Ang pag-ibig ay parang pagsusulat, dapat ay lagi mong ituon ang isip sa kung ano man paksa, kung ayaw mong masira ang diwa.
Ako si Kian Santiago, 20 years old. Sisimulan ko ang aking kwento noong ako'y grade 11.
Nag-aral ako sa Quezon City ng highschool at sa pag-aaral ko ay pinilit kong maging iba sa lahat, dahilan ay ang pagkahilig ko sa pagsusulat, na-iimpluwensyahan ng sarili kong kwentong nabubuo sa pagsusulat ang nagiging ugali ko sa totoong buhay. Gamit ang aking makapangyarihang ballpen ay mag-aakda ako ng istorya, sanaysay, tula o kahit pa kanta sa aking mahiwagang papel at ang lahat ng ito ay sa direksyon ng aking matayog, malawak at malikot na kaisipan na sa bawat salitang ididikta nito ay hinuhugot ko sa kaibuturan ng puso ko na nagreresulta sa pagkalalang ko sa mundong alam kong ako ang may likha.Kapag nasa school ako ay palagi lang akong tahimik na kung hindi kausapin ay hindi iimik, pero kahit na tahimik ako ay aminado kong hindi ako mabuting tao, masaya akong minamanipula ang mga tao sa paligid ko gamit ang matindi kong sandata, ang aking utak. May masama akong dahilan kung bakit ako tahimik. Madalas kina-iinisan ako ng mga lalaki sa school dahil halos lahat ng mga classmates kong babae ay na-aatract sa pagiging tahimik ko at ito dahilan kung bakit ako ay isang hindi makabasag pinggan. Alam ko kasing talo ng walang kibo ang gwapong maingay at masyadong pasikat at mas attractive ang tahimik kaysa sa mga lalaking bolero at mukhang desperado. Ang pagiging tahimik ko at pagkukunwaring isang maamong tupa ay patibong ko lamang sa mga babae. Natutuhan ko yaon dahil sa pagsusulat ko, minsan kasi nahihirapan akong isulat ang isang bagay kapag hindi ko pa danas, kaya naman madalas ay sinusubukan kong gawin yung kaugalian ng karakter sa kwento ko para may ideya ako kung tama ba yun.
Nagpapalit ako ng karelasyon o jowa madalas at swertihan kung aabutin ng isang buwan, depende kapag nasiyahan ako sa babae. Alam kong sobrang sama ng ginagawa ko at inaasahan ko na ang karma balang araw, ang kaso lang kasi hindi ko na mapigilan ang pagiging adik ko sa pagsusulat, nagjojowa ako ng kung sino - sino para makalikom ako ng mga experience sa pakikipagrelasyon para maging pangpatibay at pangpaganda sa istoryang isusulat ko.
Hindi ko naman isinasapubliko sadyang libangan ko lang ang pagsusulat ng story, lumulukso ang dugo ko kapag nakakasulat ako, ang pagsusulat kasi sa akin ay parang pagkain na ng kaluluwa ko, at hindi ko matiis na hindi mapakain ng magandang kwento at sa bawat magandang kwentong ipapakain ko ay dumadagdag ang sarap na hinahanap nito na para bang hindi makukuntento sa kapag hindi mas magandang kwento ang ipapakain ko kaysa sa nakaraang isinulat ko. Kaya naman ganun nalang kadali para sa akin ang magpalit-palit ng girlfriend, kasi gusto ko nang ibat ibang experience sa pakikipagrelasyon, para may bago akong ma-isulat at para may maitustos ako sa bisyo kong pagsusulat."Hi Kian, kumusta"
Bati sa akin ng kaklase kong si Kim Rivera.
Isang simpleng pagbati sa akin at indikasyon ito na may nahulog na sa patibong ko.
Hindi ako nagsasayang ng panahon sa oras na may kumagat na sa pain ko, sa konting kibot ng tali ay agad kong hahatakin ang tangkay ng pamingwit ko upang makahuli ng malaking isda.Para akong isang mabangis na leon sa gubat na nagpapanggap na isang malambing na pusa na sa oras na may lumapit sa akin ay agad kong sasakmalin. Wala akong ititira sa mga biktima ko sa oras na madampian sila ng matatalim kong pangil. Bago ko bitawan ang isang babae ay sisiguraduhin kong makukuha ko ang pagkababae niya at pagkatapos ng lahat ay ma-iiwan siyang sakit nalang ang natitira.
Sa dalas na ginagawa kong kasamaan sa mga babae ay wala na kong nararamdamang awa kahit konti manlang kapag nakikita kong patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi ng mga babaeng nagkamali sa akin.
Ako yung tipo ng taong maraming nagmamahal pero hindi marunong magmahal, ako yung taong laruan lang ang tingin sa babae, na nagagawa ko lang pahalagahan kapag hindi pa ko nakakaramdam ng pagkasawa.Dumating na ang araw na natapos na ako ng grade 11 at sa wakas ay grade 12 na 'ko, isang bagong panimula ng school year ko.
First day of school, akala ko magiging kagaya pa rin ng dati ang magiging kalakaran ng buhay ko nung nasa mas mababang grade ako, pero hindi pala ganun ang mangyayari. Isang malaking banta pala ang pagpasok ko sa grade 12 ng aking maliligayang araw sa paglalaro ng mga babae.
BINABASA MO ANG
Checkmate
Short StoryPara sa iba at sa karamihan lalo na sa mga lalake ay masarap magkaroon ng madaming girlfriend, para landi rito, landi doon. Pero paano nalang kaya kung ang isang writter ay ginagawang kuhanan ng ideya sa pagsusulat ang kanyang mga nagiging girlfrien...