CHAPTER 1&2 OF 25

46 0 0
                                    

<AN: Tapos na sa wakas ang INTRO na hinati ko sa limang entry....The story just begin...>

<NP: You're My Right Kind Of Wrong by Toni Gonzaga>

CHAPTER 01 of 25

REEZ POV...

Lagi ko na lang naririnig ang kantang to.Kahit saan.Parang may mania.Sa totoo lang nalito  rin ako sa title nya pero maganda naman kapag trinanslate mo na: Ikaw ang Aking Tamang Uri  ng Mali.Pero pano ba 'yon?Paano ba maging tamang uri ang isang mali?Wala naman sa lyrics nya  ang sagot.Pero bakit ba masyado akong nagkukunsumi sa kanta na 'to?Makapag-lunch na nga.Nga  pala.Ako na lang mag-isa ang kumakain dito sa tinatambayan namin ng bestfriend ko.Kasi  naman,ayon nasa Italy na sila.Matagal na rin.Mag-iisang buwan na.Nakakalungkot nga kasi sya  lang ang totoong kaibigan ko dito sa school.Oo nga pala bago sya umalis ay naikwento ko sa  kanya ang napanaginipan ko.

FLASHBACK...

"Nakakaloka naman ang panaginip mo bezzy.",sabi nya na nakatawa.

"Pero sa tingin mo?Mangyayari kaya 'yon?"

Pinoke nya ako sa noo.

"Bakit ba?Waga naman 'to!",sabi ko habang hinihimas ang noo ko.

"Bakit mo ba iniisip na mangyayari 'yon?Alam mo sabi nila,baligtad daw sa totong world ang  nangyayari sa panaginip."

Tiningnan ko lang sya na nakanguso.

"Namomroblema ka ba dahil lang dun bezzy?"

"Oo naman.Kasi parang totoo eh."

"Naman!Pano naman ako?Gusto mo talaga akong uminom ng lason?"

"syempre hindi.'Yong part lang na naging kami ni Vin at na-aksidente tapos bigla may bata at  asawa ko na si Jay.Ano ba 'yon?Parang may gustong iparating.",sabi ko na naka-kunot ang  noo.Naisip ko lang 'yon pero ayoko namang mangyari.Kung magmamahal uli't ako ayokong maging  status ang complicated.

"Mukha nga."

kinabahan naman ako sa mukha nga na 'yon.Mukha nga na ano?Na-magkaka-totoo?Tinanong ko kay  best.

"Mukha nga na may gustong sabihin pero di ba,ikaw pa rin 'yan.Hindi naman pwede diktahan ng  panaginip ang totoo mong buhay."

Napatango na lang ako sa mga sinabi nya.

"Bukas na pala alis mo.",may namumuo ng luha non sa mga mata ko.

"Walang iyakan bezzy ha!".

Wala daw.Ayun nga.Sya pa ang unang umiyak at nadala na rin ako.Nakakalungkot lang.Sa loob ng  mahabang mahabang 15 yrs ng pagigi naming mag-bestfriend,ngayon lang kami mag-kaka-hiwalay  ng ganito.

"Panu pala si Jasper?",tanong ko sa kanya.

"Susunod daw sya."

"Wow.Ngayon na ako naniniwala na mahal ka ng loko."

"Ikaw?Rinig ko you gave Vin a chance."

Wala.Nakalimutan ko na.Binigyan ko ba talaga sya?Baka kasi hindi.

"Ah.Oo.Pero ewan.Alam mo naman na hindi na ako naniniwala sa love diba?"

Pinoke nya uli ako sa noo.

"You are blinded by pain.Nagigi ka ng tanga dyan!"

Napanguso uli ako.Napakamot.Gusto ko sumigaw.Ewan.Wala lang.

"Best,ingat ka na lang.Basta wag ka makalimot."

Yinakap nya ako at nag-iyakan ulit kami.Pakatapos non ay umalis na sila.

You're My Right Kind of Wrong : Our SongWhere stories live. Discover now