Sa Tuwing Kasama Mo Sya

39 0 0
                                    

Masaya ako, dahil akin ka.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo,

Ako ang maswerteng pinili mo.

Pero bakit ganito ang nadarama ko?

Sa tuwing kasama mo sya,

Dugo ko ay kumukulo.

Di ko alam kung bakit,

Pero pag Masaya ka kasama siya,

Pakiramdam ko ay nagtataksil ka.

Mahal kita, oo.

Walang walang labis, walang kulang.

Mahal kita, buong-buo.

Pero bakit ganito?

Sa tuwing kasama mo sya,

Kulang na lang maglampungan kayong dalawa.

Ano mo ba sya?

Bakit kailangan, magkasama kayo maya’t maya?

Hindi ako tanga para magalit ng ganito.

Ano ako? Loko-loko?

May nararamdaman akong pagnanais nya sayo,

Ngunit ito naman ay sinasakyan mo.

Ang bawat haplos nya sa balat mo,

May ipinapahiwatig na di ko matanto.

Ibinibigay ko ang tiwala ko sayo,

Ngunit ito ay sinisira mo.

Ang mga ngiting bakas sa iyong labi,

Hindi ko pa nasisilayan, mula nung naging tayo.

Ang mga kislap sa iyong mga mata,

Kailanman, hindi ko pa nakita.

Martir man ako kung maituring,

Ngunit dahil mahal kita,

Wala akong magagawa kundi pabayaan ka.

Dahil sa huli,

Alam kong sa akin ka pa din…

Sana…….

--Dedicated to Moon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Tuwing Kasama Mo SyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon