Ang Nasirang Maria

118 0 0
                                    

Bago po ang lahat. Gusto ko lang pong i-share tong kwentong ito. Actually  po, Assignment to sa amin ng teacher namin sa Values Ed. Tungkol po sa pagsasamantala. La lang. Gusto ko lang pong i-share. (^_^)

Ang Nasirang Maria

“Binata, totoo bang pinilit mo ang babaeng biktima na hawakan mo ang maseselang bahagi ng kanyang katawan, bilang kapalit ng malaking pera?”

Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga at pagdinig sa kasong hindi matapo-tapos. Patuloy rin ang pagharap ng binatang nakaupo ngayon sa harap ng husgado sa mga binabatong tanong. “Hindi po”, sagot niya sa bawat tanong na natatanggap niya. Katutuntong pa lamang ng binata sa kanyang ikalabing-walong taon mula nang ito’y mabuhay. At batay sa kanyang pananamit,mula sa polo hanggang sa medyas at sapatos na kanyang suot,ay halatang galing ito sa mayamang pamilya. Tama nga naman na tawagin siya sa kanilang lugar na isang malaking tao dahil kaisa-isang anak siya ng Mayor ng kanilang bayan.

Sa kabilang banda naman, ay ang pamilya ng babaeng biktima. Unang tingin pa lang sa kanila’y kitang-kita na ang kahirapan sa kanilang pamumuhay. Mula sa kanyang Tatay na kulang na ang butones ng polo at kupas pa hanggang sa kanyang Nanay na mukhang galing pa sa labahan. Mahirap lang sila, alam ng babae iyon dahil iyon ang masaklap na katotohanan. Kaya naman, hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang pagdinig ukol sa kanyang isinampang kaso dahil nga kulang ang kanilang kinikitang pera para sa pagdinig. Mahirap lang sila,oo, ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala na silang karapatang labanan ang mga taong mas higit pa sa kanila at ipaglaban ang karapatan ng babaeng biktima at ang nawasak na pagkatao nito.

Nakalugay lang ang buhok ng babae,dahilan para matakpan ang mukha nitong nabalutan ng pighati,luha, panghihinayang, at galit dahil sa nangyari. Katabi niya ang Nanay niya sa kanan at ang tiyahin niya sa kaliwa. Simula kasi noong pangyayaring iyon ay tila isang demonyo na ang turing ng babaeng biktima sa mga lalaki. Kahit ang Tatay niya’y kinakatakutan niya na.  Wala na ang kinabukasan ko,ang iniisip ng babae. Wasak na wasak na ang pagkatao ko.

Napaangat ang ulo niya nang tanungin ulit ang lalaki.”Paano mo ba nakilala ang babaeng biktima,binata?”

Ngunit tingin lamang ang binigay ng lalaki sa abogado. Napatingin naman ang binata sa babae,dahilan para manginig sa takot ang babae at humagulgol ng iyak.Pinapatahan naman siya ng Nanay niyang umiiyak rin sa awa ng kanyang anak.

Ganoong tingin rin ang binigay ng binata sa babae noong unang beses ng pagkikita nila. Galing ng eskwelahan ang babae noon. Graduating student na siya sa highschool at ilang buwan na lang ay makukuha na niya ang kanyang diploma. Simple lang naman ang pangarap niya, ang matulungan ang kanyang Nanay at Tatay. Bago umuwi ng bahay,nakasanayan na niyang dumaan muna sa tindahan upang bilhan ng sopdrinks na nakabalot sa cellophane ang Nanay niya. Tiyak na matutuwa si Nanay nito, isip ng babae. Paborito kasi ito ng Nanay niya.

Pagkarating niya sa tindahan ay nakita niya ang isang binata. Bago lamang ito dito kaya napansin agad niya ito. Mayaman, unang napansin niya sa lalaki. Tinitigan niya itong mabuti at nakaramdam naman ang binata. Tinitigan rin siya nito pabalik. Matagal silang nagtitigan ngunit umiwas naman agad ng tingin ang babae nang iba na ang binibigay na tingin ng lalaki sa kanya-malagkit. Agad-agad naman rin siyang umuwi nang makuha na niya ang sopdrinks na bili niya.Kinabukasan,gaya ng kinagawian niya, ay pumunta ulit siya sa tindahan upang bumili. Nakita niya ulit ang binata sa tindahan at nabigla naman ang babae nang lapitan siya nito. Alden,pagpapakilala nito. Anak ako ni Mayor, iyon ang sabi niya sa babae. Kaya naman nahiya ang babae dahil anak pala ito ng kanilang Mayor. Hindi siya sumagot dahilan para lalong lumapit ang binata sa kanya. Pero ang mas ikinagulat pa niya, ay nang hawakan ng binata ang kanyang baywang. Hindi siya makakibo. Tinanong siya ng binata kung saan ito nakatira. “Diyan lang”, sagot ng dalaga at dali-daling umalis.

Kinagabihan, ay umalis saglit ang mga magulang ng babae upang maghanap ng mumurahing uulamin nila mamaya. Dalawa silang magkakapatid sa kanilang pamilya, ngunit maagang nag-asawa ang kanyang Ate kaya mag-isa lang siya ngayong maiiwan sa bahay. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto. Sa pag-aakalang mga magulang na niya ito ay pinagbuksan niya ito ng pinto. Pero laking gulat niya nang makita niya ang binata sa tindahan sa halip na ang kanyang magulang! Hindi niya sinabi ang totoong address nila, kaya takang-taka siya kung paano nito nalaman ang tirahan nila. Tsaka  niya lang naalala, anak nga pala siya ni Mayor kaya maraming koneksiyon. Ano pang silbi ng pera nila kung ‘di nila gagamitin?

Bago pa man siya makapagsalita ay sinugod na siya nito at pinilit na ipahawak sa kanya ang maseselang bahagi ng katawan ng babae bilang kapalit ng malaking halaga. Pinagbantaan pa siya nitong ipapaligpit niya ang pamilya ng babae kung sakaling hindi ito sumunod sa gusto ng lalaki. Kaya ko silang ipapatay sa isang tawag ko lang, naalala pa niyang sabi ng binata bago siya unti-unting hinubaran at hinaplos-haplos. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya noong mga panahong iyon- galit at higit sa lahat ,takot. Mabuti na lamang at dumating ang mga magulang ng babae kaya nakawala ang babae sa kamay ng demonyong lalaki. Napaalis nila ang binata, ngunit doon naman nagsimula ang pagbabago ng babae. Balisang-balisa ito pagkatapos ng pangyayaring iyon. Hindi na ito makakain. Palagi na lang itong natutulala maya-maya. Hindi rin siya makapag-aral ng maayos dahil sa pangungutya ng mga kaklase niya. Maliit lang ang bayan nila kaya mabilis kumalat ang balita. Dahil dito,pinahinto muna siya sa pag-aaral. Hindi rin naman siya madala-dala ng magulang niya sa psychiatrist dahil wala silang panggastos para doon.

Nagsampa ng kaso ang mga magulang niya sa binata. Maraming kapitbahay nila ang saksi sa pagsasamantalang naganap ngunit walang gustong tumulong sa babae dahil pamilya at anak ng Mayor nila ang binabangga nila. Ngunit sa pagkakataong ito, mabuti na lamang at may tumayong testigo na rin sa babae.Marahil ay naawa ito o kaya nama’y nakonsensya sa kalagayan ng babae ngayon.

Muling narinig ng babae ang husgado sa harap.

“Kami, ang departamento ng hustisya, dahil sa mga ebidensiyang naibigay at naipakita ng dalawang panig, at mga testigong nakasaksi at nagpatunay sa kasalanang nagawa, ay nabuo namin ang isang desisyon sa tulong ng ulo ng departamento. Ang binatang akusado sa harap ninyo…..”

Narinig ng babae ang tatlong paghampas ng huwes sa harapan,hudyat na ang kay haba-habang paghihirap sa pagkamit ng hustisya ay tinapos na. Narinig niya ang iyakan sa buong silid.Kasabay nang paghampas na iyon ay ang iyakan ng mga pamilyang sawi at pamilyang nagtagumpay. Narinig niya ang iyakan ng pamilya niya.

 

“…ay GUILTY.”

Sa wakas ay nakamit niya ang hustisya.

Ang Nasirang MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon