Twenty-nine

83 1 0
                                    

The Numb by @JeAnnPulido

Chapter 29: Trembling Hearts

Ashley's POV

Entering a run-down restaurant just by the corner of my neighborhood, I was welcomed by more than a dozen people eating there like barbarians.

Wow. Philippine lunch time rush.

Pagkakitang-pagkakita palang sa akin ng may-ari ng kainan na nasa counter ay agad siyang nagmadaling pumunta't lumapit sa akin at talagang nakangiti pa siyang abot sa mga mata niya dahilan kung bakit kumunot ang noo ko.

I've never felt so repulsed on being welcomed before. His rabbit teeth with braces and smile are so bright.

"Ma'am! Nandito nanaman po kayo. Nako, parang nung isang araw lang po kayo lumipat pero talagang araw araw kang kumakain ditto. Hali po kayo dito sa VIP room namin, ito po ang pinakamaayos at pinakamalawak na pwesto sa kainan namin!" tumango nalang ako dahil masama pa rin ang pakiramdam ko at sinundan nalang siya papunta dun sa sinasabi niyang VIP room

Inobserbahan ko si Pepito – a guy who's probably on his late 20's and the owner of the restaurant who's now leading me to the VIP room, not sure whether he has one but still, I'm following him. Ang daming tao ngayon eh dahil lunch time rush ngayon at marami-rami rin ang mga business buildings dito kaya naman dito kumakain ang mga trabahante.

Kahit na luma na ang itsura ng store, masarap naman 'yung pagkain kaya naman hindi ka magsisisi na dito ka pumunta.

"Yung usual pa rin po ba, ma'am?" tanong niya saka niya ako pinagbuksan ng pintuan patungo sa 'Sakura Room'

"Yeah, still the usual and some ging..." hindi ko natuloy 'yung gusto kong sabihin dahil nabigla ako sa sumalubong sa akin

What the hell. It's a Japanese styled-room surrounded by walls of posters of Sakura trees. Judging by the furniture and the interior design.. it smells like it cost thousands.

Kumunot ang noo ko't tinignan na ang middle-aged na lalaking hinatid ako sa kwartong 'to. Suspicious. Very suspicious.

Huminto yung may-ari dahil natigilan ako saka ako tinignan. Mukha namang nabasa niya ang nasa isipan ko dahil sa ekpresyon ng mukha ko't agad siyang natawa.

"I actually bought this restaurant last last year from a widow, that's why I've made some arrangements. Talagang mabibilang lang ang mga customers na welcome sa parte na 'to ng kainan at dahil naniniwala akong magiging matalik tayong magkaibigan ay naisip ko na isali ka sa bilang na 'yon at dalhin ka dito, ma'am" page-explain niya kaya naman hindi ako nagsalita

"And besides..." tinaasan ko siya ng kilay nang ngitian niya ako

"Judging from your poise and bearing and that you're a student from Gaein Academy, I'm sure you can pay the bill just fine" dagdag niya saka tumagilid para senyales na pwede na akong pumasok kaya naman napatitig lang ako sakanya

Fcking businessman.

Gusto niya lang talaga akong pagastuhin eh. Tsk. Dagdag sakit sa ulo.

"Whatever. Just bring me the usual and some ginger soup," sagot ko saka ko siya sinenyasan na umalis kaya naman agad siyang tumango

Daming satsat.

"Right away~" saka niya sinarado ang pinto at agad na umalis

Inikot ko muna ang paningin ko para tignan ang buong silid. A group could possibly fit in this spacious room. Maybe I should bring the other here.

Hindi ako nagreak nang makaramdam ako ng mga matang nakatingin sa akin saka tinignan 'yung mga taniman sa gilid.

"Ah, surveillance. Nice place to hide such a thing" bulong ko't tuloy tuloy lang na umupo sa may cushion, relaxingly crossing my legs and making sure that my back is straight

Kinuha ko 'yung teapot at nilagyan 'yung teacup na nasa harapan ko.

Inamoy ko muna bago ko ito inunom. Hmm. It's good and definitely not poisoned.

Natawa ako ng bahagya. Masyado na akong praning sa lahat ng mga bagay. I should just enjoy this peace for now because I know that soon enough.. it'll be gone.

Parang siya lang, ang bilis niyang nawala.

(A/J: HAHAHA. Hindi siya humugot ha? Si Ate Louela 'yung sinasabi niya dito)

Hindi naman tumagal ay dumating na ang order ko kaya naman nagsimula na akong palakasin ang resistensya ko.

While eating gracefully and slowly, I made sure to reflect on my previous actions.

I actually let him talk to me and flirt with me as much as he liked when I usually lash out and be indifferent to other, letting him treat me with deserts when I can't even handle it, and letting him touch me without me knocking him unconscious....

In the end of it all, I questioned myself: Why did I let Zac lead me around yesterday when we've only met just a couple of months ago?

Matapos nalang akong kumain, nakapagbayad at nakalabas ng kainan ay wala paring sagot na dumadating sa akin.

It's quite a problem really. Why? Because I think I can answer anything, after all, I'm Ashley. Hindi naman sa nagmamayabang pero alam ko naming top notch ako pagdating sa mga labanan at kagandahan, hindi lang iyon, pati na rin sa katalinuhan – I am still at the second at the ranks after all – just below Kath's first place.

Tumigil ako sa pagde-daydream nang makaramdam ako ng killing intent na malapit sa akin.

Inikot ko ang paningin ko't agad na hinanap 'yung taong pinanggalingan ng intent na 'yon.

A middle aged-man with a disheveled appearance, although he was clearly wearing a very expensive suit, kunot kunot na ito, nakabukas ang dalawang butones sa itaas at talagang hindi maayos ang neck tie niya. He was clearly drawing people's attention but thinking that maybe he was a problematic collared-worker, people just tried their best to ignore and avoid him.

Nang makita kong ilabas nung matandang lalaki ang baril sa bag niya ay agad na akong tumakbo't walang dalawang isip na sinipa 'yung kamay niya dahilan kung bakit siya nabigla't nabitawan ang baril sa sakit.

"Ah! Fck!" hinila ko na 'yung pulso niya't tumalikod saka siya itinumba sa lapag, the usual judo style of taking people out of their balance and make them fall painfully.

It's not much of a move but it's enough to take someone's ability to move.

Napatingin naman ang mga taong nakapaligid sa amin dahil sa gulat.

Hindi naman nagtagal ay dumating 'yung mga gwardya ng bankong malapit lang sa amin at tinulungan ako

Buti nalang at mabilis ako. Habang tumatakbo ay madali kong kinuha ang mouth mask ko't agad na sinuot 'yun. I was already using a cap and tied my hair in a ponytail after I ate so I think no one would notice me in case someone from my school saw the scene.

"H-hindi! Hindi niyo maiintindihan! A-ako! Ako ang habol nila! Kukunin nila ang lahat sa akin! Ang ari-arian ko, ang pamilya ko pati na rin ang buhay ko! Iisa lang pwedeng mangyari! Papatayin nila ako or papatayin ko sila!" sigaw nung matandang lalaki na ngayo'y nakatali na in courtesy of the bank's guards kaya naman agad ko nang pinulot 'yung baril niya

M1911. What a simple gun.

Thinking about his form earlier, I realized that he wasn't used to using guns.

Which means.. napilitan lang siyang gamitin 'yon. He must be telling the truth then.

Revenge. He's probably forced out of his comfort zone to hold and pull the trigger of the gun just for the sake of revenge.

"Who are they?" tanong ko kaya naman nagsimula siyang umiyak

"Orion! Orion! Mga gangsters sila na nakilala ko nung isang araw! Niloko nila ako! Papatayin ko sila!" sigaw niya kaya naman nabigla na ako't agad na inikot ang paningin ko sa mga taong nakapaligid sa amin at sobra pa

Orion.


The Numb (NOT YOUR ORDINARY GANGSTER STORY) ON-GOINGWhere stories live. Discover now