Eto na,magsisimula na saya
Ang parteng inaabangan ng lahat
Ang parte kung nasaan ang tyansa na maisayaw ka ng taong iyong ninanais
Taong unti unting lumalapitNagtatanong kung maaari ka bang maisayaw?
Nagdaan ang ilang taong hindi ko kilala
At isa ka sa kanilaDi ko man inaasahan
Pero iyan ka at nasa harapan ko na
Kasabay ang paglahad ng kamay
Wala pang isang segundo aking kinuha ang tyansaTyansa na maaari kang makilala
Inilagay ang nanlalamig na kamay sayong mga balikat
Parang kidlat ang dumaloy sa akin ng maramdaman ko sa bewang ang kamay moDahan dahang paggalaw
Ng ating mga paa
Kasabay ng ritmo ng musika
Nakatingin ako sa iyong mga mata
Na hindi ko malaman kung saan nakamasidKasunod ng aking pagtatanong kung anong gr. Mo na
Bakas ang saya saking mga mata
Ng malaman kong kapareho pala kita
Sa gabing iyon dun kita unang nakita.
YOU ARE READING
Broken Lines
RandomWarning: This is a Compilation spoken poetries Originally Composed by me. So please Do not Bash me Because I'm not a Pro. and NO PLAGIARISM PLEASE.