Head Over Red High Heels

26 1 1
                                    

Head Over Red High Heels
written by: maSimple101

***

'She's stunning'

Sigaw ni Angelo sa isip niya. Hindi alintana ang dilim at malilikot na neon lights upang hindi makita ang kagandahan nito. Alas otso na ng gabi, at ngayon ay kasalukuyang nagaganap sa gymnasium ng kanilang unibersidad ang "St. Ignatius Acquaintance Party"

Naka-arrange ang mga table ayon sa kurso. Kaya mula sa kanang bahagi ay tanaw na tanaw ni Angelo ang mga B.S Education students, na nasa harapan lamang nila. Kaya't laking pasasalamat niya na nasa kaliwang bahagi silang mga B.S Engineering students napuwesto.

"Dre! Anyare sayo? Bakit tulala ka?" tanong ng kaibigan at kaklase niyang si Drew.

"Ano ka ba! May sinisilayan lang yan sa mga Educ kaya ganyan." pang bubuko naman ni Jed sa kanya.

Bulls eye.

He sigh.

"Huli ka boy! hahaha" sunod niyang narinig ang tawanan ng lima niyang mga kasama sa table na iyon. Mga kaklase niya ito at kateam mate niya sa basketball team ng kanilang department.

"Tumigil nga kayo mga ungas!" saway niya sa mga ito.

'Tsk! Bakit ba kasi sinabi ko pa sa mga ungas na to eh!'

"Dre! Patulong ka nalang dito kay Liam, classmate ng gelpren nito yung kras mo eh" suggest ni Bert.

Hindi niya pinansin ang pangangantiyaw ng mga ito sa kanya. Muli niyang pinagmasdan ang babaing nagpapabilis ng husto sa tibok ng puso niya.

Korni man pakinggan pero iyon ang totoo. Because every time he looked and starred at her, his heart beats fast, na para bang kagagaling lang niya sa milya milyang pagtakbo. And it feels like he becomes deaf, because he can't hear anything except for the beat of his heart. Minsan pa nga'y tila kinakapos siya ng paghinga.

Pinagmasdan niya ito, naka red dress at red high heels ito.

'Red suits her'

Naalarma siya ng tumayo ito pati narin ang iba pa. Naramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat kaya napalingon siya.

"Dre! Mag-uumpisa na. Tayu-tayo rin!" wika ni Jed sa kanya. Agad siyang tumayo at lihim na nasapo ang kanyang noo.

'Ano ba yan Angelo! Senses please!' sigaw niya sa isip niya. Napako na talaga ang atensyon niya sa babaing iyon, kaya't pati nangyayari sa paligid ay Hindi na niya alam.

Pagkatapos ng panalangin ay agad rin naman silang naupo.

Head Over Red High HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon