangga sakin at napa preno ako ng todo at nauga ang buong katawan ko. Naku Naman! Eto na ba ung hinihintay ko kanina pang umaga? Shocks my precious creations!! 

HIninto ko ang dala dala kong Foton pick-up at lumabas.

"Ano ba yan!? Hindi ka ba ngiisip? Naka red kaya ung stop light...Ano baaa..."

Napahinto ako ng makita ko na naka business suit ang sinisigawan ko at may kausap siya sa phone. So Sorry Charlotte, di ka ata nia narinig. Wow, ibang klase so naharang pa ata ako ng sosyal na lalaki na to. Siguro mayaman to kasi naka Ford Expedition eh. Eh bakit di siya ngiisip na sumunod sa stoplight? Hindi ba malaki ang sasakyan ko at halata naman na nakikita ako ah. Anyway, hindi pa rin nia binaba ang phone nia so medyo matagal ko siya natitigan. Chinito siya at Maputi. Infairness Pogi ha. Naku Charlotte hindi ito ang tamang panahon sa pag checheck-out. Galit ka at may event ka na hinahabol.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang braso nia. 

"Hey, What are you doing? Can you explain what will happen to your damages?" Yes todo english ako kasi di ko alam kung marunong siya mgtagalog. naka business suit eh?

Nagulat ako ng mejo lumaki mata nia at pa-cute ang pag smile nia. Dinadaan nia ba ko sa chinito eyes nia? At unti unting nagsalita.

"Sorry Miss, wala namang masyadong damage eh. Bayaran ko nalang lahat ng pag pagawa and Wala naman ikaw gamit sa likod ng pick-up mo diba?" 

Aba! Nagtatagalog naman pala. HOMAYGAD! May gamit nga pala ako sa likod!. Bakit ko nakalimutan un! Naghadali ako na tingnan mga desserts ko sa likod. Naka sealed naman sila eh pero alam kong pag ganun ung impact baka iba ung effect sa kanila at matumba.  

Nagulat siguro tong Chinitong to dahil ung mukha ko parang namatayan kasi lumapit siya at tinulungan din ako sa pag angat nung mga natumba. 

"Pano na to? May event pa naman ako ng 6pm! halos kalahati nawala sa desserts ko." mangiyak ngiyak kong sabi to habang tinitingnan ko ang mga nahulog sa likod ng pick-up. 

"Miss, I'm sorry for causing you trouble. I really mean it. I will pay for all of it, kahit doblehin ko pa." sabi nia. Naku kung hindi ka lang cute at sincere sa pagkakasabi siguro ngtaray na ko. Infairness naman sa kanya tinulungan nia ako at binigay pa nia ang calling card nia. Sosyal! Naka cheke pa ang binigay sakin sa bayad nia sa nasirang desserts. Pagkatapos nia ibigay, nauna na siya at ngsorry pa ulit bago umalis.

Wow Charlotte Blu, ano ngayon gagawin mo at pano mo ieexplain sa client mo ang nangyari? Pa cute cute ka pa jan sa nakabangga sayo. Eh lagot ka naman sa client mo. Hay. Ayaw ko na din kasi makipagtalo, eh babayaran naman kasi eh, kung hindi babayaran un , dun ako magagalit. Eh mabait naman so parang okay na din sakin. 

Naghahadali din tong si Chinese guy eh. So ayaw ko naman interrupt, lahat naman kasi tayo may mga responsibility. At ang responsibilidad ko ngayon eh ang tumawag sa client ko at mgsorry ng mgsorry.

I'm kinda dissapointed to you Miss Ortega. Last minute disasters are not acceptable in our agreement. You are really still new to this business. I hope next time you can learn from this mistake.


Naku paulit ulit ko atang maririnig yan hanggang sa makauwi ako. Sobrang galit ng client ko. At pati si Ate Pia, nagtry magsorry in behalf ako. 

Though sa kabila ng nangyari malaki laki naman din ang nakuha ko sa Chinito na nakilala ko. Ay oo nga pala, ung lalaki na un pala ang dahilan. Napatingin ako sa calling card na bigay nia.

Crystal Technologies : Aaliyah Jan S. Yu (Investor Director)                                                                                                                             

Ano ba naman to? Bakit babae ung calling card? Tama ba to, or Niloloko lang ako ng lalaki na un? hmm Baka naman kasi Charlotte, tauhan nia yan, at bakit ka kasi ngpaniwala na ibibigay nia ang totoong calling card nia sayo. Naku! 

Tinago ko na lang muna ang calling card, dahil wala pa naman din ako balak mg accept ng order dahil nga mejo na trauma pa ko sa hindi successful na event na to. Anyway makapag pahinga na nga lang at may trabaho pa ko bukas. Tinext ko na lang din si Kurt na di na ko makakasunod sa party nila dahil nga sa nangyari at buti hindi nagpumilt ang lokong un.

OO nga pala. Part-time ko lang ang baking. IT related ang course ko kaya pag weekdays un ang trabaho ko, at dun ko nga kasama lagi si Kurt. 

Hay! Monday na naman! nakaka stress. Iready mo na Charlotte Blu ang emotions mo ngayong araw na to.

"Oh, Charly! bakit parang ang lungkot lungkot ng mukha mo jan?" bati sakin ni Kurt pagdating ko sa office. 

"Wala Monday sickness lang to. "

"Ikaw kasi eh, dapat sumunod ka kagabi ang saya kaya namen, at matutuwa ka kasi dami palang network nitong si Jules eh, so ung balak nating paglipat ng work naku matutulungan nia tayo."

Eto talagang si Kurt sobrang sociable, talagang pumunta siya sa party para lang din makipag network? Pero sa totoo lang ang bait din nitong lalaking to. Informative pati sakin sinabi. Anyway yes, tama naman siya na dapat nga maghanap na din ako, gusto ko din naman kasi ung free ung time ko hindi ung laging overtime wala na din akong time sa baking dahil dito sa dayjob ko eh.

"Talaga? Sobrang galing mo din talaga no? bilib na talaga ko sayo!" puri ko sa kanya. Anyway need ko mgfocus sa work so ngwork na ko. IT Manager ako so i need to process every account na handle ko. Patapos na ang work time ko ng may ngtext sakin.

From: unknown number

Good Day! Is this the owner of Desserts for Life? I would like to know if you accept an Event show? Please contact me for details. :)

"YES!" napasigaw ako sa upuan ko, buti nlang hindi nila masyado narinig. Nakakilig naman na may nakakita sa mga IG posts ko at nirecommend ako. This is the second time Charlotte Blu. Kaya wag ka na pumalpak. Tinext ko na agad ang unknown client na to at pumayag sa deal.

This is it. I hope everything will be in place. Cross fingers!!

Bake it Like you Mean itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon