Kabanata II

54 4 0
                                    

Kabanata II
Pangarap

Kalos, Kingdom of Gourdino
7:12 P.M

Lubog na ang araw ngunit punong puno parin ng tao ang kapital ng kaharian na tila ba'y nagdiriwang ng pista.

Dito, makikita mong nakapalibot ang samu't saring tindan na naglilikha ng ingay mula sa mga tinderong patuloy sa pang-hihikayat ng mga tao. 

May mga nagtatanghal ng sayaw at mga salamangkerong lumilikha ng mahikang pang-aliw.

Kalat din ang mga batang nagtatakbuhan bitbit ang laruang lumilikha ng bula.

Sa gitna ng mataong lugar, makikita mo ang ating bida na naglalakad kasama ang kanyang kapatid.

"Kuya maari ba akong lumahok sa paligsahan? pangarap ko kasing makapag-aral sa Mehei Academy," tanong ni Kai.

"Nais kong maging malakas upang maipaghiganti ko ang pagkamatay ni inay at itay," dugtong nito.

Huminto sa paglalakad si Kael kaya't napahinto rin ang kanyang kapatid. Lumuhod si Kael upang makausap nito ng harapharapan.
"Kai alam mong hindi ka pa maaring sumali sa kumpetisyon dahil ikaw ay bata pa, kailangan mo pang mag hintay ng anim na taon upang maka sali."

"Ang tagal pa! ba't naman kasi ayaw mo lumahok sa paligsahan kuya, ang galing galing mo nga sa pakiki pag-away!" pag rereklamo nito.

Ngumiti si Kael at saka ginulo ang buhok ng kapatid "Bakit iiwan ni kuya ng mag-isa ang kanyang kapatid sa pamamalaga ng sakim na Tiyuhin?"

Itinaboy ni Kai ang kamay ng kanyang kuya na patuloy sa paggulo ng kanyang buhok bago nagsalita,"Kung makapag salita si kuya. Akala mo sya talaga ang magwawagi, pag natalo ka naman uuwi talaga tayo ng sabay kay tiyo!" natawa si Kael sa sinabi ng kapatid "Tumbalik naman ang 'yong sinasabi patungkol saakin, kapatid" at bumalik sa pang gugulo sa buhok nito.

"Mahalagang paalala! ang kompetisyon-tagisan ng lakas ay mag uumpisa na sa loob ng tatlong minuto," nabaling ang atensyon ng magkapatid sa mga guwardyang nag aanunsyo at nilingon ang kinaroroonan nito. "Sa mga may nais na masaksihan ang kompetisyon, dumeretso lamang kayo sa istadyum."

"Inuulit ko, Ang kompetisyon-Tagisan ng lakas ay mag uumpisa sa loob ng tatlong minuto. Sa mga nais manood, dumiretso lang sa istadyum ng Kalos."

***

Kael's POV

Mabilis maubusan ng puwesto sa istadyum dahil sa dagsaan ang tao kaya kinailangan namin magmadali, muntikan pa nga kami hindi maka pasok kung hindi kami sumingit.

Ilang minuto na lang at mag uumpisa na ang palaro kaya itong kasama ko ay hindi mapakali. Sa katunayan... sya lang ang may nais manood dito.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagkakataong 'to, kinailangan naming tumakas kay tiyo.

"Magandang gabi mga Gourdinians!" isang lalaking kulay dilaw ang buhok at may katamtamang katwan ang lumabas mula sa kanang bahagi ng entablado na nakasuot ng magarang pananamit.

"Maligayang pagdating sa kauna-unahang kompetisyon ng Gourdino! Ako si L, ang inyong punong- abala para sa gabing ito! Nawa'y masiyahan ang lahat sa panonood!"

Reborn as a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon