Paalala:
Ang istoryang ito ay kathang isip lamang.
Ang mga pangalan, lugar at pangyayari ay nanggaling lamang sa imahinasyon ng manunulat.
Kaya't kung may kapareha ito sa iyong istorya, maaring ito'y nagkataon lang.***
Kabanata I
Si Kael at Kai
Sa labas ng kaharian ng Gourdino
10:41 A.M"Kuya Kael, samahan moko mamitas ng mga prutas sa bundok ng Mira upang mayroon tayong maitinda mamaya!" malayo pa lamang rinig na ang sigaw ng aking kapatid na si Kai dahil sa lakas ng boses nito.
Agad na gumihit ang ngiti sa aking labi at napa-iling. Hindi ko muna sya pinansin at hinintay hanggang sa makarating sya sa aking kinaroroonan.
Kasalukuyan akong nagpapahinga sa ilalim ng puno dahil kakatapos lamang ng aking gawain.
"Kuya tara na, nakahanda na ang ating mga takuyan sa bahay! Sige ka yari nanaman tayo kay Tiyo nito kapag maliit ang ating kikitain."
"Oo na alam ko. Di mo na ako kailangan sabihan pa, Kai!" tumayo ako sa aking pagkakahiga at saka ginulo ang kanyang buhok.
"Kuya ilang beses ko ba sinasabi sayo na wag mo ginugulo buhok ko!" wika ni kai habang naka halukipkip at sabay iwas ng tingin.
Natawa naman ako dahil alam kong gustong gusto nya na ginugulo ng kuya ang kanyang buhok, itinatanggi nya lang.
Si Kai aking pinaka mamamahal na nakakabatang kapatid, sya ay sampung taong gulang pa lamang at ako naman ay labing apat.
Kasalukuyan kaming naninirahan sa aming Tiyo na walang pakealam samin kundi pagkakitaan lang kami.Kaming dalawa lang ang nagtutulungan dahil wala na ang aming mga magulang. Wala akong alaala o impormasyon tungkol sa kanila, tanging ang kwento lang na na sinabi ni Tiyo. Pinatay raw ng mga demonyo ang aming magulang nung araw pagtapos ipanganak si Kai.
Ngunit sa kabila ng lahat, lumaki parin si Kai na masiyahin at masiglang bata.Napa- buntong hininga ako at nilibot ang aking mata sa paligid. Nabaling ang aking pansin sa isang pamilyar na matanda na nahihirapan sa pagbuhat ng kanyang mga kargada.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad tinungo ang matanda.
Sumigaw pa si Kai na unahin na lamang ang mga prutas sahalip na tulungan ang matanda ngunit hindi ko sya pinansin.
"Tulungan ko na ho kayo"
"Oh ikaw pala Kael! Salamat ulit hijo, Nakakahiya na sa iyo lagi moko nalang tinutulungan sa aking mga binubuhat."
"Naku Manong Eli, wag ka na po magpasalamat wala ho ito!"
"Napakabait na bata, pagpalain sana kayo ng naka tataas!" hindi na ako nagsalita at nag simula na lamang akong buhatin ang mga kargada ni manong.
"BOOO!" Ginulat ni Kai si manong sa likuran nito.
"Ay putragis Kang bata ka! Ikaw talag- Mayayari ka sakin!"
"Blehh!"
Hinabol ni Manong Eli si Kai dala ng inis sa pangloloko ng bata.
"Kai, tama na 'yan! alam mo namang may edad na si manong, nakuha mo pang gulatin!"
Tumigil sa paghahabulan ang dalawa at si Kai naman ay nakayukong lumapit saakin.
"Manong pag pasensyahan nyo na po ulit itong kapatid ko ha? Sadyang makulit lang po!"