Kabanata III

37 0 0
                                    

Kabanata III

Stadium, Kalos, Kingdom of Gourdino

Maklipas ang anim na taon.

Isang pamilyar na binata ang patuloy sa pag atras sa kalaban na gumagamit ng spear o sibat. "Iiwas ka na lang ba?!" inis na sigaw ng kanyang katunggali. Mahaba ang sibat kaya malaki ang kalamangan nito sa taong gumagamit lang ng push daggers.

Ang Push dagger o punch dagger ay isang klase ng punyal na may maikling talim at hawakang mala hugis "T"

Samantala, patuloy na natutulak ang binata sa sulok ng entablado at kapag siya ay natapak sa labas ng nito... iisa lang ang kanyang kahihinatnan.

Napansin ng binata ang paunti unting paglalim ng paghinga ng kanyang katunggali kaya  pinagpatuloy pa niya ang pag-iwas hanggang sa tuluyan itong mapagod. Ang mga ataki patungo sakanya ay bumagal kaya madali na lang siyang nakaka iwas. dahil dun, nagawa niyang makaalis sa kan'yang pagkakakorner at dumistansya, sapat upang maka buwelo para sa isang pag ataki.

Sa 'di malamang dahilan, tumayo lamang siya ng tuwid at ngumisi. "Tsk! hangal!" sigaw ng kanyang katunggali. Dahil sa inis, pabaya itong sumalakay samantalang ang binata ay nanatili lang sa kanyang kinakatayuan at naghintay sa pagdating ng ataki. 

Mag iilang sentimetro nalang bago tumama ang sibat sa kanyang dibdib ngunit ito'y lumihis sa direksyon dahil sa mabilisang pagsangga sa sibat gamit ang kaliwang braso, kasabay ang pagyuko at suntok galing sa kanan na direktang tumama sa tagiliran.

Napaatras ito ng isang hakbang, itinungkod nya ang kanyang sibat gamit ang kaliwang kamay upang hindi matumba at ang kanang kamay naman nito ay naka hawak sa kanyang tagiliran.

Tinignan niya ang binata na naka tayo sa kanyang harapan. Seryoso lang ito at naka tingin din sakanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makita sa kamao ng binata ang punyal na may tumutulong dugo.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanyang tagiliran at nangnigninig nya itong itinaas upang makita. bumulaga sakanya ang palad na punong puno ng sariling dugo bago tuluyang bumagsak.

Agad namang rumesponde ang mga mangagamot at inalalayan papunta sa likod ng entablado upang doon siya maagapan.

Napatahimik ang lahat ng manonood dahil sa kanilang nasaksihan. 

Nabasag lang ang katahimikan nang mag anunsyo ng pagkapanalo ang punong abala.

"M-Mga kaibigan! may kampyon na tayo para sa taong ito!"

bakas ang takot at pag aalinlangan pero dahan dahan paring lumapit ang punong- abala sa binata.

 "I-isang masigabong palakpakan sa ating kampyon na walang iba kundi si Kai!" natataranta nitong kinuha ang kanang kamay ng binata at ma bilis na itinaas.

***

Mehei Academy, Kingdom of Gourdino.

Tatlong araw ang makalipas

Si Kai ay kasalukuyang nag hihintay sa isang opisina, hindi niya alam kung sino o ano ang rason kung bakit siya nasabihang maghintay dito.

Ilang minuto pa ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang isang babaeng nakasalamin. kapansin pansin ang buhok nitong mala nyebe, asul na mga mata at ang hubog ng kanyang katawan.

"Kanazawa, Kai? kung di ako nag kakamali." naglakad ito patungo sa kinaroroonan ni Kai  "Napanood ko iyong huling laban sa Kalos. Magaling..." huminto ito sa pagsasalita, kaya tinignan ito ni Kai at nagtama ang kanilang mata bago ito umupo sa kanyang harapan "Pero hindi maganda ang iyong pamamaraan, muntik ng bawian ng buhay ang iyong katunggali." tinitigan siya ng babae kaya siya ay napayuko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reborn as a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon