Recipe 3: Whip it

15 0 0
                                    

Ding Dong. Someone is at the door.

Sosyal ha! may CCTV, voice over at face recognition ang doorbell ha. Ano naman ang ineexpect mo, syempre CEO ng Crystal Technology so dapat lang maganda ang bahay nila at technology based talaga.

Sobrang laki naman ng bahay na to. Ano to mansyon na parang may mansyon pa sa loob? Siguro eto na ung pinakamagandang bahay na nakta ko sa tanang buhay ko. Sobrang laki, parang walang wala ung kwarto ko, naging parang bahay ng daga lang. Ilang oras lang at bumukas na ang gate at may maid na sumalubong.

"Here po Mam, hinihintay na po kayo ni Sir." Wow, so ineexpect nia pala na dadating ako? kahit di ako ngtext o tumwag man lang. 

Pagpasok ko sa bahay, sobrang ganda nito, para akong nasa palasyo eh. pero sobrang simple, alam mong may class at modern mga tao dito. Habang sinusundan ko ang maid, paakyat sa second floor, nakakita ako ng family picture sa tabi ng hagdan. Nag-iisang anak nga lang si Miggy, ang cute ng parents nia parang ang saya sa picture. Siguro eto ung last picture nila, bata pa si Miggy eh at sobrang cute. Sabi na eh in born ang kagwapuhan nito.

Nagiintay sa sala sa taas si Miggy, at sobrang enjoy siya sa paglalaro ng video game sa malaking HD TV nila. PInatay nia agad ito pag dating ko.

"HI Mira! So happy you made it!" welcome nia sakin, at mukang ihuhug nia pa ako sa tono ng pag ka delighted nia, ang weird talaga nito. 

"Hello!" awkward na pag kaway ko. 

"Eto na pala ung cupcakes na order mo?, check mo na and then 1,500 pala lahat yan, kahit via ATM mo nlng bayaran kung gusto mo" dere deretso kong sabi saknya.

Yung mukha nia parang natatawa, at nghagod pa talga ng buhok, sige na pogi ka na, anong kaartehan yang pag papacute mo sakin?

"I thought you would agree to stay here and teach me to bake?" tanong nia.

"Ha? anong pinagsasabi mo? sabi mo order ka lang, walang private baking lesson akong nalalaman no" Umandar na naman ang pag ka weird ko din at sinabi ko un in one sentence.

"Just Kidding, This looks yummy! Thank you! Wait here, I'll get my wallet." Umalis siya at nghadali sa kwarto nia  para kumuha ng bayad. 

Umupo muna ako sa salas at ngmasid, ang ganda talga ng bahay, sa pag titingin ko, Nakakita ako ng magazines, puro Tech Magazines, at dahil IT related din ako. Binasa ko na din.

May mga articles na puro siya ang cover at mayron naman ung family nia, pero iba ung ksama ng daddy nia. Tiningnan ko naman at binasa at nalaman ko dun na girlfriend lang ng daddy nia ung kasama nito. At si Miggy sobrang pogi pa dito sa magazine kaya naman di ko napigilan na hindi basahin. 

A Family that blooms because of rich values and moral to be ahead when it comes to technology, Let's wait and see the youngest CEO to bloom his way to the top. Way to go.

Wow, unang linya palang ng headlines, sobrang serious nila sa trabaho at nakakainspire na. Anyway, sobrang galing naman pala ng business side ng pamilya na to. 

"Sorry Charlotte for taking this long, here's my payment." Inabot ni Miggy ang cheke. 

"three thousand pesos?!?" gulat na sigaw ko. 

"Sir, este Miggy, sobra to 1, 500 lang yan, wala ako panukli dito sa cheke mo" sabi ko.

"It's okay, the fact that you went straight here, i need to compute the gas, energy and your will to come" Miggy said.

Nahiya hiya akong tumingin pero sige sobrang gentleman ng move nia nato. Ano na Charlotte Blu, pano na ikaw mgrerespond.

"Ahm. okay, Thank you MIggy. I really do appreciate. AHm. so sige salamat, uwi na ko."

Patalikod na ako at palakad na ng

"Wait." hawak nia ang braso ko.

Nagkatinginan kami saglit at nakasmile siya. 

"Wait, Charlotte, Can we have some coffee sometime, IS that alright? This is not our last meeting ha?" banggit nia habang hawak ang braso ko. 

Jusko, oo naman noh ,kung ganito ka gwapo ang lagi kong makikita at sobrang gentleman pa, oo naman.

"Ehem, Sure Miggy, try ko." kinakabahan kong sagot. kasi naman eh, kung makahawak at kinikilabutan ako sa feeling na malapit sakanya eh.

Hinatid nia ako sa labas, at bakit feeling ko ang awkward tuloy. 

"Sige Miggy una na ko," Sabi ko.

"Are you sure, ayaw mong hatid kita?, I can drive you home.Charlotte." insist ni Miggy.

"No, okay na ko. :) Thank you na lang tlga. :) sobra sobra bigay mo sa pamasahe pa lang. :)"

Hay naku, Charlotte if i know, ayaw mo lang masabhin nila ate mo na may manliligaw ka. :)

"Bye Miggy!" sabi ko.

Ngsmile lang siya at deretso na ko bago pa ako mahuli sa awkward ko na smile at paghahadali.

Bake it Like you Mean itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon