First Kiss

12 0 0
                                    


*Nicanor's POV*

Hingal na hingal akong nakabalik sa canteen para ipag patuloy ang aking trabaho. E kasi ba naman yung mayabang na nagtapon saakin ng spaghetti hindi ako tinitigilan hanggat 'di ko binibigay pangalan ko. Napalitan tuloy ako na ibigay kase iritang irita na ako sa pangungulit niya. Wala naman sigurong nawala saakin 'no?.. Pangalan lang naman yung binigay ko hindi naman yung buong pagkatao ko.

"Oh Nics, anong nangyare sa itsura mo? dinaig mo pa ang nakipag-away sa sampong babaw", sabi ni Jenny.

"Eh wala basta tinakbuhan ko 'yung mayabang na lalaki na tinapunan ako ng spaghetti." sabay irap ng aking mga mata.

Si Jenny ang naging kaibigan ko simula noong napunta ako dito sa Manila. Siya ang nag recommend saakin dito sa Statford University kaya agad-agad akong nakapag trabaho. Kung wala siya e baka namamalimos lang ako dito sa  Manila at hindi na muling makakabalik saamin. Kase nung unang pag apak ng paa ko sa Manila hindi ko alam saan ako pupunta. Napaka lawak nito at napaka daming gusali ang nagpapataasan. Ang dami ring mga eskinita kaya naman naligaw tqlaga ako. Buti nalang mabait itong si Jenny at agad akong tinanong kung baguhan ba ako at nung sinabi kong oo dali-dali niya akong sinama kung saan siya nakatira.

Nakilala ko doon si Lady Joyce na napaka bait naman dahil alam niyang badjao ako at wala naman ganoong kalaking pera pinagbigyan niya na ako na tumira doon and binigyan ng isang malaking kwarto sa dorm nila. Noong una kong narinig yung dorm akala ko pinto iyon, napahiya pa ako kase tawang tawa si Jenny sa sinabi ko. Wala naman kasing ganoon saamin e. Tumira ako doon ng libre pero panandalian lang sinabi ko magta trabaho naman ako para kahit papaano makapag bayad ako at naglilinis naman ako ng buong dorm kaya hindi kona nararamdaman na umaabuso ako ng kabaitan ng tao. Ganoon ko lang nakilala si Jenny at ngayon mukha ko na siyang kapatid na laging kasama kahit 'san ako magpunta.

Tapos na ang lahat ng klase kaya naman kami ring mga nagta trabaho ay uuwi na. Pero bago umuwi nagpa meeting muna ang aming head dahil nalalapit na ang valentines day. Sinabi niya na may ipapasuot siya saamin bukas at nagbabala pa siya na huwag mag reklamo. Kaya naman lahat kaming mga babae ay kinakabahan samantalang ang mga lalaki ay wala lang paki.

Sabay kami laging umuwi ni Jenny. At habang naglalakad pauwi ay nagku kwentuhan kami tungkol sa pinag-meetingan kanina.

"Nics, ano sa tingin mo yung sinasabi ni head na ipapasuot saatin. Ang aga naman feb 1 palang e tagal pa ng valentines day", sabi niya at umismid at may pa tirik pa ng mata.

"Eh, ganun talaga, advance mga pilipino 'di kana nasanay. Eh september panga lang yung ibang mga bagay e may dekorasyon na para sa pasko. Yan pa kaya", sabi ko sakanya habang tumatawa.

"May bonus ba tayo doon? syempre  baka ayaw naman natin susuotin naten pero wala tayo choice e. Dapat may bonus. Bahala sila a absent ako pag walang bonus"

"Ikaw talaga, makuntento kanga sa binibigay saatin ang taas na ng sweldo natin 500 each day dika paba kuntento?"

"500 yun sa dami ba namang mayayaman dito. Pag nag sweldo tayo ng 100 pesos baka mahimatay ako, ang dami nila eh, aarte pa nung iilan"

"Hay nako, halika nanga bilisan mo uwi na tayo layo pa lalakarin natin at gutom na ako", hinakbayan ko siya para 'di na makatanggi.

Patuloy parin naman kami sa kwentuhan pero tungkol na iyon lahat sa crush niya sa university.

"Teka nics, may nakalimutan ata ako sa university, yung charger ko" napakunot bigla ang kanyang noon at may malulungkot na mga mata.

"Hala ano 'yon?", laki ng mata ko na iniisip na baka mahalaga ang naiwan niya.

"Charger ko hehe.. di ako makakapag facebook pag nalowbatt ako. Ang layo na ng nalakad natin so mauna kana sunod ako", nagmadali agad siyang tumakbo pabalik ng hindi pa ako nakakapag salita pabalik.

I DON'T WANT A FIRST LOVE Where stories live. Discover now