CHAPTER 4

6 1 2
                                    

Chapter 4

Mamura's POV

MY DAY isn't really complete hanggang hindi ko naiinis si Annoying girl, Basta! Gusto ko siyang makita na naiinis... Kaya naman pumunta ako sa restaurants ni Chen napag-alaman ko kasi na doon siya nagtatrabaho pinasama ko ang dalawang personal body guard ko.

I prefer to have them when I want to go outside... But if I'm in a mood na pasamahin sila, hindi naman ako bata para magpasama kung saan ko gusto. Lalo na kung gusto kong mapag-isa.

Teka! Kailan pa nag-yaya ng kasama ang taong gustong mapag-isa?

I call them B1 and B2 wala lang gusto ko lang. At hindi ako basta basta kumukuha ng personal body guards, I choose the right one.

Maganda ang pangangatawan nila at matatangos ang ilong tsaka maganda ang pagkagupit ng mga buhok nila, matatangkad at higit sa lahat malilinis and arranged at pormal ang kanilang panonoot. Mga gwapo sila pero mas lamang parin ako ng marami.

Si Mom ang nag-hire pala sa kanila para sa akin. Pero ako ang namili, sa one hundred na pina-apply niya.

"Nandito na tayo sir!" sabi ni B1 habang pinahinto ang sasakyan sa tapat ng restaurant ni Chen.

"Ok!" matipid kong sagot habang naka-crossed arm na nakaupo sa backseat.

Si B2 ang driver at nasa front seat sa tabi niya si B1. They look like a twin. Magpinsan sila.

"Sir are you sure na papasok kayo?" nag-aalinlangan na tanong ni B2.

"Pwede ba! Huwag na madaming tanong!" taas kilay kong sabi.

Pinagbuksan ako ni B1 ng pinto at agad naman akong lumabas.

I wore a black sweatshirt and green jacket with hood its a wide, black jeans and brown high tops Fila shoes.

"Sir baka mainitan po kayo!" nagalalang sabi ni B2 at akmang papayongan ako.

Mahal ang bayad ni mama sa kanila that's why ganiyan sila kaseryoso sa trabaho nila.

"Tch! Did you forget? I'm the source of a heat, And if you feel hot then sorry! " sabay ngisi ko saka namulsa.

"Uy! Si Ning Thompson 'yon diba?"

"Oh emmgeee! I can't believe."

"Bakit siya nandito?"

Agad kong naagaw ang atensyon ng mga tao sa labas kaya naman nagsipagtakbuhan sila malapit sa gawi nang daraanan ko at agad naman silang hinaharangan nila B1 at B2.

"Mga tao talaga, hindi talaga nagsasawang tignan ang kagwapohan ko!" natatawa kong bulong sa sarili ko.

"Sir! Wait!" pagpigil sa akin ni B1 nang makalapit na ako sa maindoor nang restaurants. At pinagtulungan naman nila itong lagyan ng disinfectant pagkatapos ay pinunasan ng malinis na pamunas.

"Now you can!" sabay bukas ni B1 sa pinto at nauna si B2 pumasok sa akin upang siguraduhin na walang dumi na makakalapit sa akin kaya naman pinaggagamitan niya ng disinfectant ang gawi ng daraanan ko at si B1 naman sa kabilang ibayo.

We looked abnormal recently.

Malinis naman ang restaurant ni Chen, pero possible parin na may palutang lutang na virus dahil maraming nagpupunta dito.

Laking gulat ng mga costumer nang masilayan nila ang gwapo kong itsura, pero mas na o-OAn sila sa ginagawa ng dalawa.

That's normal!

The Bad Boys Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon