Ingredients

29 0 0
                                    

Sometimes in life, you will find your choices moving or sometimes it makes you stagnant. Wala naman kasing tamang timpla ang buhay ng tao di ba? Hindi natin alam kung ano ang tamang combinations para sa masarap at healthy na pamumuhay dito sa buhay na bigay ni Lord. Swerte na lang kung nakaka tsamba ka minsan. Minsan naman alam mo nga gagawin, pero may certain taste lang siya or appeal sa pang araw araw. Nakakatawa na pati ba naman ang comparison sa pagluluto na baling ko sa emote ng buhay natin. 

Simula kasi ng ako na lang ang natira dito sa bahay, ang dami dami kong narerealize. Actually hindi naman ako nag-iisa eh. Tatlo kaming mgkakapatid. Ung dalawang Ate ko kasi nasa ibang bansa na. Ung isa sa Canada na sila naninirahan, Swerte kasi ung si Ate Pia ko na un napangasawa nia madiskarte at naka migrate na sila dun. Si Ate Nona ko naman sa Singapore, ayun single and enjoying life ang peg sa buhay. Pa travel travel lang at ngeenjoy. So it means ako lang na bunso ang natira dito sa Pinas with parents pa. Sila Mommy naman at Daddy, busy din naman sa farm sa Batangas kaya mostly ako lang natitira sa bahay at si Yaya Hilda na lagi ako binababy kahit hanggang ngayon. 

Kaya eto ako busy sa past time ko pag weekends ang pag babake. Iba din kasi ang focus pag ngbabake ka, dapat sure ka sa lahat ng ingredients eh bawal dito ung patsamba tsamba so dapat may measure lahat. So hindi pwedeng mamali kundi masasayang or hindi perfect pag kakabake. :)

All you girls You look and flip your hair and wonder why I'm still here well You're superficial I'm a misfit..

"Bluuuuuuuuu!!" sigaw ni Yaya Hilda sakin.

"Ang ingay naman sa kusina iha,lakas ng sounds mo, di mo ba naririnig na tinatawag kita? May international call ka, baka Ate mo na naman yan, tumatawag galing Canada." dagdag ni Yaya Hilda sakin. 

"Sorry po, busy kasi ako may orders na kasi ako for this week, mejo malaki ang event na to eh." sabi ko.

"Wow, Charlotte Blu Ortega, proud na proud naman ang Yaya Hilda mo, maganda na, masipag pa at business minded ang alaga ko" puri ni Yaya Hilda sakin.

Iba kasi talaga maglambing tong si Yaya, proud na proud siya sakin kahit parang sa isip ko naman, wala pa ko nagagwa sa sarili ko at kela Mommy, di katulad nila Ate na nasa ibang bansa at successful sila. Iba kasi talaga ata ako, Mejo pa easy easy lang, di nagseseryoso basta kung ano lang dumating eh grab lang ng grab. Pero itong Baking na ito, mejo sineryoso ko talaga kasi nahiligan ko at iba ang feeling sa kin. Parang passion ko na mgbake at gumawa ng desserts. Iba ung fulfillment na nabibigay sakin. 

Sana talaga ito na ang break na hinhanap ko. First ever Major Event ng baking business ko ito. Sana magustuhan ng Client ko.

"Naku Mami HIlds talaga, sobra na yan, wala pa nga eh, pag pray nio na masarapan sila." 

"Sure yan, malay mo makilala mo Prince Charming mo dahil jan sa pagbabake mo." biro ni Mami Hilds

Naku si Mami Hilds talaga, hindi pa din ako tinatantanan sa pagtutukso sakin. Wala pa sa isip ko yang mga lovelife na yan kahit na sinasabi na sakin nila Mommy at nila Ate na baka need ko lang daw ng lovelife para maging sweet ang buhay ko. Eh ano pa gingawa ng desserts ko? HIndi pa sobra sobra na ang pag kasweet nun? Anyway, Game naman ako sa ganyan kaso wala pa eh. Chill lang muna ko.

"Oh bakit nangingiti ngiti ka jan Blu?"

"Eh kasi Mami Hilds, wala pa nga eh, inuunahan mo na naman, chill ka lang dadating din yan, anyway pasabi naman po kay Ate sa phone na tatawag nlng ako later, masyado lang tlga ko focus bukas na kasi tong Event ko na to."

"Osige iha, sabihin ko nalang." 

Pagka alis ni Mami Hilds, niready ko na ang mga natapos ko na para bukas ready na para lalagay ko nalang sa kotse.

Habang naglilinis ako ng kusina, tumunog ang phone at may tumatawag. Si Kurt ang sobrang kulit kong ka-officemate. Actually matagal na kaming mgkakilala, sabay kami sa first job namen at hanggang ngayon officemates pa rin kami at eventually naging close na kaming magkaibigan. 

"H-Hello?"

"Charlyyyy" sigaw nia sa phone sakin. Etong si Kurt lang talaga ang tuwang tuwa sa pagtawag na Charly short daw sa Charlotte. Konti lang kasi talaga ang may gustong gamitin ang second name kong Blu. Usually Charlotte lang ang sinsabi ko. Ung Blu kasi sobrang personal na para sakin so family members lang tumatwag sakin nun at syempre piling piling friends lang ang hinahayaan ko at sinasabihan ko.

"Yes Kurt ano meron?"

"May party bukas sama ka! Kela Jules lang namen eh. Kilala mo ung mga nandun, ung dating officemate natin un."  sabi nia.

"May Event kasi ako tom. so full schedule ako tsaka bakit mo ko iniivite?, loser na ba ko masaydo at di na ko nakaksama sa ganyan? "

sabay tawa nia sa phone habang kausap ko. 

"Ano ka ba Charly Ortega, syempre need ng chicks dun, wala masyado girls eh, at papatikim mo samin yang mga binake mo!"

"Baliw! ano ako? Entertainment? hmmm Sige sunod ako after event. Mgdadala na din ako Desserts for you guys dahil sobrang love ko kayo kahit di halatang concern kayo" 

"hahahaha yey!! the best ka talaga Charly!"

"Sige na, kadiri ka na, wala na ko pera kaka puri mo." sabay baba ko sa phone. 

Kahit na hindi ko masyado ka close mga tao tom sa party, okay na din at least nakikimingle ako sa knila. Si Kurt lang naman ang ngpupush sakin na sumama eh. At siya lang din naman ang ngimpluwensya sakin sa party party na yan at get together. Hindi kasi ako ma party na tao. 

Anyway Big day tom so need ko na matulog at iprepare ang sarili ko sa mga mangyayari bukas. :)

Bake it Like you Mean itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon