1

5.7K 81 3
                                    

Patuloy ang pagtakbo ko papunta sa school dahil kung hindi ako tatakbo ay siguradong late na ako, kakababa ko lang ng tricycle sa kanto dahil may ginagawang kalsada doon, kaya bumaba na ako para takbuhin nalang ang school tutal malapit nalang naman

Tumunog ang bell, hudyat na alas syete na nang umaga at saktong pag pasok ko naman sa gate ng eskwelahan, hindi nakatingin ang guard kaya humarurot ako nang takbo papuntang room

'grade 11 Harlington' pagbasa ko sa plaka sa taas,

nagtaka ako dahil wala sila doon, tanging mga bag lamang ang nandoon, taka kong tiningnan ang paligid at nilibot ang buong campus

"Zow!" nagulat ako nang marinig ko ang palayaw ko, agad kong tiningnan kung kaninong boses iyon nanggagaling at di ako nagkamaling si kendra iyon, ang bestfriend ko

may salamin si kendra at simula grade one may salamin na sya, kaya ngayon ay mababa na ang grado nya at baka matanggal na ang salamin nya, kung tutuusin maganda naman sya, simple sa katawan at matalino pero syempre mas maganda ako ^^3

lihim akong natatawa habang patakbo syang pumupunta sa pwesto ko

"Bakit nandito kapa? Tara na sa hall dun tayo mag pa-flag racing ceremony!"

naalala ko bigla na sportsfest pala ngayon! buti nalang at hindi ako late dahil kung hindi, edi hindi,
hindi naman ako player ng kung anong sport, basta tinatamad ako sa mga laro nayan, isa pa kung sasali ako nakakahiya kung bangko lang ako

(-.-)

pumila kami ayon sa aming class number at G3 ako dahil calixtro ang apelido ko, kinalabit ko si gia, ang G1 namin dahil tinanong ko kung bakit wala pa si Jen na bestprend nya G2 kasi si Jen,

"Aabsent si Jen, nasa Ilocos sya ngayon, hindi na ata siya makapasok buong linggo na'to" sabi ni Gia

"Ganun ba, Thanks Gia"

umusad nalang ako sa likod nya para mabigyan ng space ang iba pang nasa likuran, may morning program pa kasi at sasalampak dito sa simento, buti nalang at naka pang-P.E. kami para di mahirap umupo



(-.-)



sa kalagitnaan nang program habang naka indian-sit kami ay biglang may kumalabit sa akin, nagulat ako ng si Enzo yon, naka jersey sya na short at nakapatong ang P.E tshirt sa jersey nya,

"Bakit?" pabulong kong sabi

"Tawag ka raw ni maam" turo nya kay maam Theriz na nasa harap ni Gia



hinalughog ko ang pencil case ko at hinanap ang  correction tape agad kong inabot ito kay maam sa bandang kaliwa

ilang segundo ang nagtagal nagulat ako ng biglang kuhanin sa akin ni Enzo iyon para ibigay kay maam, dahilan para magtama ang mga daliri namin

di ko pinahalata ang gulat dahil masyado kaming mag kalapit at katabi ko lang sya

inabot niya uli sa akin ang correction tape, nilahad ko nalamang ang kamay ko para hindi uli dumaloy ang kuryente sa daliri ko sa tuwing mag tatama ang mga kamay namin



(-_-)



tapos na ang program,

nagkanya-kanya na kami ng landas at pati ibang studyante ay di mag kamayaw kung saan sila hihiyaw palibhasa apaka daming crush

magka-kapit bisig kami ni kendra papunta sa canteen dahil food is lifer sa'min


"Omg! Diba si yuri yon?"
impit na tili ng katabi kong si kendra


Falling Out of Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon