Here's the update. Sorry if it's late. (:
사랑해요 전설 =) 즐겨 읽는
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Demonaira's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking muka. Tsk, nakalimutan ko palang isara ang kurtina kagabi. Tumayo na ako at ginawa ang aking morning rituals. Habang nasa loob ako ng CR. Hindi ko maiwasang tignan ang sarili kong repleksyon. Dalawang pares ng matang may itim na itim na kulay na nagiiba sa tuwing ako'y magpapalit ng emosyon. Kapansin-pansin din sa aking likod ang isang balat na korteng bungo. Ito'y nakapwesto sa aking bandang kaliwang balikat. Sabi nila'y namana ko daw ang balat na ito sa aking Lolo.
Nagtungo ako sa isang pinto dito sa loob ng CR na kumukonekta sa aking Walk-in Closet. Napagdesisyunan kong lumabas at maglibot-libot dito. Kinuha ko ang isang loose shirt at skirt na above the knees tapos rubbershoes. Nagsuot din ako ng snapback na hat. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko silang nasa may dining area at kumakain ng breakfast. Umupo ako sa tabi ni Ice at kumuha ng pagkain.
"Oh Dem, san punta mo?" Tanong ni Ran
"Somewhere." sagot ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain at nagusap lang sila ng kung ano ano. Pumunta na ako sa garahe ko at sumakay sa aking Ferrari 458 Speciale. Latest model ng Ferrari. Habang nagmamaneho ako bigla akong napahinto ng may makitang nag-aaway? I think hindi lang basta away yun kase yung isang grupo lahat naka white tapos yung isa naman all black. Hmm, maybe it's a gang fight? Bago ako lumabas ng kotse ay nag-shades muna ako baka kase may makakilala. Lumabas na ako at naglakad na ako palapit dun sa mga nag aaway. Sumandal ako dun sa isang kotse at pinanuod sila. Maya-maya lang may biglang sumigaw dun sa mga naka-white.
"Well, well, well. Mukang mayroong naligaw na isang magandang dilag dito." sabi nung lalaking naka-puti. Nanatili parin akong nakasandal dun sa kotse. Napatingin ako dun sa isang lalaking naka-itim and he mouthed to me "Umalis ka na dito". At dahil madali akong kausap, naglakad na ako paalis. Pero biglang hinawakan nung nakaputing lalaki ang braso ko.
"Ops, ops, ops. San ka pupunta?" sabi niya. Tss.
Madali ko lang inalis yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin kahit na mahigpit na para sakanya at sakanila ang pagkakahawak niya sa akin. Pero para saken, wala pa yan sa kalahati ng isang porsyento kong lakas. I left them there dumbfounded. Sumakay na ulit ako ng kotse ko at nag-drive nalang ulit pauwi. Wala eh, nawala na ako sa mood mag-libot.
Pagdating ko sa mansion, nakita ko silang lahat na nakaupo sa couch at nandun din si Butler George. Siya nga pala ang Butler namin dito sa Pilipinas. Ano naman kayang pinunta niya dito?
"Oh, your so bilis naman. What happened ba? Is there a problem ba?" Pagco-conyo ni Haerley. Tinitigan ko siya. Mukang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin kaya ayun ang haliparot biglang tumakbo sa likod ni Butler George. Tss, childish fashionista.
"What brings you here?" tanong ko kay Butler George.
"Ibibigay ko lamang po ang inyong student's information. Katulad po ng hiniling niyo, iniba po namin ang lahat ng impormasyon diyan. Na-hack at nabura narin po ni Young Lady Ifyiel lahat ng mga sites na may impormasyon na tungkol sa inyo. Panigurado pong walang makakatuklas o makakaalam ng inpormasyon niyo dahil ang sino man ang sumubok na i-hack ang site na iyon ay paniguradong unang pagpindot palang niya ay masisira na ang ginagamit nitong pang-hack kahit na ito'y masyadong hi-tech na." mahabang paliwanag ni Butler George. Inilapag ni Butler George sa may mini table ang mga student's info. namin. Kinuha ko ang akin at tinignan.
