"Nang mga panahon na sobrang lungkot na lungkot ka na,sya 'yong nagpangiti sayo... Na sinasabi ng puso't isip mo na, gusto mo sya, na minahal mo sya ng buong-buo.Pero sa mga panahong isusuko mo na ang lahat sa kanya,saka mo na lang nalaman, hindi na pala sya sayo..."
ENTRY 03
"Pare nakontak mo na ba si James?",tanong ni Vince sa kaibigan.
"Bakit may problema ba?", sagot nito habang nakahiga sa kama.
"Wala naman.Kanina ko pa sya tinatawagan kasi.Ano ba naman kasi ang problema non?Hirap naman sa taong 'yon basta may problema,damay lahat."
"Pare stop treating James as a child.HIndi na sya bata.Don't worry about him.He'll be fine."
"How could you tell that to your little brother?"
VINMAR POV...
Yeah.Little brother.Our little brother.
I remember the past.Mga bata pa lamang kami,mag-kakaibigan na kami.Si Vince ang kuya at si James ang bunso.I was five ng makilala ko sila.Seven non si Vince at three naman si James.Ang mga magulang namin ay mag-kaka-partner sa negosyo.At sa mga meeting nila,dinadala kami minsan at don kami nag-kikita-kita.
First,nagi kong friend si Vince.His the only son kaya he wished to have a brother.One day,habang naglalaro kami nakita namin si James na umiiyak.Di sya mapatahan ng yaya nya kaya lumapit kami sa kanya.
Vince handed him the ball we used to play.He looked at us with a smile at don nagsimula ang pagkaka-ibigan naming tatlo.
We used to be a brother to each other ng mag-high school na si Vince.Absent ako 'non ng may mangyari kay James sa school.Pinagtulungan ito ng ilang mga bully at nagsumbong kay Vince.Ang school namin ay isa lang-meron ng elem to college so ang nangyari pinagsusuntok ni vince ang nang-bully kay James.Pero ang masama,may mga kapatid din pala ang mga ito na senior high school at tuloy si vince din ang pinagtulungan.Dahil mayaman kami at maimpluwensya mga magulang namin,kami pa rin ang pinanigan ng school.That's the first time I see the power of money.
James is a sweet boy.Kaya mahal namin sya.After ng nangyari,he gave Vince a chocolate and a flower saying sorry na dahil daw sa kanya kaya nangyari 'yon.I'm there when vince said that he'll do everything to protect us.Gusto nya ng mga oras na yon ay tawagin namin syang kuya.
Hanggang sa lumaki kami.Ewan ko ba.Everything changes talaga.'Yon na siguro 'yon.Pero si Kuya Vince lang talaga ang hindi.Pero ang sobra kaming nanibago kay James.When both of his parents died in an accident,nagi na syang mapag-isa.Hindi mo na mabasa.The worst ng mag-away sila ni Kuya vince and he attempt to kill himself.Ewan ko ba sa taong 'yan.
Kaya ngayon na hindi na naman namin sya naiintindihan,alam ko na sobrang natatakot na naman si Vince.
"Are you there?", tanong ni kuya sakin.
Para akong nagising sa realidad ng magtanong si kuya.
"Yes kuya.where are you know?Napuntahan mo na ba 'yong tree house natin?Baka nandon lang 'yon."
"I'm happy to hear you calling me again kuya.I'm driving.I'll check him there."
"Susunod ako don Kuya."
"I hate you bestfriend.Nakakainis ka naman.Ba't mo ba ako iniwan?Sabi ko hintayin mo ako 'don sa tambayan natin.Pero ng dumating ako don wala ka at may nakita akong isang super cute guy."
Natigilan si Reez sa mga sinabi ng kaibigan.
"Can you please shut up!",taas kilay nyang sabi dito.Ayos lang sana ang inggay nito kahit meron syang ginagawa pero iniiwasan nya na mabanggit ang lalaking 'yon.