Name: Denaira Park
Age: 17 y/o
Not specific na yung iba. Tss, pinaikli lang pala yung pangalan ko. Yung iba naman ay ganun paren ang name nila. Iniba lang yung surnames nila. Yung kay Ran ay Neilston, kay Ice ay Grande, kay Cyrin ay Montenegro, kay Blaire ay Garcia, kay Akira naman ay Samson, kay Haerley naman ay Hemilton.
Tumango-tango nalang ako. Sinabi ni Butler George na nung last week pa ang pasukan sa school namin. Kaya ang kakalabasan late transferees kami. So, bukas na kami papasok. Tss, still lazy for schooling.
"Sige po young ladies, mauuna na po ako." sabi ni Butler George. Tumango lang ako ng bahagya habang sila ay nag-bye na. Umakyat muna ako sa kwarto ko at nag-palit ng shorts. Naka-skirt pa kase ako. May napansin akong naka-plastic sa may sulok. Mga new arrivals ko lang na mga latest na damit ang nanduon. Nagmo-model din po kase ako, kaso puro mga naka-mask ako kaya walang nakakakilala sakin. They often call me "Mysterious Goddess" Tss, silly people nowadays. Tinawag ako ni Ran, kakain na daw kase kami ng lunch.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan namin na mag movie marathon. Pumunta kami sa movie room. Yeah, meron nun dito. Trip nilang manuod ng horror. Pinanuod namin yung Deliver Us from Evil, Annabelle, Devil Inside, The Conjuring, The Haunting in Connecticut at marami pang iba. Pero pinaka-sinigawan- I mean tinilian nila ay yung sa Insidious (Part 1&2). Pati nga rin si Ice na hindi naman masyadong takot sa Horror movies ay nagtakip ng mata. Ako naman, ayun nakatunganga lang sa pinapanuod namin. Kahit na nakakagulat at yung pinakanakakatakot na part na nakatunganga lang ako. Napanuod ko na kase lahat ng pinanuod namin na horror ng mag-isa. Bawat may bagong labas na horror movie ay pinapanuod ko agad. Di namin namalayan na gabi na pala, ni hindi na nga kami nakakain ng dinner kase naman nabusog na kami sa mga pagkain palang na kinain namin sa movie room.
Time: 11:57pm
Napagdesisyunan namin na matulog na. Pero syempre nag-half bath muna ako. Nasanay na kase akong naliligo sa tuwing gabi. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at patulog na nang biglang nag-ring yung cellphone ko.
Caller's ID: Caiden baby.
Wag na kayong magtaka. Ganyan gusto niyang tawagan namin, ang corny daw kapag ate o kuya o kaya naman sis and bro. Para daw maiba. Nasanay narin naman ako. Kaso sa harap lang ng ibang tao pati friends namin kami nagtatawagan ng ganun. Kase kapag sa harap nila mom and dad baka samu't saring sermon at pingot ang abutin namin lalo na kay mom.
Sinagot ko na ang tawag niya.
"Hey baby, why are you still awake? You have classes tomorrow." sabi niya.
"Movie marathon, baby." sagot ko.
"Ahh, I see. Okay. Sleep now. Be kind there.... AND do not do any trouble there. Okay?" pagpapaalala niya saken.
"*chuckles* I'll try. Tell the shitty students there to be nice to us especially me." sagot ko ulit.
"Haha, silly. Hey! I'll hang it up! I gotta go! Take care, I love you baby."
"Same ---end of the conversation*"
Hmm, ano kayang mangyayari bukas? Bahala na. It's a long day yet I enjoyed it.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Denaira at the media board. Her outfit :)
Author's Note: Happy day everyone! Sorry for the typos and grammatical errors. Please, spread our story. Thanks. -Syhsyh
BINABASA MO ANG
The Legendary
Teen Fiction"I have the throne that anyone could never get. I am THE LEGENDARY"- Demonaira Evilice Milller (c)haryleu for the cover.